NOL 39 (XXXIX)

1.3K 152 355
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Kinaumagahan. Tinignan ko ulit ang cellphone ko. Napabangon ako sa sobrang gulat nang tumambad sa akin ang 106 missed call from him. Simula kaninang ala una ng madaling araw hanggang ngayong alas otso na ng umaga.

*Ako ang ringtone mo. Ako ang ringtone mo.*

Muntikan ko nang mabitawan ang cellphone ko sa sobrang pagkagulat at 'di sinasadyang na swipe ko ang answer button. Oh My God!

"Good Morning. Finally! Nagising ka na rin."

"'Di ka pa natutulog?" nag-aalangan kong tanong.

"Yeah, hinihintay ko kasi ang pagsagot mo sa tawag ko."

Bigla tuloy akong kinilabutan, as in tumayo talaga ang balahibo ko sa buong katawan. Kinikilig yata ako? Putek. 

"Nababaliw ka na ba?" inis kong tanong rito, pero sa totoo niyan concern ako at aaminin kong---sige na nga, kinikilig na ko. Sino ba naman ang hindi, 'no. "Bakit mo naman ginawa 'yon?" follow up na tanong ko.

"Wala lang. Gusto ko lang marinig ang boses mo bago ako matulog."

Sa sobrang kilig, naihampas ko ang kamay ko sa pagmumukha ng kapatid kong nakikitulog sa may kwarto ko.

Sorry, buti na lang hindi siya nagising.

"Matulog ka na nga. Antok lang 'yan, sige na!" pagsusungit-sungitan ko.

Akma ko na itong papatayin pero ayaw naman kumilos ng daliri kong i-slide 'yong red call button. Aba'y, nakikilandi rin siya. 

"Yes po, but promise me. Sasagutin mo ulit ang tawag ko kapag tumawag ulit ako, ha."

"Paano kung ayoko?"

"De mapipilitan na akong puntahan ka sa bahay niyo."

"'Wag!" Napatayo pa ko. "'Wag mo gagawin 'yan!" Ang OA ko roon, ha, as if naman na alam niya ang bahay ko. Eh, lumipat na kami, 'tsaka nasa poder na ko nina Nanay at Tatay.

"Teka, paano mo pala nalaman na ako ito? Samantalang tumangkad na ko ng kaunti, nagka-bangs at kung ano-ano pang kababalaghang nangyaring pagbabago sa akin tapos nakilala mo pa ko."

Tumawa siya ng akala mong wala ng bukas. 'Di pa rin nagbabago, mas lalong lumala ang pagka-eskandaloso niya sa pagtawa. I'm sure, sa mga oras na ito, mala-alkansya na mata niyan. Oh! Chinito.

"May nakakatawa ba sa sinabi ko?" pagsusungit na tanong ko ulit dito dahilan para matigil ito sa pagtawa.

Akala mo, ha. 'Di mo ko madadaan sa mga banat at sa makalaglag undies mong kagwapuhan. 'Di porket muka kang K-pop, bibigay na ko sa'yo. For your information, kahit maraming taon na ang nakakalipas. 'Di ko pa rin nalilimutan ang ginawa mong pagpapahiya, panglalait at ang pag-alis mo ng wala man lang akong nadinig na sorry at goodbye. Grabe ka sa'kin, ang sama mo. Hooo..

"Honestly---" Pa-suspense pa, ohh. "This past few days, I saw Gian in the front of botique shop, nagkamustahan kami. Then, may importante pala silang pupuntahan ni Patricia. So, nakiusap siyang samahan kita, pumayag naman ako kasi excited na kong makita ka at miss na miss na miss na kita."

So ibig sabihin, siya 'yong matangkad na maputing lalaking ina-assist ng mukang naghihingalong ipis na saleslady do'n sa botique shop? Siya rin iyong tinutukoy ng kahera at saleslady na boyfriend ko kuno na nagbayad ng damit ko? Umeygosh!

"Afterwards, sinundan kita sa McDo. Nakitable pa nga ako sa'yo. Kaso, in-snob mo lang kapogian ko. Samantalang 'yong mga girls do'n, apura pa-cute at sulyap sa'kin. But ikaw na nasa harapan ko, 'di mo man lang ako tinignan." 

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now