NOL 13 (XIII)

1.5K 179 381
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Kumain lang kayo nang kumain," ani lola sa amin habang isa-isang pinamimigay 'yong naka-plastic na hamburger, french fries, coke float, hotdog, spaghetti, peach mango pie, fried chicken na may kanin at laruan ng Jollibee. Pang-uwi nila iyon sa bahay nila. Mayroon din kami ng mga kapatid ko no'n.

"Salamat po, Nana Bebe, kain din po kayo," aya nila rito habang excited nilang sinisilip 'yong laman ng binigay sa kanilang plastic ng Jollibee.

"Nana Bebe, bakit po tig-dadalawa sa akin," tanong ni Gian.

"Sa akin din po," ani Nikki.

"Tig-isa kayo ng kuya Gilbert mo," sagot ni Lola kay Gian, saka binaling ang tingin kay Nikki. "Binulong lang sa akin ni Odessa, kapatid mo raw kaklase niya."

"Salamat po," sabay pang sabi nina Gian at Nikki. Nakakatuwa lang na makita silang masaya. Pero mas masaya kung nandito si Renz.

"Doon kayo magpasalamat, huwag sa akin," tukoy ni Lola kay Tito Pablo.

"Mamaya mo ngami magmamananamat, magmamano na nin mo ngo at magmamanginana,(Mamaya po kami magpapasalamat, magmamano na din po ko at magpapakilala,)" ani Vivo.

Hindi ko naman naintindihan 'yong sinabi ni Vivo kaya wala lang sa akin iyon.

"Yiiii..." anila, saka ako sinundot sa tagiliran ng nasa magkabilang gilid kong mag-bestfriend. Kami 'yong magkakatabi sa isang medyo maikling upuang kahoy. Katapat namin sina Gian, John, Paul, Vivo at Constantine, pinagkasya nila mga sarili nila roon sa mahabang upuang kahoy, magkatabi-tabi lang sila.

"Kayo talagang mga bata kayo.." natatawang ani Lola. "Kumain na lang kayo nang kumain diyan. Ubusin niyo 'yan."

Lumabas na ito ng kusinang kinaroroonan namin ng mga kaibigan ko. Para sa sampung katao lang kasi itong kusina ni Lola kaya doon sila sa sala kumaing matatanda. Sina Tita Thea, Kuya Macky at ang mga kapatid ko naman ay nandoon sa tindahan.

"Bakit walang puwit at leeg? Ibibigay ko pa naman kay Vivo," humahagikgik na bulong ni Gian.

Hati-hati na kasi 'yong letchong manok nung makarating sa amin, saka may tigi-tig-isa rin kaming fried chicken at coke ng Jollibee.

"Psshh. 'Wag na kayo maingay, Gian. Pinapakinggan namin 'yong sinasabi," saway ni Nikki rito.

Nag-focus na kami sa pagkain ng tahimik habang pinapakinggan namin ang pinag-uusapan nila Nanay sa sala.

"Kami na lang ang maghahatid sa'yo kay Jennica sa Biyernes ng hapon," ani Nanay. "Si Jennica lang, hindi puwede mga kapatid niya, magbabakasyon kami sa Quezon Province."

"Hindi ka pala kasama ng mga nanay mo magbakasyon sa Quezon Province," pabulong na sambit ni Paul.

"E'di makakasama ka na sa amin Jennica sa pangangaluluwa?" pabulong na tanong ng namumuhalang si Gian.

"Hindi niyo ba nadinig? Aalis din si Jennica, isasama 'ata siya ng Tito Pablo niya," pabulong na sabi ni Constantine.

"Naan naman nila mumunta? (Saan naman sila pupunta?)" nakasimangot na tanong ni Vivo.

"Pshhh," saway sa kanila ng mag-bestfriend.

"Baka mainip ang bata roon sa inyo, nandito mga kaibigan niya. May makakalaro ba siya roon?" tanong ni Lolo.

"Hindi naman ho mahilig maglaro apo niyo, 'Tay," ani Nanay. "Libro madalas kaharap ng apo niyong iyon."

Naghagikgikan ang mga kaibigan ko. Totoo naman iyong sinabi ni Nanay, naglalaro naman ako minsan pero kapag may kalaro lang, wala kasi ko kalaro rito kila Lola. 'Tsaka minsan talaga mas gusto ko magbasa ng mga libro.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon