NOL 48 (XLVIII)

1.2K 128 193
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

"No. Someone staring at me while I'm sleeping. I saw her recently. She was standing on my side."

Napatalukbong ako ng kumot nang maalala kong muli ang sinabi ni Cero. At umusal ako nang umusal ng dalangin habang tinitignan ko ang mga stolen shots ni Jennica na pasikretong kinuhanan ng mga tropapits ko.

Hanggang sa mahinto ako sa isang larawan na sobrang nagpakabog ng dibdib ko. Pati rin pala 'yong muntikan kong pagnanakaw ng halik, nakuhanan nila.

Zinoom ko iyon. Napalunok at napakagat labi ako. Konting-konti na lang talaga ang agwat ng lips ko sa lips niya. Dakilang epal kasi ang nakakasorang maid na 'yon. Haist.

*Koyang poge may tumatawag sa'yo. Koyang poge may tumatawag sa'yo* 

Lakas makapunyeta talaga ng rinecord na ringtone ni Lloyd.

Sinagot ko ang tawag mula kay Gian. "Ang aga mo naman--"

"Boss makinig ka muna bago ka manermon. Nandito kami ng triplets kila Jennica ngayon."

"Kay aga niyo naman maglakwatsa. Ano ginagawa niyo riyan?"

"Siya lang maiiwan dito sa bahay nila, chance mo na ulit ito, Boss. Grab it na!"

Napabangon ako. "Talaga? Saan naman pupunta mga kasama niya sa bahay?"

"Luluwas daw, gabi pa uwi no'n Boss, samantalahin mo na. At huwag kang mag-alala, isasama nila si Fulgoso!"

"Ohh, sure. I'll be there soon. Thanks."

*call ended*

Bumangon agad ako at nagpunta ng restroom para maghilamos at mag-mouthwash. Then kumuha ko ng jacket sa aking wardrobe at binuksan ang pinto.

"Tangeneh!" Napaupo ako sa sahig sa sobra gulat do'n sa babaeng nakaputing bumungad sa'kin. Tawa ito nang tawa habang tinuturo ako. "Haist! You, spoiled brat!" 

My youngest sister lang pala, si Chloe. 

Tumigil ito sa pagtawa at pumasok sa kwarto ko. "He's here pala. He's so handsome talaga even if he was sleeping. Haaay."

"So, ikaw pala 'yong sinasabi niyang nakatitig at nakatayo sa may gilid niya."

"Yes, I'am. Hindi nga siya na-afraid sa'kin. Ang cool niya talaga. Not like you, Kuya Jeron, you're so duwag. Haha!"

Aba! Tumayo ako at binitbit ko ito palabas ng room ko.

"Ouch! It hurts!" inarte nito habang hawak-hawak ko ang kanang braso niya. "If I got pasa, I tell this to Mommy. Huh!"

"Then go. Gusto mo samahan pa kita."

"Haist! You're so duwag na nga. You're so kill joy pa. I hate you!" pairap ako nitong tinalikuran at nag- "bleeh!" bago pumasok sa kwarto niya.

"Aba! Putulin ko tongue mo riyan, eh! Namimihasa ka na."

*Arf Arf Arf*

Napatingin ako sa may likuran ko. Napa-big eyes at napahakbang ako paatras nang makita ko si Phodo, ang Siberian husky puppy na alaga ni Brix. Apura pagpag nito ng buntot sa'kin habang tahol nang tahol.

Ohh! Holy cow! Sus ginoong mahabagin santa mariang ina ng diyos na makapangyarihan sa lahat. Iligtas niyo po ako sa tutang ito.

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Date: Tuesday, January 02, 2018
Time: 5:53 AM
Location: Sa aking munting kwarto, dito sa aming bahay.

Dear Mareng Diary,

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now