NOL 66 (LXVI)

1K 95 165
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Nakapikit kong ninamnam ang pagsigaw ni Renz sa pagmumukha ko. Patulak kong binitawan ang kuwelyo niya at hinilamos ko ang mukha kong ginawa niyang microphone habang bumabangon. At saka ko ulit siya tinignan ng masama, nakasalampak na siya ngayon sa floor na yari sa kahoy habang patuloy parin sa pagsigaw. Grabe naman lalaking ito, madalas siguro siyang manalo sa pahabaan ng happy birthday.

"Makakatikim ka talaga sa'kin ng isang sambayanang sapak, 'pag hindi ka pa tumigil diyan!" singhal ko sa kaniya.

Huminto naman agad ito at gumapang patungo sa paanan ko. "Sorry na, Jennica, 'wag ka na magalit sa'kin. Kahit anong iutos mo, susundin ko. Sige na. Sorry na," pagmamakaawa niya.

Napaisip naman ako ro'n habang nakatingin sa kaniya at napangisi na rin nang may pumasok na kalokohan sa pang-out of this world kong utak. Pero, napasimangot ulit ako nang maalala kong muli ang mga pinagsasabi niya kagabi sa harap ng madlang people. Bwisit siya!

Kung ipababawi ko naman sa kaniya ang inanunsyo niya kagabi baka lalong magka-issue. Baka ma-bash pa kami parehas, lalo na ako. Tapos, hunting-in nila ako at ipapatay. Napaka-OA yata ng utak ko ngayon.

"Tsk. Bakit ba kasi gumawa ka ng ganung eksena?" singhal ko ulit sa kaniya. "Pinalagpas ko na nga ang pagdamay mo sa akin sa pagparada niyo. Palalagpasin ko na rin sana yung paggawa mo ng eksena sa stage at pagtawag mo sa'kin ng Baby cute. Pero yung----" Inakmaan ko siyang gigil na sasabunutan, pinigilan ko lang ang sarili kong pisikalin siya. "Ianunsyo mo sa lahat na ipapakita mo lang ang mukha mo kapag napasagot mo ko, ibang usapan na 'yon. 'Di mo ba naisip na baka nanunuod ang first love mo? Paano na ang pagdiskarte mo sa kaniya? Yung pag-amin mo, pa'no na 'yon Renz. Paano!" sermon ko rito.

Umalis siya sa pagkakasalampak sa sahig, lumipat siya sa aking tabi at hinahagod-hagod ang likod ko. Sinamaan ko siya nang tingin. Pang-asar talaga, eh. "Don't worry about that, ako na bahala ro'n. Rineady ko lang siya sa mga posibleng madidinig niya from me."

"So ganu'n, pinagpraktisan mo ko?"

Nag-peace sign siya sa'kin sabay ngiti na lalo niyang kinapogi. Tapos, kinikiliti-kiliti niya ko sa tagiliran. "Ayieee.. Ngingiti na 'yan."

"Magtigil ka nga riyan!" pagpipigil ko nang ngiti at tawa. May kiliti kaya ako ro'n. Buwisit! "Isa." Hawi ko sa kamay niya.

"Ngumiti ka muna tapos sabihin mo, napakapogi mo talaga Renz," with feelings niyang sabi.

Pilit na pilit ko siyang nginitian. "Utot mo!" Inirapan ko siya at tumayo na ako. "Sumunod ka na nga ro'n sa mga kuya mo, aalis kayo 'di ba?! Bye na. Ingat. Tsk!"

Humarang ito sa dadaanan ko at kumanta ng, "Kulang ako kung wala ka...."

Buwisit! Bakit lalo siyang pumopogi sa paningin ko?!

Sabi ko, sa library ako ng mansion pupunta para tulungan ang mga tropang bagets ni Renz sa paggawa ng project nila. Ngunit heto ko ngayon, katabi si Renz na namimigay ng pasalubong sa mga naka-fall-in-line na tauhan nitong Hacienda. Nakasuot na naman kami ng nakakairitang maskara. Ang nakakabuset pa ro'n, yung mga nakapila sa'kin, binibigyan nila ko ng iba't ibang klaseng bulaklak sabay sabing.. sagutin ko na raw ang Señorito Jeron nila. At ang bugok na Renz, nginingisi-ngisihan pa ko. Tuwang-tuwa pa siya sa ginawa niyang kalokohan. Buset talaga. Kagigil!

"Aww!" natatawang daing nito dahil sa ginawa kong pagsipa sa binti niya. "Kuya, oh!" sumbong nito kay Aenon na nakapuwesto sa right side niya. Tumingin ito sa amin. "Si Baby cute ang ganda."

"Ayiiiieeeee..." tukso naman ng mga tauhang nakadinig sa sinabi ni Renz. Buwisit talaga. Huh.

Nag-focus na lang ako sa pamimigay nang pasalubong at pangongolekta ng mga bulaklak na binibigay nila sa'kin. Grabe! Saan kaya nila pinagkukuha iyon at ang gaganda, tapos mukang mamahalin pa. Hmmm...

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now