NOL 35 (XXXV)

1.4K 169 385
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Dear Mareng Diary,

       February 23, 2008. Araw ng Sabado. Alas singko twenty six ng hapon. Hindi ako nakasama sa pupuntahan naming birthday-an nila Lola dahil nakatulog ako sa biyahe pauwi galing Maynila- sa sinaunang bahay ng lolo nila Irish, ng mga Fontana. Sana nga hindi lang ito ang una naming pagkikita. Sana magkita pa kami sa mga susunod at hindi rin sila magbago sa pakikitungo nila sa akin.
       Kakagising ko nga lang. Ginising ako ni Tita Thea para pagbantayin ako nitong tindahan. Susunod kasi siya kila Lola sa birthday-an. Nanaginip pa naman ako na ginigising ako ni Renz dahil mag-friendly date ulit kami pero hindi niya ako magising-gising sa sobra kong antok at pagod. Para ngang totoo, eh!

Nagulat naman ako nang tumalon pababa ang nasa kanlungan kong si Fulgoso. Nagtatakbo ito palabas ng tindahan ni Lola. Hinabol ko agad siya, baka kasi bigla siyang tumawid pakabilang kalsada, masagasaan pa siya.

Tahol siya nang tahol habang panay ang pagpag ng buntot niya't nakatingin siya doon sa bukid. Kaya pati ako ay napatingin din roon. Nakita ko doon sina Patricia at Nikki na naglalaro ng badminton. 'Tsaka sina Gian, John at Paul na nagpapalipad ng gawa nilang saranggola. Naroon din ang mag-bestfriend na sina Vivo at Jinggoy na panay ang labanan gamit ang umiilaw nilang espada. At ang nakaupo sa isang tuyong pilapil na sina Constantine at Renz, na nanunuod lang sa mga ginagawa nila.

Woah! Nandito pa pala si Renz! Hihi!

"Gusto mo maglaro din tayo sa bukid, Fulgoso? Kaya lang hindi natin puwede iwanan itong tindahan ni Lola. Walang magbabantay," aniko.

"Kung gusto mo," Nilingon ko 'yong nagsalita. Si Kuya Macky. "ako muna ang magbabantay habang hinihintay ko ang Tita Thea mo."

"Woah! Talaga po?!" tuwang-tuwang aniko.

Nakangiti lang itong tumango-tango. Humakbang na agad ito papasok ng tindahan. Kami naman ni Fulgoso ay tumawid na ng kalsada.

Pagkarating ko sa pinakabukid, ibinaba ko na ang karga-karga kong si Fulgoso at hinayaan ko itong nagtatakbo patungo sa kinaroroonan ni Renz.

"Uwaaa~ Mommy!" sigaw ni Renz nang makita niya si Fulgoso na palapit sa kaniya. Wala ng oras para tumakbo pa siya kaya ang ginawa na lang niya ay siniksik niya si Constantine at saka nagtakip ng kaniyang mukha gamit ang dalawa niyang kamay.

Natawa na lang ako sa inasta niyang kaduwagan habang humahakbang ako palapit sa kanila. Natigil ang mga kaibigan namin sa paglalaro dahil sa akin nabaling ang atensyon nila at kay Renz na takot na takot kay Fulgoso.

Si Fulgoso naman ay nakaupo lang sa harapan ni Renz habang panay ang pagpag ng buntot nito at akala mo nga itong taong nakatawa habang hinihingal. Tinatawanan niya si Renz na naknakan ng duwag. Hahah!

"Hello, Fulgoso!" Hinawakan ni Constantine ang ulo nito at hinimas-himas. Pumayag naman si Fulgoso na hawakan siya ni Constantine. Kilala na niya mga kaibigan ko. Ayaw niya lang kay Vivo, akala kasi niya bulldog. Haha! Sabi lang nila Gian iyon.

"Boss, gusto 'atang makipaglaro sa'yo ni Fulgoso!" sigaw ni Gian.

"No, I don't want. I'm scared!"

Nagtawanan kami.

At ang magaling kong alaga ay talagang inaasar pa si Renz, lumipat pa ito sa tabi niya at dito pumuwesto ng upo habang panay pa rin ang pagpag ng buntot niya. Nakatanaw nga siya sa gawi ko, hinihintay niya akong makalapit sa kanila ni Renz.

"Nandito na si Jennica, simulan na natin ang meeting, Boss!" sigaw ni Paul. Papunta na rin sila sa gawi nila Renz.

"Vivo! Pareng Jinggoy! Meeting na!" sigaw ni John.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now