NOL 56 (LVI)

1.1K 115 202
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Umalis na si Renz. Ako naman ay naiwang nakahiga pa rin habang nakatulala sa may kisame. Pakiramdam ko, lalo akong lalagnatin sa sobrang bilis nang tibok ng puso ko, at feeling ko rin nag-iinit ang magkabila kong pisngi.

Dahan-dahan kong hinawakan ang gilid ng labi kong kiniss ni Renz. Una sa pisngi, ngayon naman dito. Baka sa susunod--- Nahawakan ko ang labi ko. Dito naman.

Umiling-iling ako. "Hindi ako papayag! Hindi! Hindi! Hindi!" Tapos natawa ulit ako nang maalala ko ang ringtone niyang barbie girl. Nakakaloka lalaking 'yon! Haha! "Come on Renren let's go party! Ah ah ah yeah. Come on Renren, let's go party! Ooh woa, ooh woa. Hahaha! Dapat pala barbie na lang rinegalo ko sa kaniya noong birthday niya. Haha." Sa susunod. Isasama ko 'yan sa checklist ko.

Bumangon ako. Kinuha ko ang dalang tote bag ni Gian na may lamang favorite kong espateti with egg at saka ako kumain ng kumain. Nagugutom na ko, eh.

*tok tok tok*

Nagbukas ang pinto, inabangan ko na lang kung sino ang papasok. Si Sir Kersey. Bigla na namang nag-panic at kumirot ang puso ko. Pero hindi ko iyon pinahalata, ayokong magmukang kaawa-awa sa harap niya. Kailangan kong magpakatatag, hindi ako iiyak sa harap niya at mas lalong hindi ko dapat ipakita na sobra akong nasaktan. Sana nga kayanin ko.

Inaya ko itong maupo sa may upuang nasa tabi ng hospital bed ko. Umupo naman ito. Inalok ko nga rin ito ng espateti pero ayaw niya. E'di 'wag!

"Kumusta na pakiramdam mo?" panimulang tanong nito.

"Fifty- fifty Sir. Eh, kayo po kumusta na ang paghahanda niyo ni Ma'am Tracey sa darating niyong kasal."

Kitang-kita ko sa mga mata nito ang saya, na siya namang sobrang ikinalungkot ko. "Okay lang. Handa na ang lahat. Ceremony na lang ang kulang." Okay. 'Di ko na lang siya tinignan. Sa espateti na lang ako nag-focus. "I'm sorry."

"Sorry for what Sir?" pormal kong tanong.

"Kung hindi ko agad nasabi sa'yo. Kung nabigla kita. Kung hindi ko nasuklian ang mga effort at love na binibigay mo sa'kin. At sa lahat lahat ng pagkakamaling nagawa ko. Pero sana---" Hinawakan nito ang braso ko. "'Wag mong isasarado ang puso mo para sa iba. Sobra akong makokonsensya 'pag ginawa mo 'yon."

"Konsensya? Meron ka po pala no'n, Sir," biro ko sabay tanggal ko sa kamay nitong nakahawak sa braso ko. "Ano ka ba naman Sir, huwag mo na ko idagdag sa stress mo sa buhay. Dahil okay lang ako. Kaya ko ito. Ako pa, sanay naman na kong naisasantabi. Ang maging second choice. Maging panakip butas at binabasura 'pag hindi na kailangan. Kaya don't worry po. I'm fine." Naluluha-luha ko ng sabi. "Excuse lang po Sir, magsi-CR lang po ako."

Nilapag ko sa side table ang kinakain ko. Bumaba ako sa may hospital bed na kinahihigaan ko. Kahit hilong-hilo, pinilit kong maglakad hila ang dextrose ko.

"Kaya mo ba? Tutulungan kita."

Hinawi ko ang kamay nito. "No thanks, Sir. I can manage myself," sabi ko sabay labas ko ng pinto at nakasalubong ko si Gian na OA ang pagkagulat nang makita akong umiiyak. "Ikaw na bahala kay Sir Kersey nandiyan siya sa loob," humihikbing bilin ko pa.

Hindi ko na inintindi ang pinagsasabi ni Gian. Basta ang gusto ko lang makalayo roon. Akala ko, kaya ko ng harapin at kausapin siya pero hindi pa pala. Napakadakilang feelingera ko talaga.

"Miss!" Hila sa'kin ng kung sino patabi, at sobra akong nashocked nang makita ko yung tulak-tulak ng mga nurse na stretcher, may sakay iyon na duguang tao. Muntikan na nga akong matumba, bigla kasi akong nahilo. Mabuti na lang naalalayan ako ng lalaking sumagip sa'kin. "Are you okay?"

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now