NOL 21 (XXI)

880 76 128
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(Friday, November 16, 2007)

"Hey, Bubuwit! Stop crying na. Wala namang nakakaiyak sa palabas." Pinunasan ni Renz ang mukha ko gamit ang panyo niya. Ang bango nga, amoy pabango niyang mamahalin.

"Anong hindi nakakaiyak? Nakita mo naman namatay sila ... nung nag-kiss sila... napunta sila sa paraiso ng langit. Namatay sila. Huhu..."

Natawa ng wagas si Renz. "Hindi sila namatay. Haha! Feels like heaven lang iyon."

"Hindi mo ba nakita? Namatay sila dahil sa kiss kaya ayoko na rin makipag-kiss. Ayoko pa mamatay."

"Feels like heaven nga lang iyon! Hahaha! Hindi nakakamatay ang kiss. Hahaha! E'di sana 'yung parents natin patay na."

Nahinto ako sa pag-iyak. Hinayaan ko na lang siyang punasan ang mukha ko. Tama nga naman siya. "Kahit na, basta ayoko makipag-kiss kapag lumaki na ko."

"Ang tanong, lalaki ka pa ba? Haha."

"Oo naman," nakangusong sagot ko.

"Oo na nga, haha! Stop crying na. Mas lalo kang nagiging cute, eh," humahagikgik na sabi nito.

Inagaw ko sa kaniya ang panyo niya at ako na lang ang nagpunas ng mukha ko. "Isosoli ko na lang ito kapag nalabhan ko."

"Okay. I have one pa naman in my pocket. So shall we play?"

Sumilip ako sa labas. Makulimlim. Hindi masyadong mainit. "Sige, mauna ka na sa bukid. May kukunin lang ako."

"Okay, I'll wait you there." Tumayo ito at nag-inat. "Ano pala gusto mong laruin natin?"

"Marimar-marimar-an."

"Oh, I see. Ikaw si Marimar at ako si Sergio?"

Kinilig naman ako sa sinabi niya. Gusto pala niyang maging Sergio ko. Hihi. 

"Oo! Sige! Ikaw na lang si Sergio. Akala ko gusto mong maging Marimar, eh." 

"No way. I'm not a gay, ha!"

"Laro lang naman iyon. Bakit sila Gian? Lalake sila pero nagma-Marimar sila."

"Sila iyon, not me."

"Sige na nga, pumunta ka na roon sa bukid. Hintayin mo na lang kami roon."

"Okay, bilisan mo, ha."

Tumango na lang ako sa kaniya. Lumabas na ito ng bahay ni Lola at tumawid papunta sa bukid. Ako naman ay nagtungo sa likod bahay  para kuhanin ang naglalarong si Fulgoso.

Kung ako si Marimar at si Sergio si Renz. Siyempre, hindi mawawala ang asong si Fulgoso. Hihi.

Dali-dali na akong lumabas ng bahay ni Lola. Tumawid na rin ako  pakabilang kalsada patungo sa bukid.

Naroon na si Renz, pinapanood nito ang kulay bughaw na kalangitan.

"Renz!" Napalingon sa akin ito nang nakangiti pero naglaho ang ngiti sa labi niya nang makita niya ang karga-karga kong si Fulgoso. "Ki-kiss daw sa'yo si Fulgoso. Hihi!"

Pinakawalan ko na si Fulgoso at nagtatakbo ito patungo kay Renz.

"N-noo! No! Bubuwit! Uwaaa! Mommy! Grandma! Uwaa!" sigaw ni Renz sa gitna ng kaniyang pagkaripas ng takbo. Hinabol naman siya ni Fulgoso.

Ang cute naman nila tignan. Hihi.

"Uy, hintayin niyo ko. Sali ko!"

•••••

Nakatanga lang akong nakatingin sa panay iyak na si Renz sa balikat ni Manong Andoy. Mukang natakot talaga siya ng husto kay Fulgoso.

"Don't look at me, Bubuwit. It's so embarrassing," ani Renz sa gitna ng pag-iyak niya nang hindi tumitingin sa akin.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now