NOL 38 (XXXVIII)

1.3K 157 408
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"Ano!" Nandudumilat at nagsusumigaw na sabi ni Patricia. Sinabi ko kasi sa kaniya ang sinabi sa'kin ni Sir Kersey. Hinila ako nito paupo sa may isang sulok– kung saan malayo sa mga nagpa-party-party. "Magka-partner ba ang suot mong panty at bra?"

Kunot noo akong umiling. "Hindi! Pero sa pagkakatanda ko, blue ang nasuot kong bra at saka wait lang, ha." Tingin sa left. Tingin sa right. Tingin sa front and back. Busy silang lahat at saka madilim naman kaya walang makakakita sa gagawin ko. Pasimple akong sumuot sa ilalim ng lamesa, in-open ko ang flashlight ng cellphone ko para i-check kung ano kulay ng panty ko. "Green ang panty ko! At kung susumahin, pasok na sa color wheel. Blue green!"

Oh, 'di ba, tama ako, magka-partner na 'yon.

Tumawa siya ng akala mong wala ng bukas. Grabe naman makatawa babaeng ito, parang nakalunok ng microphone. "Hahaha! Akala ko ba naman may pupulutin ka sa ilalim ng mesa. Iyon pala..." Tumawa ulit siya. "Titignan mo lang pala ang kulay ng panty mo. Hahaha! Baliw ka talaga!"

Siya nga ang baliw, sinagot ko lang naman ang tanong niya. At saka ano naman kinalaman ng panty at bra ko kay Sir Kersey? Tsk!

Bahala ka nga riyan. Pupunta na ko sa room na sinabi ni Sir Kersey. Kailangan, ako ang mauna sa kaniya roon. Ayoko na mapagalitan/masermunan pa.

"Alis na ko!" paalam ko kay Patricia na 'di pa rin maka-recover. Ang sarap pasakan ng pagkain bunganga niya. 

Kinuha ko ang mga bitbit ko, humakbang na agad ako patungo sa kalapit na elevator. Nagdadalawang isip pa nga ako kung sasakay ako rito o maghahagdan na lang. Nakakatakot kasi mag-isa sa loob. Dapat pala nagpahatid muna ko kay Patricia.

Tatalikod na sana ko para maghagdan na lang nang may maputlang kamay na naman akong nakita. Pinindot no'n ang open button ng elevator. At bahagya akong napaatras nang masilayan ko ang sumakay roon na matangkad at maputlang lalaki na nakasuot ng face mask at cap. Tanging mga matang nakatingin lang niya sa akin ang nakikita ko.

Feeling ko tuloy nasa isang K-drama scene ako. Woah! May Oppa sa elevator. At ngayon ko lang napagtanto na singkit siya. May bigla tuloy akong naisip na kuwentong pang-teleserye, na pinamagatang..."Ang oppa sa elevator" pero bakit may pagka-gangster ang naiisip ko na tema. Ang angas kasi ng dating niya, nanapak ng puso.

Mukang may lakad si Oppa kaya naman pumasok na ako sa elevator. Mahirap na, baka nga sapakin ako sa sobrang inis 'pag nahuli siya sa lakad niya.

Pinindot niya agad ang close button at ang button number 6. So, mula sa 25th floor na kinaroroonan namin, pababa kami ngayon sa 6th floor. Wow! Destiny, doon din pala siya pupunta. Ano kayang room niya?

Oh my gosh! Ayan na aandar na! I hate this feeling! Pumuwesto agad ako sa likod ng lalaki at umupo. Ganito talaga ko kapag nasa loob ng elevator, ang weird kasi sa pakiramdam. 'Di ko ma-explain basta parang 'yong puso ko ay naiwan sa itaas at ang ulo ko ay parang nanlalaki at medyo hilo. Realtalk 'to, walang halong kaartehan. 

Pumikit na lang ako at kumapit sa may binti ng lalaking mukang oppa na gangster. And I'm sure na masama na tingin niyan sa'kin sa ginawa kong paghawak sa kaniya nang walang paalam. Pero ang himala sa himala, 'di niya ko inangilan o sinipa man lang. Naiintindihan niya siguro ako.

*ting*

Hudyat nang pagbubukas ng elevator, nasa 6th floor na kami. Agad-agad akong umayos at nagpatiunang lumabas, nakakahiya kaya 'yong ginawa ko.

*bzzzt*

Natigilan ako sa paglalakad. Binuklat ko ang sling bag ko at kinuha ang aking cellphone. 

**1 Message from: +63930*****77

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now