NOL 16 (XVI)

954 76 163
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Take care, Bubuwit!" kumakaway na paalam sa akin ni Renz na sakay ng service niyang van. "Tomorrow again!"

Kinawayan ko rin siya hanggang sa makaalis ang sinasakyan niyang van. Pagkatapos ay sumakay na rin ako sa bandang likod ng magarang kotse ni Tito Pablo para dito na lang din siya hintayin. May nakapuwesto na kasing etchoserong palaka roon sa unahan, sa tabi ng magda-drive na si Tito Pablo.

Habang hinihintay namin si Tito Pablo, pinanood ko sa nakasaradong bintana ang mga papalabas na estudyante, isa na roon si Calla. Napangiti ako nang makita ko siya kahit alam ko namang hindi niya ako nakikita.

Simula ng magalit siya sa akin ay sinikap kong hindi na magpakita sa kaniya dahil ayokong masira ang araw niya. Kaya natutuwa ako at nakita ko ulit siya ngayon.

Halos kasabayan niya lang sa paglabas ang mga kaibigan niya pero hindi siya pinansin ng mga ito na siyang ikinapagtaka ko. Sinundan ko ng tingin ang nakayuko at malungkot na si Calla.

Maya-maya pa ay linapitan siya pa-isa-isa nina Yvonne, Sarah at Katherine para ibalibag sa kaniya ang mga hawak nitong gamit. Hanggang sa pagtulong-tulungan siya ng mga itong kuyugin.

Bumaba agad ako ng kotse ni Tito Pablo. "Calla," pabulong kong sabi.

Gusto ko siyang lapitan pero hindi ko maihakbang ang mga paa ko palapit sa kaniya. At unti-unti na ring kumakapal ang mga bilang ng estudyanteng nakikiusyoso sa pang-aaway nila Katherine kay Calla. Ni isa sa mga ito ay walang umawat.

"Uy, Jennica," si Patricia, umikyabit ito sa braso ko, "huwag mo sabihing tutulungan mo siya? Huwag ka na makisali sa kanila, madadamay ka lang sa away nila ni Katherine."

"Bakit? Anong---"

"Itigil niyo iyan!" sigaw ni Lucas, kabababa lang nito ng kotse ni Tito Pablo.

Naglingunan sa kaniya ang mga nakikiusyosong estudyante. Maski na sina Yvonne, Sarah at Katherine ay tumigil sa ginagawa nilang pambubugbog kay Calla, tila nahimasmasan ang mga ito nang makita nila ang papalapit na si Lucas. Binigyan siya ng daan ng mga nakikiusyoso dahilan para makalapit siya sa kinaroroonan ng umiiyak na si Calla.

Itinaas ni Lucas ang kanang kamay niya at sumenyas ng dalawa. Mula sa kung saan ay may lumabas na dalawang lalaking mula sa pang-itaas hanggang sa sapatos ay kulay itim ang mga suot. Ang tanging kulay puti lang sa kanila ay 'yong suot din nitong puting maskara na pang-Jabbawockeez.

"Sino siya?" tanong ni Patricia.

Hindi ko iyon nasagot dahil muling nagsalita si Lucas.

"Tawagan niyo ang kaniyang mga magulang upang ipagbigay alam ang kaniyang sinapit sa tatlong ito." Halata ang takot sa mukha nila Katherine ng mga sandaling iyon. "Dalhin niyo siya sa kalapit na pagamutan at ihatid sa kaniyang pamamahay."

"Masusunod po," sabay pang sabi ng dalawang lalaking nakaitim habang nakayuko. At agad nilang sinunod ang ipinaguutos ni Lucas.

Si Lucas naman ay pumihit patalikod nang nakapamulsa ang kanang kamay sa pantalong suot nito. At marahang naglakad papunta sa kinaroroonan namin ni Patricia. Sa amin tuloy nabaling ang atensyon nila.

Binuksan nito ang katapat kong pinto. "Sumakay ka na. Ayos na siya."

Tinignan ko si Patricia, diretso lang ang tingin nito sa nasa harapan naming si Lucas. Mukang pati siya ay humanga rito.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now