NOL 37 (XXXVII)

1.3K 157 383
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

After 9 years and 9 months...

(Saturday, December 23, 2017)

"Jennica, matagal pa ba 'yan?" si Patricia, halos kalampagin na ang pinto nitong fitting room na kinaroroonan ko.

Napaka-excited naman ng babaitang ito. Kapapasok ko pa nga lang, gusto niya agad lumabas ako. Ano tingin niya sa'kin? Ako si Wonder Woman na iikot lang tapos naka-change outfit na agad. Tsk. Maghintay ka riyan.

Isinuot ko na agad ang napili kong above the knee na navy blue dress at humarap sa salamin. Woah! Hindi ko na kailangan ipa-repair, fit na fit na sa akin. Ang cute ng dress na napili ko para sa gaganaping Christmas Party namin mamaya. Ang galing ko talagang pipili! Hihi!

Kinalabog ulit ni Patricia ang pinto kaya naman lumabas na ko at---

"Uwaa! Ang ganda mo, Jennica!" Nahiya naman akong nang magtinginan sa'min ang mga saleslady na naglalanturan sa labas nitong boutique shop.

Kahit kailan talaga itong si Patricia, ang OA. Samantalang mas maganda siya kesa sa'kin. 

Inikot-ikot ako nito na parang isang naka-display na maniking para tignan maigi ang suot kong damit. Kapagkuwan ay nag-thumbs up ito sa akin. It means, pasado sa kaniya.

"Kunin ko na po itong suot ko," sabi ko na lang do'n sa saleslady.

"Pero ang sabi ni Nikki, mas bagay sa'yo 'yong backless na naka-display doon sa labas, Jennica! Iyon na lang kaya!"

Nasapo ko na lang ang noo ko. "Ayoko, baka magka-pulmonya pa ko roon!" Pumasok na agad ako ng fitting room para magpalit ulit.

Mabuti na lang talaga, hindi namin kasama si Nikki, kundi aabutin kami ng siyam siyam sa pamimili ng susuotin kong dress. Ayaw niya kasing maging third wheel nina Gian at Patricia kaya hindi siya sumama.

Para sa akin naman, wala namang kaso sa akin iyon, okay lang sa aking maging third wheel ng kaibigan naming mag-jowa forever. 

"Jennica!" katok ulit ni Patricia. Parang nawawala ang babaeng ito. "Bilisan mo riyan! Dalii.. may koreanong kausap si Gian sa labas." Kumatok ulit siya. "Bilis, Jennica! Mukang magkakilala sila!"

Aish! Patricia Ann! Gigil mo na si Ako. Binilisan ko na lang ang pagsusuot ko ng office uniform. Pagkatapos ay lumabas na ako ng fitting room nang matigil lang sa kaingayan ang daldakinang bungangera kong kaibigan.

Ngunit walang Patricia akong nakita. Tanging saleslady lang ang naroon na ina-assist ang napakatangkad at napakaputing lalaki na pumipili ng dress na naka-display sa may itaas. Para siguro sa girlfriend niya 'yon. Teka nga, ano bang pake ko, mind my own business.

"Miss! Kunin ko na po ito," sabi ko ulit don sa saleslady na mukang naghihingalong ipis sa pagpapa-cute do'n sa ina-assist niyang lalaking customer.

Kay sarap tsinelasin. Ayy! Flat shoes pala itong suot ko.

Nilapitan naman kaagad ako ng isang saleslady, kinuha nito ang napili kong dress, pati na rin ang bayad ko. Dinala niya iyon sa may counter, sa kasamahan niyang cashier.

In my peripheral vision, nakita kong tumingin sa'kin 'yong nakatalikod na lalaki. Susulyapan ko rin sana ito ngunit nag-vibrate ang cellphone ko. 

Kinuha ko agad ang cellphone ko sa bulsa ng suot kong uniform, baka kasi from office 'yong message. Baka may utos pa ang Boss ko. Pero sana wala na, ngayon na nga lang free time ko para sa sarili ko, sa kakaasikaso ng mga utos ng Boss namin.

**1 Message from: Patricia**

Kahit papaano ay nakahinga ako nang maluwag. Ano na naman kaya problema ng babaeng ito, in-open ko agad ang message niya.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now