NOL 64 (LXIV)

1.1K 104 237
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

I was wearing a white prince suit with a black sash-- on which my first name was written in white ink. White trousers, medieval black boots, black and white half Venetian mask, silver crown, and silver swords hanging behind me.

I'm done. I'm ready.

Inayos-ayos ko muna ang bangs ko bago tumayo sa aking kinauupuan at lumabas ng room ko. Papunta ako ngayon sa dressing room, sigurado akong inip na inip sa'kin ang mga beautician na mag-aayos kuno sa'kin doon. Hindi ko naman masabi na hindi ko sila kailangan, kaya ko mag-ayos ng sarili ko.

Isa pa, ayoko ng kung sino-sino humahawak sa buhok ko lalong-lalo na sa mukha ko, si Jennica lang ang may rights do'n dahil sa kaniya lang ako.

Abalang-abala sila sa pag-aayos sa mga pinsan ko at kay Kuya Aenon, hindi nga nila napansin ang pagdating ko. Umupo na lang ako sa nag-iisang bakanteng bench at pinagmasdan sila. Nang mainip ay kinuha ko ang iPhone X ko at binuksan ang application na Facebook.

Muntik na akong malaglag sa kinauupuan ko nang makita ko ang bilang ng friend request, notifications at messages na puro "pa-add po" "notice me po" "super fan niyo po ako"

But sad to say, yung pinakauna kong in-add, hindi pa ako kino-confirm. Kailan ba ko papasa sa'yo Jennica? Haist!

Nagbasa-basa pa ko ng comments nila sa profile picture at cover photo ko na umabot na sa 200k reacts and counting. Pati na rin sa tagged video ni Lloyd, umabot na ng billion views, shares, reacts and comments. Pare-parehas lang sinasabi nila, pahiwatig na raw ba iyon na lalantad na ko sa publiko, makukumpleto na ang Sole's Knights.

Maybe? Yes? Or No? Atensyon lang naman ni Jennica ang gusto ko pero kung kinakailangang gamitan ng social media, sige ba. Tutal, mahilig pala siya rito, e'di gugustuhin ko na rin para sa kaniya.

Speaking of Jennica, tapos na kaya siyang ayusan nila Mommy? Sigurado akong lalake na naman ang butas ng ilong no'n kapag nalaman niyang ako ang humiling kay Grandma na makasama ko siya sa parade.

Tumayo na ako sa aking kinauupuan at lumabas. Nakasalubong ko ang limang beautician, as usual nagulat sila.

Pagkalagpas ko, nagtilian sila at tinawag pa talaga ang iba pang nilang kasamahan para tignan din ako. Pini-pictueran nila ko habang nakatalikod. Buti na lang pala umalis na ko ro'n.

"Pare, Jeron!" Kumakaway na tawag sa'kin ni Edritch, bitbit nito ang mga gamit niya.

So, totoo nga na uuwi na siya, wala nang hahadlang sa pagdiskarte ko kay Jennica. That's great!

Pagkalapit nito sa kinaroroonan ko, nakipag-bro handshake siya sa'kin at tinapik ako sa braso. Feeling close talaga.

Tinapik ko rin siya. Oops! Sorry, napalakas pre. Hindi niya naman ininda 'yon. Isa pa kaya? Sa mukha naman.

"Bakit biglaan naman yata ang pag-alis mo?" Sus, napaka-plastik naman ng tanong ko.

"Pinapauwi ako ni Mommy saka ni Daddy, I don't know the reason. Sige pare, pakisabi na lang kay Monique ko na umalis na ko, mag-iingat siya lagi, kain on time at mahal na mahal ko siya."

Ulol. Mas mahal ko siya. "Sige, makakarating." Asa ka naman.

"Salamat, pare."

Nagmamadali na siyang umalis.

Kinuha ko ang iPhone X ko at tinawagan ang sources of information ko na si UNO.

"Name of target. Edritch Giovan Guevarra, alamin mo ang lahat ng tungkol sa kaniya. Like, why did he leave here immediately at Hacienda Santillan. Thanks. "

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now