NOL 51 (LI)

1.1K 122 237
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"Magkano ba ang pamasahe pauwi sa inyo, Kuting?" tuwang-tuwang tanong nito habang nagbubuklat ng wallet niya.

Tsk. Nakakahiya. Hindi naman iyon ang gusto kong sabihin, eh. Ewan ko nga rin kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko. Dulot na rin siguro ng gutom na aking nadarama ngayon. 

Para mawala ang awkwardness. Tumawa na lang din ako at hinampas ko siya sa kaniyang braso. "Ano ka ba, Wambu! Joke lang 'yon 'no! Haha! Sige na, madami pa kong kailangang gawin, eh," sinungaling ko sabay talikod.

"Sandali, Kuting. Mag-lunch muna tayo. Nagpa-reserved ako sa SOLE."

SOLE? As in doon sa mamahaling restaurant na pinagtatrabahuhan nina Kuya Peterson at Damian na pagmamay-ari ng Lola ni Renz.

Humakbang ako paatras pabalik sa kaniya. "Sino kasama natin?"

"Si Commander Jeron sana, kaso mukang busy siya sa pagpre-prepare ng debut niya for tomorrow."

Oo nga, hindi ako binulabog ng mokong na 'yon kaninang umaga. "Sayang naman."

"Kinansel ko pa naman lakad ko ngayong araw na ito, maka-bonding lang kayo. At para maibigay ko na rin gifts ko sa inyong dalawa."

Bigla naman ako na-excite don. Sana naman Kpop merchandise din. O kahit man lang isa kina Byun Baekhyun, Kim Taehyung, Park Jeong Suk, Nam Joo Hyuk, Park Bo Gum, Mark Tuan, Kang Min Hyuk,  Jung Il Woo or Nam Woo-hyun Kahit isa lang sa kanila, solved na ko. Hihihi!

"Mamayang 9:00 PM may flight ulit ako pa-Macau, 3 days ako don. Then next destination ko naman sa Europe, doon gaganapin ang kasal ng pinsan natin."

"Wow! May ikakasal na pala tayong pinsan. Napaka-hectic naman ng schedule mo. Dinaig mo pa CEO, ha! Sa pagbalik mo na lang tayo, mag-bonding nila Renz." With my friends siyempre. Mas masaya kung marami 'di ba?!

"Sure, Kuting. Mountain climbing or camping tayo."

Brrr. Iba ang trip niya sa buhay. Nakakatakot iyong outdoor activities na gusto niya. At sigurado naman ako na go na go ang mga friendships ko don. Mahilig sila sa mga ganu'n, eh. Si Renz kaya? Hmmm..

"Ehehe! O' sige, bahala ka." Basta siguraduhin mo lang na walang wild animals don, ha, lalo na ahas. Wala pa man din, kinikilabutan na ko.

"Tara na, Kuting. Tumatakbo ang oras. Baka sisihin mo pa ko kapag na-late ka."

"Okay lang kahit magtagal tayo. Mamayang alas tres pa naman ang dating ng boss ko."

Giniya na niya akong sumakay sa may black Lamborghini Veneno niya. Nagsuot ako ng seatbelt. Ganu'n din ang ginawa niya.

"Lucas!" tawag ko dito. Napatingin ito sa akin. "Paki–" Sinenyas ko na lang na ibutones niya ang kaniyang polong suot dahilan para tumawa ulit ito at saka sinunod ang gusto ko.

"Pasensya na, galing kasi akong shoot."

"Woah! Model ka?"

"Yeah, freelance, Kuting. Pero mas gusto ko ang kumuha ng pictures ng mga magagandang tanawin. Like you."

Ehe. Ano raw?!

Tumawa na lang ako. "You're so funny talaga, Wambu. Haha! Miyembro ka rin pala ng mga bolero ng taon! Haha!"

"So, how's your celebration yesterday?"

Bigla akong nalungkot. "Okay lang, masaya naman." Kahit medyo hindi. In-indian kasi ako ni Sir Kersey. Huhu! Mabuti na lang dumating si Renz para pagaanin ang loob ko.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon