NOL 8 (VIII)

1.7K 206 621
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(September 28, 2007 - Friday)

"Miguelito! Wesley! Tumabi nga kayo riyan!" bulyaw ni John sa dalawa naming baklang kaklase na nakasuot pa ng basahang daster. Panay ang sayaw nila sa harapan, ginagaya nila magsayaw si Marimar. May kinokopya pa naman kami sa Manila paper.

"Isa!" panimulang bilang ni Paul. Halatang inis na rin ito.

Ganoon ba talaga kapag kambal? Kapag inis 'yung isa, pati 'yung isa maiinis na rin? Ganoon kasi pansin ko kina John at Paul. Matagal ko na silang kaklase pero madalas pa rin akong malito sa kanila kung sino si John at kung sino si Paul.

Magkamukang-magkamuka talaga kasi sila tapos magkaparehas pa sila ng boses, gupit ng buhok, damit, sapatos, kulay ng bag, at kung ano-ano pa. Sa name tag nga lang ako minsan tumitingin, saka sa seating arrangement. Kung minsan naman, si John laging may nakapatutot na lollipop sa bibig. Si Paul naman ay nguya nang nguya ng bubblegum.

Kapag nasa labas naman sila ng eskwelahan. Si John madalas may bandana sa ulo o kaya naman naka-shorpet. Si Paul, naka-gel naman kagaya ni Gian. 'Tsaka simula ng naging boss nila si Renz, lagi na nila akong kinakausap. Dati kasi, hindi, eh.

"Hello, nyeninga! (Hello, Jennica!)" Naghila ng upuan patabi sa akin si Vivo. Hindi ko siya tinignan dahil nagsusulat ako. "Nami nila Ngian, wala nga nyermis, ngusno mo namay nga na lang nangin? (Sabi nila Gian, wala ka service, gusto mo sabay ka na lang sa'kin?)"

Hindi ko siya sinagot dahil hindi ko naman naintindihan gaano 'yung sinabi niya. 'Tsaka baka asarin na naman kami ng mga kaklase namin. May crush daw sa akin si Vivo, hindi naman ako naniniwala roon dahil lagi naman nila pinagkakaisahang asarin si Vivo.

"Nandiyan na si Ma'am Veronica!" biglang sigaw ni Gian.

Dali-daling binitbit ni Vivo ang upuan niya pabalik sa puwesto niya. Hinubad naman nina Wesley at Miguelito ang basahang daster, saka umupo sa upuan nila. Nagbalikan din ang iba naming kaklase sa mga tama nilang upuan.

Tumawa ng wagas si Gian dahil nagoyo na naman niya mga kaklase namin. Buti na lang ako hindi naniwala sa paandar niya, wala rin kasi ako sa tama kong upuan.

"Uy! Bubuwit!" Kalabit ni Renz sa'kin mula sa likuran ko. Nakipagpalit kasi si Gian ng upuan sa'kin, may sasabihin daw kasi siya kay Renz.

At saka 'di na sa'kin bago 'yon. Halos lahat ng mga kaklase kong babae at bakla, nakikiusap na makipagpalit sa akin ng upuan 'pag wala sila Ma'am, pero lagi silang bigo na makatabi ito. Nakikipagpalit din kasi ito ng upuan para makatabi ang mga kaibigan niyang lalaki rito sa may room.

"Jenjen bubuwit." Kalabit ulit ni Renz.

Ngunit 'di ko ulit siya pinansin, kailangan ko kasi matapos itong lecture bago mag-uwian. Ang sabi kasi ni Ma'am Veronica, kasama raw lahat ito sa exam para sa second grading. Wala pa naman iyon sa aklat namin kaya kailangan kong makopya iyon lahat.

Siniko ako ng katabi kong si Patricia. "Tinatawag ka ng prinsipe mo," nanunudyong bulong nito.

Tumigil ako sa ginagawa ko, sinulyapan ko saglit si Patricia na kinikilig at mukang ewan habang nagsusulat. Nilingon ko rin naman si Renz na nakasilip sa may sinusulat ko habang nakanguso.

"Bakit?" kunot noo kong tanong.

Mas lalo itong ngumuso at tumingin sa bakanteng upuan na katabi niya. Wala na si Gian doon.

Yiiii. Pinapalipat na niya ko sa tabi niya. Hihihi.

•••••

Mission accomplished! Natapos ko rin sa wakas ang napakahabang lecture.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now