NOL 7 (VII)

1.7K 204 443
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

(Friday, August 24, 2007)

Sa wakas, natapos na rin ang first periodical test namin sa lahat ng subject. Na-check-an na rin lahat iyon at nagtaas na rin kami ng bilang ng mga tama. Na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin alam kung para saan. Basta, alam ko, gusto lang nila kami pahirapan. 

Sobrang nangawit ang braso ko sa kakataas ng kamay, mga matataas kasi score ng mga napupunta sa aking test paper. Magpapahilot na lang ako mamayang gabi kay lola gamit 'yong StopPain.

"Bubuwit!" Tinigil ko muna ang  pagwawalis. Tinignan ko ang nagmamadali sa pagpasok ng room naming si Renz. "Oh, where are they? Bakit ikaw lang mag-isa naglilinis?"

"Lumabas sandali si Patricia, may sasabihin siya kay Ma'am Cruz. Sila Gian, naggaod ng tubig at nagbanlaw ng mga basahan doon sa poso. Nasira kasi gripo natin sa CR."

Nakanguso lang itong tumango-tango. Napansin kong may tinatago siya sa likod niya, pasimple ko iyon sinipat pero itinatago niya talaga iyon.

"Bubuwit, pikit ka."

"Bakit naman ako pipikit?"

"Basta pumikit ka."

Tinalikuran ko siya. "Ayoko pumikit, kaya ganito na lang. Ano ba iyon?"

"Pumikit ka pa rin. Tapos ilahad mo kamay mo." Napilitan na akong sundin ang sinabi niya. Naramdaman kong may ipinatong siya sa palad kong medyo mabigat. "Huwag ka munang didilat, ha!"

"Ano ba kasi iyan?"

"Basta. Haha!"

"Hala! Bakit gumalaw!" Napadilat na ko. Tumambad sa aking paningin ang kulay abong laruang ahas na gumagalaw pero mukhang totoo. Napatili ako sa sobrang takot. Nahagis ko iyon sa panay tawang si Renz, saka ako nagtatakbo palabas ng room namin.

"Hey, bubuwit! Slippers mo! Hahaha!"

Sobrang lakas ng kabog ng puso ko. Isa kasi ang ahas sa mga kinatatakutan kong hayop, maski na laruan lang iyon.

Nakarating ako ng poso, nadinig kong nagkukuwentuhan sila Gian habang naghaharutan at gumagaod. Hindi ako nagpakita sa kanila dahil nadinig kong binanggit ni Gian 'yong pangalan ng pinsan kong si Calla.

"Kaya pala, lagi mo kaming inaaya tumambay sa arcade nila Kuya Peterson. Crush mo pala kapatid niyang si Calla," ani John kay Gian.

Mula sa 'di kalayuan natanaw ko si Patricia, mukang nadinig niya 'yong usapan nila dahil malungkot siyang pumihit pabalik sa pinanggalingan niya. 

Gusto ko sana siya sundan pero baka makita ako nila Gian. Kung babalik naman ako, makikita ko na naman 'yong laruang ahas ni Renz.

"Ako rin may crush sa loob ng room natin," sabi naman ni Paul. "May nagka-crush nga lang din sa kaniya sa room natin kaya nahihiya ako lumapit at kausapin siya."

"Sino?" sabay pang tanong nina Gian at ng kambal niyang si John.

"Ayoko sabihin, baka ipagkalat niyo, dadaldal niyo, eh!"

"Peksman, mamatay man! Hindi namin ipagkakalat!" ani Gian, saka winagayway 'yong hawak niyang basahan.

"Ah! Alam ko na!" sabi ni John. "Kilala ko na! Si ano... Si--" Binulong lang niya iyon.

"Ingay mo, kuya!" singhal ni Paul sa kakambal niya.

"Ayun nga! Tama ako. Haha! Sabi na nga ba, eh! Kaya pala!" tumatawang sambit ni John. 

"Naku! Madami ka talagang kalaban diyan! Hahaha! Mayroon nagkaka-crush diyang taga-kabilang seksyon, Grade 6 at sa room natin," sabi naman ni Gian.

Sino kaya iyon?

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon