NOL 45 (XLV)

1.2K 145 215
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

"Blind date?" Napatayo pa ko sa sobrang gulat nang isiwalat ni Kuya Peterson ang totoong pakay niya sa'kin. "Nababaliw ka na ba? Alam kong panget ako. Pero bakit ako?"

Yes! Gusto kong magka-boyfriend at ayokong tumandang dalaga. Pero hindi sa ganitong paraan ang gusto ko. Sobrang nakaka-hurt ng feelings, nakakababa ng dignidad, nakakayurak ng pagkatao at nakaka-G.R.R.

Ayokong masabihang desperada at gold digger. Super duper yaman daw kasi ng makaka-blind date ko. Bonus na lang daw ang pagka-talented, gentleman, kind, smart and good looking niya.

Sobra nga akong nagtaka, kung rich kid, talented, smart, good looking and so on so forth ang makaka-blind date ko. Bakit pa siya makikipag-blind date? Sa pagkakaalam ko kasi, sa mga panget na katulad ko, napag-iiwanan ng panahon at sa hopeless romantic lang 'yon ina-apply. Iyon ay opinyon ko lang naman.

Ang hindii pa kapani-paniwala ro'n, pumayag si Tatay. Siyempre, 'yong napakaganda kong Nanay mas excited pa sa'kin. Actually, alam na pala nila ang tungkol dito last week pa. Basta-basta na lang sila sumige, ni hindi man lang nila ko tinanong kung gusto ko ba o hindi. Pinangunahan na naman nila ko. Aish!

Todo pagmamakaawa ng pinsan-pinsanan kong si Kuya Peterson. Nag-drama-drama pa ito at effort pang lumuhod sa harap ko. Kapag hindi raw kasi ako sumipot, mawawalan daw siya ng trabaho kuno. Nahabag ako sa kalagayan niya kaya pumayag na lang ako. 'Tsaka wala naman na kong magagawa naka-set-up na pala ang lahat.

Sina Patricia at Nikki ang nagsilbi kong fairy godmothers. Marami na silang karanasan sa pagkikipag-date. Ako kasi ngayon lang at hindi ko talaga matanggap 'yon kasi nga blind date! Huhu!

Hinayaan ko na silang pumili ng isusuot ko at magsilbi kong beautician. Simpleng ayos lang ang ginawa nila sa'kin, like my everyday beauty routine. Dinagdagan lang nila ng light eyeshadow at blush-on ang pagmumukha ko. Muka na raw kasi akong bangkay sa putla.

Nagtalo pa nga silang mag-bestfriend kung ano isusuot kong shoes. Si Patricia, heels ang pinaglalaban. Si Nikki naman sandals. Kinuha ko na lang ang kawawang nag-iisang nasa gitna nilang white snickers ko at iyon ang aking sinuot.

"Uwaaa! Hubarin mo 'yan!" OA na sigaw ni Patricia. "Itong heels ang suot mo para you look gorgeous ."

Magsasalita pa sana si Nikki ngunit pinigilan ko na siya. "Okay na 'to," walang ganang sabi ko sabay labas ng kuwarto ko. "Nay! Tay! Alis na po ko."

"Ate! Balitaan mo kami, ha!" anila SayJan.

Hindi ko na inintindi pa ang mga pinagsasabi nila. Dire-diretso akong lumabas ng bahay namin at sumakay sa nakaparadang Mercedes-Benz ni Kuya Peterson. Sinadya ko talagang sa backseat pumuwesto, ayoko siya makausap. Nakakainis silang lahat. Lagi na lang nila akong pinagtutulungan. Ni isa sa kanila walang kumampi sa side ko.

Habang nasa biyahe, nilibang-libang ko muna ang sarili ko sa paglalaro ng Pou. Pinakikiramdaman ko rin si Kuya Peterson, alam kong gusto niya kong kausapin. Pero hindi niya 'yon magawa, alam niya kasing masama loob ko.

*bzzzt*

**1 Message from Gian**

"Super gwapo nga nang makaka-blind date mo. Kilala ko na siya at kilalang-kilala mo siya. Kaya don't worry be happy. Hoho!"

*bzzzt*

Gian again.

"First clue, isa siya sa tropa ko."

*Bzzt*

"Second clue, half-blood prince."

*Bzzt*

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now