NOL 19 (XIX)

920 77 161
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Last game na, oh, before tayo magkahiwalay-hiwalay," request ng nakaukyabit sa aking si Renz.

Tumingin ako sa araw na palubog. Hindi pa naman ako tinatawag nila Tito Pablo kaya sumang-ayon ako sa hirit ni Renz. 

At napadako ang aking paningin sa mga nanunuod sa aming sina Manang Saleng, Yaya ni Dammy, Yaya ni Lloyd, Yaya ni Ahbu at Nanny Yves ni Renz. 

Kanina ko pa nga napapansin 'yong hawak na camera ni Nanny Yves. Kapag napatingin ako sa gawi nila ay itinatago niya iyon o kaya naman ay itinatapat sa iba naming kalaro. Mukang napapansin din iyon ni Renz pero hindi niya iyon pinapansin kaya hinahayaan ko na lang.

"Sige, Boss! Bilog-bilugan ulit kung sino ang pinakaiba siya ang magsasabi kung ano ang susunod na lalaruin," suhestiyon ni Gian na sinang-ayunan naman naming lahat. Sa mga kalaro ko na ulit ibinaling  ang atensyon ko.

Gumawa ulit kami ng bilog at naghawak-hawak ng kamay. 'Tsaka namin sabay-sabay kinanta ang...

"Bilog bilog bilugan. Assignment assignment suntukan! Ayun si Palaka--" Turo namin sa gitna. Sayang nga wala si Lucas. Kung nandito siya. Siya ang ituturo kong palaka. Haha! "Walang kaawa-awa. Abukaka abukaka siyang palaka."

Halos lahat kami ay nakatikom ang paa. Bukod tanging si Vivo lang ang nakabukaka.

"Ah! Palaka si Vivo! Haha!" nakaturong asar dito ni Nikki.

"Monging mananga. Hehe! (Poging palaka. Hehe!)" naka-pogi sign na sabi nito sa amin. 

"Ano na lalaruin natin? Bilisan mo, Vivo, babalik pa tayo sa sementeryo, mangunguha pa tayo ng kandila," ani John.

"Nangit numa! (Langit lupa!)" suhestiyon ni Vivo.

"Sige, next game natin langit lupa!" sang-ayon ni Renz. "Ikaw na kumanta, Vivo, kung kanino ma-stop ang kanta... siya na ang devil, ha. Para mabilis."

Sumang-ayon kaming lahat sa sinabi ni Renz. Pero sa original na larong langit lupa, kung kanino mahinto ang kanta, safe, hanggang sa isa na lang ang matira at iyon talaga ang taya. Pero dahil magdidilim na, kailangan na naming bilisan.

Pumuwesto sa pinakagitna si Vivo at nag-umpisa na itong kumanta ng langit lupa habang tinuturo kami isa-isa, siyempre kasama siya.

"Nangit numa immyerno. Im-im-immyerno. Naknak muno, nuno ang nungo. Manay, muhay. Umanis nga na niyan na muwento mo."

Kay Gian nahinto ang kanta kaya siya ang taya. Dali-dali naman kaming umakyat sa mga silya o kung saan-saang medyo mataas huwag lang niya kami mataya.

Magkakasama kami nina Renz, Patricia at Nikki sa isang malaking lamesang gawa sa kahoy. Sina John, Paul at Constantine ay nakatuntong sa tigi-tigisang magkakahiwalay na upuang nakapaligid dito sa kinaroroonan naming lamesa. Sina Vivo, Ahbu, Lloyd at Dammy naman ay nagkukumahog pang umakyat ng hagdanan ng tree house.

Muntik na nga mataya ni Gian si Vivo dahil siya ang pinakahuling umakyat sa hagdan paakyat ng tree house. Kaya lang nung maabot niya si Vivo ay hindi na nakaapak sa lupa ang paa nito.

Binehlatan ni Vivo si Gian kaya nakatikim siya rito ng pedyok sa puwet. Nagtawanan kami.

"Ngango nga nanaga, Ngian! (G*go ka talaga, Gian!)"

At mas lalo kaming nagtawanan nang umutot 'yong sinusundan niyang si Ahbu. Nakatapat pa naman ang puwet nun kay Vivo. Hahaha!

"Oops! Sorry," hingi ng depensa ni Ahbu sa hindi maipintang mukha ni Vivo.

"Gian!" tawag dito ni Paul na nakatuntong sa lupa. Hindi iyon pinansin ni Gian. Ang sinubukan niyang tayain ay sina Constantine at Paul na lumipat ng aakyatan. Pero bigo naman niya iyon mataya.

NO ORDINARY LOVEOnde histórias criam vida. Descubra agora