NOL 4 (IV)

1.3K 96 105
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Malayo pa ba ang bahay niyo?" tanong ko kay Renz.

Simula kasi ng pumasok kami sa may makipot na eskinatang malapit sa haunted house na kapitbahay lang nina Gian at Patricia. Wala na akong nakita pang bahay at tao. Puro damuhan at iba't ibang pananim na lang ang nakita ko.

Naalala ko tuloy 'yong nabasa kong katatakutan. Transferee ang pamagat no'n. Base roon sa kuwento, ay mayroon silang bagong kaklase na mabait, maganda at mapagbigay. Tapos isang araw, inaya sila ng bago nilang kaklase magpunta sa bahay nila. Nagpuntahan naman sila kaya lang hindi na sila nakabalik kasi engkanto pala 'yung bago nilang kaklase. Ginawa silang kalaro lahat doon sa mundo niya.

Nakakatakot, baka ganoon din si Renz.

"Malapit na tayo. Natatanaw mo ba ang mansyon na iyon?" turo saglit ni Renz doon sa kulay puting napakalaki, napakataas at nag-iisang bahay sa 'di kalayuan. "Doon ako nakatira. Secret lang iyon, Bubuwit, ha!"

Wow! Ang ganda naman ng bahay nila! Pero bakit naman nakatago bahay nila?

"Bakit naman secret? Ayaw mo papuntahin mga kaklase natin kahit na sila Gian?"

"Gusto, pero hindi muna sa ngayon. Baka kasi ipagkalat nila kung saan ako nakatira at baka malaman din nilang... isa ako sa Sole's knights."

"Sole's Knights? Engkanto ka?"

"Hahaha! Hindi, 'no! Hahaha! Sa ngayon, ikaw lang ang mas pinagkakatiwalaan ko sa room natin. Hindi ka kasi madaldal. Tahimik ka lang at...." Huminto ito sandali sa pagpedal dahil palusong kami. Kumapit ako ng mabuti sa damit niya. "cute ngumatngat ng mais, Bubuwit." humahagikgik na bulong pa nito.

Napakunot noo na lang ako kasi hindi ko naintindihan 'yong huli niyang sinabi dahil binulong niya lang iyon at sinalubong pa namin ang malakas na hangin.

Mabuti na lang talaga pinusod ako ni lola, kundi, gulo-gulo buhok ko at magmumuka akong luka-luka. Nakakahiya naman kay Renz kapag nakita niya akong ganoon.

Pagkaraan namin sa palusong, mga puno ulit ang nadaanan namin, saka kami huminto sa tapat ng isang arko na may nakasulat na 'Formentera Mansion' tapos may malaking gate iyon. Binuksan lang iyon ng dalawang bantay na sundalong sumaludo kay Renz.

Nang makapasok na kami ay sinarado ulit ng mga bantay ang gate. Hindi kami dumiretso patungo sa puting mansyon. Ibinaling ni Renz pakanan ang bike niya papasok sa tinawag niyang Arch of Sampaguita.

Amoy sampaguita nga at maraming naglaglagang bulaklak ng sampaguita sa sahig mula sa napakahabang silong ng arkong dinadaanan namin.

Inilahad ko ang kamay ko at sinalo ang mga nalalaglag na sampaguita.

Sayang naman, puwede ito ibenta sa simbahan ng mga batang pagala-gala sa kalye, eh. Makapulot nga mamaya ng ilang piraso para mailagay sa altar ni lola sa bahay.

Ipinamulsa ko mga nasapo kong bulaklak ng sampaguita at humawak na ulit sa kinauupuan ko.

Pagkaraan namin sa silong ay hininto ni Renz ang bike niya sa tapat ng dalawang batang naglalaro ng sundalo-sundaluhan. Nakabihis sila ng pang sundalo, may laruan silang baril na nakasukbit sa katawan nila at mayroon silang uling sa mga mukha. Para silang mga foreigner din na katulad ni Renz.

NO ORDINARY LOVEOnde histórias criam vida. Descubra agora