NOL 9 (IX)

1.7K 200 555
                                    

Jennica Monique Sanchez POV

"Ayan! Perfect! Nakakatakot na kayo mga ganda!" pumipiyok-piyok pang sabi ni Ate Liway na nasa may unahan naming tatlo. "Sigurado akong maiihi sa takot ang mga kaklase niyo."

Nagtinginan naman kaming tatlo at nagsigawan.

Uwaaa! Nakakatakot ang itsura ni Patricia, muka siyang white lady na bampira, dahil sa duguan niyang bibig at napakalaking eyebags. Ang straight at ang haba pa ng buhok niya, para siyang si Sadako na napuyat at namapak ng ketchup.

Ito namang si Nikki, parang sinabunutan sa sobrang gulo ng buhok. Ang hirap i-describe. Basta, para siyang mangkukulam na nasubsob sa ketchup at kumain ng pusit sa sobrang itim ng labi niya.

Ako kaya, ano itsura ko?

Dahan-dahan akong lumapit sa malaking salamin, tinignan ko ang sarili ko.

Wow! Ang puti ko na at may lipstick din akong pula na lagpas-lagpas, tapos agaw pansin pa 'yung tatak na JRS sa noo ko. Buti naman, 'di nila ito tinanggal, hindi naman ako nakakatakot. Ang ganda ko pala 'pag pumuti ako.

"Mga ganda nandiyan na sila!" ulat ni ate Joleng na siyang naging silbi naming look out. "Lima sila, 'yung isa foreigner."

Hihi. Si Renz 'yon.

"Kasama rin nila 'yong anak ni Mayor Don Romantiko," tukoy ni ate Joleng kay Vivo.

"Okay, puwesto girls," ani ate Liway.

Bago sila pumasok ng kanilang kuwarto, pinatay nila ang lahat ng ilaw. Kung kanina nagagandahan ako sa sarili ko. Pero ngayon, hindi na, nakakatakot na ko.

Pumuwesto na sina Nikki at Patricia sa may kusina. Ako naman, naiwan dito sa may tumba-tumbang nakapuwesto sa may gilid ng bintana, hindi naman nila ko mapapansin dahil may nakatabing sa aking malaking teddy bear.

At ayan na naman ang pag-ingit ng nakakatakot na pinto, kulang 'ata sa langis 'yung bisagra.

"Vivo! Huwag mo itutok sa mukha ko 'yang flashlight mo!" bulyaw ni Gian dito.

"Niningnan ngo lang inyura mo. Hehe! (Tinignan ko lang itsura mo. Hehe!)"

"Manuod na lang tayo ng Zaido sa bahay niyo Gian. 'Wag na tayo rito." Sure akong sina John at Paul 'yon.

"Akala ko ba kayo sina Zaido Green at Zaido Red na magtatanggol sa mga matatakutin. Paano natin mapupuksa ang mga tauhan ni Kuuma Le-ar, kung paiiralin natin ang takot."

Napahagikgik naman ako sa speech ni Gian, talagang paborito nilang gayahin ang bagong palabas sa GMA 7. Kasisimula lang no'n nung Lunes, pumalit iyon sa Impostora. Ang pamagat no'n ay 'Zaido Pulis Pangkalawakan' pinagbibidahan nina Marky Cielo as Zaido Green, Aljur Abrenica as Zaido Red at Dennis Trillo as Zaido Blue.

E'di sige! pagbibigyan ko ang gusto niyo, manunuod tayo ng Zaido. Hihi! Tamang-tama hawak ko pa naman 'yung remote na nadampot ko sa sobrang pagmamadali. Sa pagkakatanda ko rin, sinaksak ni ate Liway kanina 'yung TV pero hindi niya nahugot.

"I think someone lives here."

Nag-English na naman ang lalaking 'to.

"And----"

Pinutol ko na ang sasabihin ni Renz nang pinindot ko 'yung On button sa remote na hawak ko.

Kasunod nun, ang pag alingawngaw nang sigaw ng lima. Nangingibabaw ang bunganga ni Renz sa pagsigaw ng mommy. Nagtago ito sa likod ng tumba-tumba kong kinauupuan habang nagdadasal.

Hahaha!

Pinatay ko ulit ang TV, nagsasayaw na naman kasi ang mga alagad ni Kuuma Le-ar sa may harap nila ni Ida. Nakakahawa kasi 'yung step ng sayaw nila. Mahirap na, baka mapagaya pa ko.

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now