NOL 40 (XL)

1.3K 153 349
                                    

JENNICA MONIQUE SANCHEZ POV

Gusto ko sana siyang isama kaso baka makita niya 'yong bibilhin kong isang pack ulit na shield with halo and wings for Mareng Red Tide. Yung nabili ko kasi kanina sa may SM department store, dimunyong napkin, eh. Mayroong buntot at sungay. Ayoko pa naman ng ganoon.

Bibili na rin ako ng Buscopan at pagkain para sa kaniya. Nakakahiya naman, baka mamaya hindi niya gusto 'yong handa namin. 

"Thank you for coming, Ma'am! Happy Holiday!" anang cashier.

Nginitian ko lang ito. Itinago ko sa dala kong bag pack 'yong binili kong shield for Mareng Red Tide.

Bumili na rin ako ng Letchong Manok at Chicken Morcon para kay Odessa, nang hindi na siya mangulit sa mga susunod na araw. Mabuti na lang talaga may mga ninang at ninong akong dumayo pa sa'min para bigyan ako ng aguinaldo kahit matanda na ko. Tapos mayroon pang ipinadala sa akin sila Ama pero hindi ko iyon ginalaw. Isinama ko iyon sa ipon ko.

Humakbang na ako pabalik sa kinaroroonan ni Renz. "Tara na!" masungit na aya ko sa kaniya nang makalapit na ko.

"Ako na magdadala niyan."

Tinago ko agad sa likuran ko ang bitbit kong plastic. "Ako na. Tara na."

Nagpatiuna na ako sa paglakad sa kaniya. Sumunod siya sa akin na hawak pa rin ang panyo kong may yelo na nakadampi sa may gilid ng labi niya.

Para nga siyang timang, nakuha pa niyang ngumiti sa kabila ng nangyari sa kaniya. Sabagay, mayaman naman siya, barya lang sa kaniya 'yong halaga ng iPhone at Chevrolet. Kayang-kaya niya bumili ulit no'n.

Nang makarating na kami sa may paradahan ng tricycle, hinarap ko siya ng nakahalukipkip. Na siya namang ikinahinto niya sa paglalakad.

"Isa lang ang pakiusap ko sa'yo. Kapag nasa bahay na tayo, huwag na huwag na huwag kang magpapakita sa kahit na sinong kasama ko sa bahay. Puwede ba iyon?" taas kilay kong tanong sa kaniya.

"S-sure," tumatango niyang sagot. 

"Mabuti naman at nagkakaintindihan tayo. Sakay na."

•••••

"Para po!" sabi ko sa tricycle driver na hininto naman agad sa may harap ng bahay namin.

Nauna akong bumaba at sumunod naman si Renz na nasa may likuran ng driver. 'Di kasi siya komportable sa loob ng tricycle dahil sa katangkaran niya. Kaya roon ko na lang siya pinapuwesto sa may likod ng driver, nakakatawa nga ang itsura niya. Parang bata na inagawan ng candy.

"Dito ka na nakatira? Akala ko, doon ka pa rin sa bahay ng lola mo, madalas pa naman ako sumilip do'n 'pag nagdadaan kami."

Saglit akong natigilan sa pagbukas ng pinto para tignan siya. Nakatingin din pala siya sa'kin kaya pinagpatuloy ko ulit ang ginagawa ko.

Gusto ko sana siyang sagutin na First Year College pa lang ako nang kunin na ko nila Nanay kay Lola. At gusto ko rin sana ikuwento na dalawang taon na ang nakakalipas ng namayapa si Lola at sa mismong kaarawan ko pa 'yong libing. Pero natameme na naman ako. Hanggang ngayon kasi, 'di pa rin ako makapaniwala na siya itong kasama ko. Parang nanaginip nga lang ako, eh.

Iginiya ko siyang umupo sa may hapag-kainan. Ako naman ay dumiretso sa may kusina para ipaghanda siya ng makakain.

*kururug*

Ayan na naman ang tiyan ko, masabayan na nga siya kumain kahit na naiilang akong kasama siya. 

Ipinaghanda ko siya ng adobong baboy, kanin, letchong manok at espateti. Pero wala siyang ginalaw kahit isa roon. Kaya naman pinaglabas ko na lang siya ng dessert na fruit salad, crema de pruta at buchi.

NO ORDINARY LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon