NOL 46 (XLVI)

1.2K 135 195
                                    

JERON RENZ SANTILLAN POV

"S-s-she's yours?" hindi makapaniwalang tanong ni Kuya Aenon.

Binitawan ko ang kamay nito at yumuko. Paktay! Hindi pa naman niya alam ang tungkol sa matindi kong secret. May balak naman akong sabihin sa kaniya, but not now. 'Tsaka na, kapag kami na talaga ni Jennica.

"I mean---she's my responsiblity. Kaya kung may mangyari man sa kaniyang masama, ako ang mananagot," I explained. Totoo naman 'yong white lie ko. "S-siya iyong pina-blind date sa'kin nila Ahbu." 

"Ang ganda, ha. Magaling talaga siyang pipili." Inakbayan ako nito at inakay palabas ng bedroom niya. "Eh, ang tanong, type mo ba? Hindi ka naman 'di ba mahilig sa babae. Ibalato mo na lang sa'kin. Matagal-tagal na kong walang girlfriend."

Matagal na siyang walang girlfriend pero sagana sa ka-fling. Tsk. Bakit nga ba ganito lahi namin. Halos lahat ng pinsan kong lalaki at mismong kuya ko, may pagkababaero side. Nagmana sa namayao naming Grandpa. But walang tatalo kay Ahbu, lima girlfriends. At 'pag nagsawa na sa isa, papalitan ulit ng panibago. Sa kabuuan, lima pa rin. Buti na lang talaga hindi ko 'yon na-adapt.

"Hey. Ano na? Type mo ba o hindi?"

"Not her." 

"Then why? Give me a valid reason."

"Basta kuya, 'wag siya."

"Eh, bakit nga?"

"Eh, kasi---" I took a deep sigh. "Okay fine, sasabihin ko na. Basta 'wag mo ipagkakalat sa iba, ha," he nodded. Nilapit nito ang kaniyang tenga sa bibig ko. "Hindi kayo talo. Ayaw niya sa lalaki. Gusto niya kapwa babae," I whispered. 

"Oh, sh*t! Really? Lesbiana siya?" nandudumilat nitong sabi.

Abot langit naman ang ngiti at tango ko. Mukang nanghihinayang at nandidiri siya. Ayaw niya rin kasi sa mga bisexual, lalo na sa mga gay. 

"Argh! Nalinlang na naman ako. Doon ako sa room mo matutulog, ha. At iyong lesbi na 'yon, iuwi mo na sa lalong madaling panahon. At saka pakisabi sa mga maids, linisin nila mabuti ang room ko. Palitan nila ng bed sheet, pillow and-- tsk. Sige na." Dismayado itong pumasok ng kwarto ko.

Hinintay ko muna ito tuluyang makapasok ng room ko, saka ako tumawa nang tumawa. Finally, napaniwala ko rin siya. Hahaha! First time 'yon. 

Natigilan ako sa pagtawa nang lumabas ulit ito sa kwarto ko. Serious mode again. "Doon na pala ako matutulog sa room ko."

Ang bilis naman magbago ng isip niya. "Wait--" Harang ko rito. "Akala ko ba--"  Hinawi ako nito dahilan para mapasalampak ako sa sahig. Tumayo rin ako agad para pigilan siya but nakapasok na siya ng kwarto niya at pinagsaraduhan na ko ng pinto. "Kuya! Open the door! Kuya!" kalampag ko.

*bzzzt*

** 1 Message from Bro. Aenon **

"Ngayon ka tumawa, lolokohin mo pa ko, ha. Huwag ako, Bro! Good night! Sweet dreams, Bro. Muah.(づ ̄ ³ ̄)づ" 

*bzzzt*

In-open ko ang multimedia na pinasa niya sa'kin. Nag-selfie siya na katabi ang natutulog na si Jennica.

"No! She belongs to me, Kuya! Open this f*cking door!" Kinalampag-kalampag at sinipa ko na ang pinto. "Ouch! My feet! Kuya! 'Wag mo siya papakialaman, ha! Akin 'yan! Huhu! Kuya!" 

Tinawagan ko ito nang tinawagan but hindi naman niya sinasagot kaya napilitan na kong puntahan ang mga tropang bagets ko sa room nila. 

Naabutan ko si Cero na natutulog na sa bed niya habang naka-headset. Sina Mirko at Brix naman animong nanunuod ng sabong. May pustahan pa kasi silang nalalaman, ang ingay nilang dalawa. Sinilip ko ang pinapanuod nila, napanganga ako nang makita ko sa napakalaking screen ang tatlo kong pinsan na nakikipag-love making sa may sala. 

NO ORDINARY LOVEWhere stories live. Discover now