CHAPTER 26: Second Male Lead

471 17 5
                                    

"Okay ka lang?" Kinalabit ni Madelaine si Therese na tila namumutla na.

"Ha? Oo ate Madz. Okay lang ako. Medyo nahihilo lang ako." Palusot ni Therese dahil gumagalaw pa din ang bagay na ipinasok ni Kyle sa ari niya. Wala yung tigil, nanghihina na siya at pinagpapawisan na ng sobra.

Sabay na natanggal ni Gian at Drake ang garter mula kay Madelaine at Arylle. Malakas ang hiyawan ng mga tao sa kakaibang pakulo na ito. Nilabag man ni Gian ang tradisyunal na pagtatanggal ng garter, nasiyahan pa rin ang mga tao. Naging mainit ang bahaging iyon ng programa. Wala sigurong hindi pinagpawisan mula sa lap dance number ng labinlimang nagga-gwapuhan at matitipunong mga doktor ng Alcantara Medical City. Hanggang sa tripleng sexy dance ni Kyle, Gian at Drake bago tanggalin ang garter mula sa hita ng tatlo.

"Ate Kara! Ate Missy!" Parang batang pumulupot si Nancy sa dalawa.

"Mag-renewal of vows tayo ng sabay-sabay! Tapos...gawin din natin yung triple garter removal! Naiinggit ako! Ang cute! Kaka-excite!" Hindi pa rin nagbabago ang pagiging isip bata ni Nancy.

Napapakamot na lang ng ulo si Ace, Drew at Carl na nasa gilid lang ng nila Kara. Si Nancy pa rin talaga ang bunso nila, mula noon at hanggang ngayon. May dalawang anak na ito pero akala mo kung munting bata pa din kapag naglalambing kay Missy at Kara.

"Pwede naman...triple wedding? Okay lang sa akin. Bakit hindi?"

Sumang-ayon si Missy sa ideyang iyon.

"Renewal of vows? Wala pa nga kayong limang taon ni Kuya Ace...renewal of vows na agad nasa isip mo? Mag-church wedding kaya muna kayo noh?" Kurot ni Kara sa pisngi ni Nancy.

"Aaaaw! Ate Kara naman!" Napahawak si Nancy sa pisngi niya.

"Inaantay ko pa uli siya mag-propose eh. Syempre...dapat magpropose siya uli!"

"Arte mo! Propose uli? Kailangan paulit-ulit?" Sabay na sabi ni Kara at Missy. Palagi silang ganun, alam nila kung anong nasa isip ng isa't-isa.

Inakbayan naman ni Carl at Drew si Ace at sabay sabing, "Oh kuya Ace...mag-propose ka daw uli."

Nangiti na lang si Ace, balak naman talaga niyang sorpresahin si Nancy. Masyadong detalyado ang kasal na inihahanda niya kaya medyo natatagalan siya. Isa sa mga pangarap niya ang mapakasalan si Nancy sa simbahan. Alam niyang naging mabilis ang pagpapakasal nilang dalawa at naging abala silang dalawa sa kambal, pero kahit kelan ay hindi natanggal sa isip ni Ace ang iharap si Nancy sa altar.

"Look...love is really complicated..." Turo ni Ace kay Drake, Arylle at Nathan na magkakasunod na lumabas ng reception hall.

Naunang lumabas si Drake habang nakikipag-usap sa telepono. Sinundan naman iyon ni Arylle na tila hindi mapakali. Paghakbang naman ni Arylle, mabilis na sumunod si Nathan sa dalaga. Patago at pasimple niyang sinundan si Arylle palabas.

Napatingin si Carl at Drew sa tatlo na papalabas at nagtinginan na lang.

"We've been there before...right Drew?" Kindat ni Carl sa kanya sabay tingin kay Kara at Missy.

"Kanino ba? Kay Kara o kay Missy?"  Kunwari ay curios na tanong ni Ace.

"Both!" Sabay nilang sabi at nagtawanan.

"Kung sana hindi ko dineny sa sarili ko na mahal ko ang bestfriend ko, it won't be complicated. Pero in denial ako eh. Mabuti na lang, nag-give way si Carl." Kapag naiisip ni Drew ang mga nagdaan na panahon, alam niyang utang niya kay Carl ang pamilyang meron sila ni Kara ngayon. Hindi niya mapapagtanto kung gaano niya kamahal si Kara kung hindi dahil kay Carl.

"Hindi din...kahit naman hindi ako nag-give way, Kara loves you. Ikaw ang mahal niya Drew. Feeling mo lang mai-inlove siya sa akin. Pero its not, ikaw talaga ang para sa kanya. Ako, I am thankful sa inyong dalawa na nagpa-realize sa akin na pinaiiral ko ang pride ko noon. Kung hindi sa inyong dalawa...sa inyong tatlo ni Kara, I wouldn't be marrying my queen. My life would be miserable. A life without Melissa cannot be called life."

EVERY BEAT OF MY HEARTOnde histórias criam vida. Descubra agora