CHAPTER 4: Drastic Change

509 26 4
                                    

It was twelve midnight when Arylle feels the urge to pee, but she was so afraid with the creepy humming of leaves as the wind blows in middle of their camping area.

"Ano ba yan! Bakit ba napakalayo ng banyo?" Hindi ito ang unang beses niya sa mga Medical Mission ng AMC pero ito ang unang beses na hindi niya kasama ang dalawang kaibigan.

Tulog na tulog na ang mga kasama niya. Tanging ang headnurse niyang si Flordeliza lang ang kakilala niya at si Nathan. Galing ang mga doctor at nurses na bumubuo ng Medical Mission Team sa ICU maliban sa kanilang tatlo.

Kilala lang niya sila sa mukha dahil ito ang mga nakaka-endorse niya sa tuwing nagshi-shift siya ng patient sa ICU. Kilalang strikto at mitikoloso ang mga ICU doctors at nurses.

From head to foot, tip of the patient's hair down to end of the fingernails.

Only ICU nurses and doctors can relate.

Minsan aabutin ka talaga ng siyam-siyam kung ang mga nurses at doctors na ito ang ka-endorse mo. Yung akala mo tinubuan ka na ng ugat sa hindi maubos-ubos na tanong nila.

When an ER nurse endorsed a patient to an ICU nurse, it's like a panel and nerve cracking interview. Sometimes, its like detailed story telling session.

"Haynaku! Mamatay na lang ako kesa magpasama sa mga ICU nurse na yan!" Pamilyar ang mga mukha ng mga nurses na kasama niya.

Apat sa kanila ay muntik na niyang makasagutan dahil kung makaasta ay akala mo kung sino.

"Mga nurses na feeling perfect! Kala mo, ang galing galing nila! Superiority achuchu! Tignan ko lang kapag dinala kayo sa ER eh makapag-survive kayo! Baka umikot ang pwet nyo! Hindi iisa ang araw! Pero iisa lang ang first line ng ospital. Walang pasyenteng hindi dumadaan sa Emergency Room!" Gigil niyang sabi habang ini-imagine kung gaano kalaking gauge ng needle ang panse-swero niya sa apat na babaeng yon.

"Aish! Gauge 16 kayo lahat sa akin!" Sabi niya habang pinipigil ang ihi niya.

"Hindi! Gauge 14! O kaya naman yung needle na ginagamit sa lumbar puncture! Kainis! Sa dami-dami talaga ng pwede kong makasama! ICU pa talaga! Napakamalas ko naman!"

Bumalik uli ito ng tent pero lumabas uli dahil sobrang ihing-ihi na siya.

"Omg! Ang sakit na ng pantog ko!" Pero hindi pa rin niya magawang humakbang para pumunta sa banyo.

Hindi niya alam kung natatakot ba siya sa multo o sa buhay. Ngunit iba talaga ang dating sa kanya kapag parteng Mindanao, pakiramdam niya, may mga masasamang taong anumang oras ay dadampot sa kanya.

Malayo at halos dulong isla ng Tawi-Tawi ang pinaganapan ng Medical Mission. May mga bahay-bahay naman sa paligid, pero takot pa din siya.

"Umihi ka na. Sasamahan kita. Kanina ka pa pabalik-balik eh. Malapit lang naman yung banyo. Ano bang kinakatakutan mo?" Nasilaw siya sa napakalakas at maliwanag na ilaw ng flashlight ni Nathan.

"Dok...Nathan?" Nagtakip siya ng mata nang tamaan siya ng ilaw kaya hindi niya ito agad nakilala.

"Naiihi ka ba o natatae?" Natatawang tanong nito sa kanya.

"Naiihi lang! Grabe ka naman Dok! Tae talaga?"

"Ano naman? Normal naman yon. Lahat naman ng tao tumatae. Ano ka ba? Bakit hindi ka ba tumatae?" Ito ang unang beses niyang makausap ang dalaga ng hindi tungkol sa trabaho.

"Syempre! Tumatae!"

"Yon naman pala eh. Hindi naman nakakahiya yon."

"Sorry Dok!" Hindi napigilan ng dalaga ang mautot.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now