CHAPTER 43: Kill Me First

409 25 7
                                    

Drake leaned closer to her but he released Arylle's hands to observe what she will do next.

You will either push or hit me...c'mmon! Do it Arylle...

He closed his eyes as he slowly reached for her face. It's driving him crazy. He missed this woman infront of her, and yes he wanted to kiss her. Not just kiss, but to hug and caress Arylle. To show how much he loved and missed her.

Damn Arylle! Don't look at me like that...

That stare she used to give him back then. Eyes that supposed to be frightened, but not for her. She doesn't fear him at all.

Oh God! What the fuck are you doing Arylle?

She didn't move her hands to fight Drake's impending kiss. Arylle just took a deep breath and closed her eyes.

Do you still love me? Hmmm...? Do you still feel the same whenever I'm near? Don't Arylle...dont. Stop loving me, stop it so I can stop blaming myself for your sufferings.

Gusto niyang maiyak sa naging reaksyon ni Arylle nang tangkain niya itong halikan. Hindi niya alam kung matutuwa ba siya dahil parang may natitira pang pagmamahal para sa kanya ang dalaga. O mag-aalala dahil alam niyang masasaktan na naman niya ito sa muli nilang paghihiwalay pagkatapos ng gabing ito.

"Stop fantasizing that I will kiss you. I will not do it Arylle." Bulong ni Drake bago umalis sa ibabaw ni Arylle.

"Tumayo ka na diyan, huwag ka ng mag-inarte. Alam ko kaya mo pang maglakad. Ihahatid ko na kayo ni Nathan. Hindi na kaya mag-drive ng boyfriend mo sa sobrang kalasingan niya. Haynaku! Parehong-pareho kayo ng boyfriend mo, iinom-inom...pero di naman kayang iuwi ang sarili mag-isa."

Naglakad na si Drake pero hindi pa rin sumunod si Arylle. Bumangon ang dalaga at kinuha ang tira niyang alak sa may gilid ng pool. Kalahating Johnnie Walker pa yun. May tama na siya, pero nakakapag-isip pa ng maayos. Gusto niyang magalit sa sarili kung bakit ba siya pumikit. Naiinis siya dahil naisahan siya ni Drake, at nakokonsensya na din para kay Nathan.  Mahal na mahal niya si Nathan, sigurado siya dun. Pero ngayong nakita niya ulit si Drake, alam niyang naaapektuhan pa rin siya sa presensya ng binata.

Aish! Isa kang malaking...bwisit!

Sabay lagok niya ng direcho sa kalahating bote ng Johnnie Walker.

"Fuck! Arylle!" Napatigil si Drake sa paglalakad at binalikan ang dalagang nakaupo sa gilid ng pool.

Bago pa niya malapitan ang dalaga ay nainom na nito ang tirang alak sa bote.  Hindi iyon ang ikinagulat ng binata kundi ang pagkahulog ni Arylle sa may pool.

"Shit!" Tinanggal ni Drake ang jacket niya saka mabilis na tumakbo palapit sa dalaga.

"Tang-inang alak yan!" Pagmumura niya sabay talon para sagipin ang hilong-hilo si Arylle. Marunong man lumangoy ang dalaga pero tila wala itong balak na umahon. Parang balak niyang magpalunod para makalimot sa kung anumang nararamdaman niya sa muli nilang pagkikita ni Drake.

Mabilis siyang naiahon ni Drake sa tubig, wala namang nangyaring masama sa kanya maliban sa panginginig sa sobrang lamig.

"Kung maglalasing ka! Ilalagay mo sa-" Galit na galit si Drake kaya napasigaw siya, ngunit natigilan siya nang bigla na lang umiyak si Arylle.

"I'm sorry. Sorry kung nasigawan kita. Ikaw naman kasi..." He couldn't find the right words to calm her. Hindi niya alam kung bakit ito umiiyak. Nilagay na lang niya ang jacket sa dalaga at niyakap.

"I'm sorry Arylle...sorry na." Ang mga luha ni Arylle ang kahinaan niya. Ayaw na ayaw niyang nakikita itong umiiyak. Kung anuman ang dahilan kung bakit ito humahagulgol ngayon ay palaisipan sa binata. Hindi niya alam kung dahil ba sa pagsigaw nito o dahil sa pagtatangka nitong halikan si Arylle.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now