CHAPTER 73: Totally Wrecked

443 38 9
                                    

"Iba ka talaga Drake! Parang hindi ka nanggaling sa isang major operation. How to be you po? Paambon naman ng konting kagwapuhan. Napaka-blooming mo naman! Sana all!" Pinipilit baguhin ni Hunter ang malungkot at seryosong mukha ng lahat.

"Ewan ko sayo! Dun ka na nga, baka atakehin pa ako sayo..." Binatukan siya ni Drake. Nakaupo ito sa tabi niya at nakayakap na parang bata. Naroon din si Dylan sa kaliwa niya, tahimik at seryoso lang.

"Buti binuhay mo pa ako Dok Alegre, I thought your-" Tinapik niya si Dylan.

"Pasalamat ka nandon si Hunter. Malamang kung hindi siya ang kasama ko, you are fucking dead now." Dylan's cold glare. Cold, yet full of hidden emotions. Warm emotions that only his friends can penetrate.

"Asus! Ikaw nga tong parang natatae sa nerbyos eh. Madali ka ng madali, minu-minuto kang tumatawag sa ICU! Maniwala ka diyan kay Dylan, eh nagpunta pa nga siya mismo doon para palabasin si Arylle-"

"Hunter! Can you please shut your mouth? Ang ingay mo eh!" Putol ni Kyle nang makita niya ang reaksiyon ng mukha ni Carl at Gian.

Hindi naman lingid sa kaalaman ni Drake ang nangyari kay Nathan. Sa unang araw pa lang na magising siya at matanggalan ng tubo, naroon na agad si Stephanie at ang buong pamilya ng Lee at Fajardo. Wala ng kailangan pang eksplanasyon para doon. Alam na agad niya kung anong kinahinatnan ng kaibigan. Hindi iyon ang unang pagkakataon na isinalba siya nito. Having the same blood type, Nathan became a blood donor for him back when he was still in underground fights. Hindi lang isang beses, at ngayon hindi lang basta dugo ang dumugtong sa buhay niya kundi ang mismong puso ng isa sa mga matalik niyang kaibigan.

"Just take a rest, babalik na lang kami bukas. C'mmon guys...masyado nyong pinapagod si Drake." Sabi ni Liam sa lahat.

Mahirap maging masaya kahit pa nakaligtas si Drake. Sa pagkawala ni Nathan, lahat sila ay halos hindi maipinta ang mukha. Sanay silang magkakasama mula noon. Sa kalokohan at sa kung anu-anong mga bagay na dumadating sa buhay ng bawat isa, magkakaramay sila.

"Let's go...just give us a call, oncall kaming lahat ngayon." Paalala ni Zach sa kanya bago lumabas ng pintuan. Sumunod ang lahat sa kanya maliban kay Gian.

"Gian! Tigilan mo nga yan! Ang clingy mo! Mamaya umiyak pa yan si Drake!" Hila ni Carl sa kaibigan. Natawa na lang silang tatlo, pero bigla ding natahimik. Si Nathan ang may pinakamalakas na tawa sa kanila. Mas lalo lang nilang naramdaman ang lungkot.

"Dito ako matutulog mamaya. Kailangang magpahinga ni Tita at Tito. Bukas pa naman darating si Dana diba?" Bumalik uli si Gian.

"Si Madelaine ba o si Drake ang asawa mo? Drake can handle himself. Ang dami kayang nurse dito, he don't need you here. Umuwi ka sa asawa mo, mamaya pati si Drake pagselosan niya." Hinila uli siya ni Carl pero dumungaw uli ito pabalik.

"Just call me...okay?" Sabi uli ni Gian.

"I'm okay...sige na...go back to the area. Baka nabi-busy na si kuya Ace dun." Nakangiting sabi ni Drake sa kanya. 

Kalalabas lamang ng binata sa ICU matapos ang halos limang araw na pamamalagi doon. Wala na itong tubo sa bunganga at hindi na din ito nakakabit sa makina. Naging matagumpay ang operasyon na isinagawa ni Hunter at Dylan sa loob lamang ng apat na oras. Emosyonal man sila, pinili nilang maging matatag sa mga panahon na iyon. Nawalan na sila ng isa, hindi makakapayag ang dalawa na mawalan pa uli.

"Nakaalala ka? Sinong dadalawin mo? Si Drake ba o yung puso ni Nathan? Akala ko hindi mo na siya dadalawin." Nakuha pang biruin ni Carl si Arylle na nasa may labas ng pintuan. Ito ang unang beses niya na pinuntahan ang binata pagkatapos ng operasyon. Mabigat para sa dalaga ang makita ang binata dahil para sa kanya ay tuluyang nawala si Nathan sa kanya ng dahil sa pagpili nilang kuhanin ang puso nito.

EVERY BEAT OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon