CHAPTER 68: Curse Me All You Want

369 37 12
                                    

Arylle looked at Drake and Nathan as if weighing things down. Choosing one is a very difficult decision. Whoever she chooses, she will definitely be hurt. She and Drake had been together for a long time. Seven years is no joke. She loved him once, but she also could not afford to lose the man she chose to be with for the rest of her life. And that was Nathan. The man who brought back the colors to her life.

I'm sorry Drake...patawarin mo ako...

She glanced at him while crying, alam na ni Drake ang ibig sabihin nun. Masakit man sa dibdib, inasahan na niya iyon. Arylle will definitely choose Nathan over him.

Mahal na mahal ko si Nathan...hindi ko siya kayang mawala sa akin Drake. Sana mapatawad mo ako. Sorry talaga.

Tulad ng pagdi-desisyon nito na pakasalan ito, alam ni Drake na hindi siya ang pipiliin ng dalaga. Alam niya na ang mga luhang iyon ay pamamaalam at paghingi ng tawad sa gagawin niyang pagpili.

Napatingin ang dalaga sa suot niyang singsing. Litong-lito man siya sa mga pagkakataong iyon, gusto niyang panindigan ang desisyon na gagawin niya. Hindi iyon madali, alam niyang panghabambuhay niyang dadalhin sa konsensya niya ang pagkawla ni Drake. Pero hindi niya kayang makita si Nathan na mamamatay sa mismong harapan niya. Kung kailangan niyang mamili ng isa, si Nathan iyon.

Patawarin mo ako Drake...

Naglakad siya patungo sa binata at kay Jill. Niyakap niya si Nathan ng sobrang higpit habang umiiyak. Hindi niya alam kung ang mga luhang iyon ba ay para sa takot niyang mawala si Nathan sa kanya o ang makitang mamatay si Drake sa harapan niya. Pumikit siya nang makita niya si Jill na nagtutok ng baril kay Drake. Sunod-sunod ang putok ng baril, ganun din ang mga luha niyang parang gripo sa pag-agos. Ayaw niyang imulat ang mga mata niya at tignan ang dako kung nasaan nakaluhod si Drake. Pinili man niya si Nathan sa mga oras na iyon, hindi ibig sabihin ay wala na siyang pakialam.

Hindi lang limang putok ng baril ang bumulabog sa buong kwarto. Paulit-ulit na putok ang narinig ni Arylle. Ang bawat putok na iyon ay isa-isa ding dumurog sa puso niya.

"Clarissa!" Narinig ni Arylle ang pagsigaw ni Drake. Tila nabunutan siya ng tinik sa dibdib nang marinig ang boses ng binata. Agad siyang nagmulat ng mga mata at binaling ang tingin sa dako kung nasaan si Drake.

It was Clarissa, she saved Drake from those deadly bullets. Bumagsak na lang siya sa sahig habang naliligo sa dugo. Hindi lamang limang bala ang tumama sa iba't-ibang bahagi ng katawan niya.

"I'm sorry Drake...patawarin mo ako. Sorry for being selfish, sorry for putting you in this situation. I'm-" Nawalan na siya ng hininga bago pa niya matapos ang sasabihin.

"Being inlove is being stupid!" Sabi ni Jill na nagpapalit ng magasin ng baril niya.

Bago pa niya mapalitan ang magasin ay nagulat na lang siya nang maramdaman ang nakatutok na baril sa ulo niya. Napataas na lang siya ng dalawang kamay at nabitawan ang baril na hawak.

"Instruct your men to put their gun down Jill!" Kinasa ni Nathan ang baril na inagaw niya mula sa lalaking dapat ay bantay niya. Nakakuha siya ng pagkakataon para makapang-agaw ng baril nang magulat si Jill sa pagharang ni Clarissa para protektahan si Drake.

"Now! Or I'll shoot you!" Sinipa ni Nathan ang nalaglag na baril at magasin papunta kay Drake. Sinenyasan niya ito na kunin si Arylle at Samantha. Hindi ininda ni Drake ang tama niya sa binti. Tumayo siya at sumunod kay Nathan. Hinila niya si Samantha saka pinuntahan si Arylle. Nilagay niya silang dalawa sa may gitna nila ni Nathan. Bantay sarado siya sa mga mata at baril ng armadong lalaki. Hindi pa rin sila nagbababa ng mga baril nila.

"Shall I shoot you?" Galit na galit na sabi ni Nathan dahil nakatutok pa din ang mga baril sa kanilang apat.

"Have you already killed someone? Hmmm? Why don't you try it? C'mmon! Shoot me! Kill me Doctor Fajardo!" Humahalakhak na sabi ni Jill.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now