CHAPTER 35: Culprit

360 24 5
                                    

"What? Something urgent?" Alasdose na ng madaling araw nang makatanggap ng tawag si Drake kay Uno.

"Taking home Arylle is not a part of my job Drake. Baka gusto mo siyang puntahan dito at iuwi sa apartment niya."

"Where is she? Is she drunk again?" Napabangon si Drake, mahimbing na ang tulog niya nang tumawag si Uno sa kanya.

"Same place. Dun pa rin. Wala siyang kasama. Maybe you want to-"

"Papunta na ako! Eto na!" Nagmamadali siyang nagbihis at bumaba.

Drake tried to call Nathan but he was not answering. As much as possible, he doesn't want to show up infront of her. Mula nang huli silang magkausap, pinutol nito ang kahit anong komunikasyon nila ni Arylle.

Arylle! Damn this habbit of yours! Kelan ka ba matututo na magkontrol ng pag-inom mo? Iinom-inom ka...hindi mo naman kaya!

Nang dumating siya sa bar ay nakapatong na ang ulo ng dalaga sa lamesa. Hindi na makatayo ng maayos.

"This woman! Ugh!" Huminga siya ng malalim bago lumapit kay Arylle.

Natigilan si Drake nang marinig niya itong umiiyak habang kinakausap ang bote ng alak na hawak niya.

"Naka-move on na ako kay Drake! Nakalimutan ko na siya! Wala na yun sa akin eh! Tang-ina! Hindi lang siya ang lalaki!" Umiiyak ito at tumatawa na parang tanga habang kinakausap ang sarili at ang boteng hawak niya.

"Hindi ko siya hahabulin noh! Hindi ako ganun! Ako pa ba? Maghahabol sa lalaki? No way!" Nasa likod lang si Drake at pinapakinggan ang mga sinasabi ni Arylle.

"Hindi ko siya hahabulin! Pero..." Lalapit na sana si Drake para kunin sa kanya ang bote ng alak. Ngunit dinurog ang puso niya sa sunod na sinabi ni Arylle.

"Pero hihintayin ko pa rin siya. Kahit ayaw na niya. Kahit hindi niya gustong maghintay ako. Hindi naman niya alam eh. Kunwari...wala lang. Kunwari okay lang ako. Pero mag-aantay pa rin ako sa kanya. Secret lang natin ha...secret lang natin na aantayin ko si Drake." Bulong ni Arylle sa bote ng alak na hawak niya.

Pahakbang na si Drake uli palapit sa dalaga nang muli na naman siyang may ibinulong sa boteng hawak niya.

"Secret lang din natin ha...secret lang natin na miss na miss ko na si Drake." Humahagulgol niyang sabi sa bote ng alak.

I miss you more Arylle...kung alam mo lang. Kung alam mo lang Arylle.

Drake just watched her from afar, observing what will she do next. It will not be easy for both of them if he will just show up like nothing had happened.

She was sitting on a stool at the bar while staring her reflection in the mirror behind the barshelves filled with different kind of bottles.

"Okay ka lang Ma'am? Gusto mo tumawag na ako ng taxi?" It was the seventh time the female bartender offered her a help.

"Okay lang ako. Kaya ko." She said while smiling, trying to hide the bitterness inside.

The female bartender silently wave to Drake. It was him who told the bartender to help Arylle out. Well, not for free.

"ARYLLE!" Drake suddenly shouted when the loud sound of gunshots from a group of men who was fully armed came over to get her.

Tumakbo siya palapit sa dalaga at agad na ihinarang ang katawan niya. Nakipagpalitan ng putukan si Drake habang yakap-yakap niya si Arylle sa kabilang kamay.

"GET DOWN ARYLLE!" He pushed her in the floor and continue to shoot those men until all of them decided to retreat.

"Okay ka lang?" He tightened his arms around her while holding a gun on the other hand. Nabaril ni Drake ang lalaking babaril sana kay Arylle. Mabilis na gumalaw ang mga tauhan ni Uno para habulin ang mga armadong lalaki.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now