SPECIAL CHAPTER

1K 45 11
                                    

"Daddy do it, not Mommy!" Nathalie stubbornly uttered when Arylle is trying to do her braid.

"Naku, nag-inarte na naman ang anak mo. Hindi naman ganyan yan pag wala ka." Bumuntong hininga si Arylle pero pinagpatuloy pa din ang pagtitirintas sa buhok ng anak niya.

"Nathalie, stop doing this. Daddy is going somewhere, mali-late na siya. Just let Mommy do-"

She told her that she need to let her tie her hair and do other things and not just her Dad. As always she starts crying, running over to Drake shouting.

"Daddy, daddy! I want dada! I want-"

Tumigil lang siya sa pag-iyak nang kargahin siya ng ama at simulang tirintasin ang buhok.

Their three year-old daughter prefers spending time with her Dad more than with Arylle. When Drake is not home, Nathalie plays with her, let her do the things but as soon as he gets home, she feel like she don't exist. She does not let her tie her hair, change her clothes, give her a bath, feed her, nothing.

"Are you leaving again? Sabi mo, we'll watch Moana..."

"Did I?" Inaalala ni Drake kung talaga nga bang pinangakuan niya ang anak.

"Yes you did! Sabi mo nga sa amin we'll play the whole day on your off." Dagdag ni Nathaniel.

"Mm, you promise me that we'll-"

"Sige na, dinadramahan ka na naman ng mga anak mo naniwala ka naman. Dali na, para hindi ka masyadong gabihin." Putol ni Arylle sa kambal.

Hindi pa nakakalayo si Drake pagkatapos humalik kay Arylle at sa kambal ay mabilis na pumulupot si Nathalie sa binti niya. Nagngangawa ito gaya ng araw-araw na nangyayari sa tuwing papasok sa trabaho si Drake o kaya naman ay may pupuntahan siya.

"Babalik din si Daddy agad, promise. Hmmmm? Just watch Moana with Mommy for a while sweetheart. Before you knew it, nakauwi na si Daddy. Tahan na..." Umupo siya at kinarga si Nathalie habang pinupunasan ang luha ng anak.

"Ayaw! I like to watch it with you!" Nagngagawa uli siya habang mahigpit na nakayakap sa leeg ng ama.

"Haynaku, sige na mali-late ka na. Kanina pa nag-aantay sayo sila Dok G dun. Dali na, hindi nakakamatay ang pag-iyak. Titigil din yan mamaya. Parang di ka naman nasanay sa anak mo sa pag-iinarte niya tuwing aalis ka. Sige na Daddy..." Sabi ni Arylle sabay kuha sa nagwawalang si Nathalie.

"Sige na, go! Alam mo naman to nagmana sa akin, napaka-clingy sayo. Nathaniel c'mmon...let's watch Moana with your sister." Karga-karga na niya ang umiiyak na si Nathalie at umakyat na sa kwarto nila. Sumunod naman si Nathaniel nang tuluyang makaalis at makalabas ang ama.

Limang minuto ng nakaupo si Drake sa sasakyan niya pero hindi pa rin siya mapakali. Tumatawag na si Gian sa kanya pero hindi niya ito sinasagot.

"Did I really promise her-"

Malapit na siya sa gate nang bigla siyang bumwelta pabalik sa garahe. It may be psychological, but he can still hear Nathalie's cry.

"I'm sorry...I can't come. Babawi na lang ako next time. I have an urgent situation."

"How urgent? Anong nangyari?" Nag-aalalang tanong ni Gian sa kabilang linya.

"Mmmm...don't worry bro. Its not what you think. Sige na, I have to go." Binaba na ni Drake ang telepono bago pa makapagtanong si Gian uli.

Simula nang ipanganak ang kambal, madalang na itong sumama sa mga get together ng barkada nila. Mas gusto na lang niyang ilaan ang mga araw na wala siyang trabaho sa pag-aalaga sa dalawa. Nang maipanganak ang panganay ni Carl, lagi niyang kinekwestyon ang kaibigan sa tuwing maaga itong umuuwi o kaya naman ay kapag hindi ito nakakapunta sa mga get together nila. Pero ngayong isa na siyang ama, doon niya napagtanto ang pakiramdam. Kahit si Gian ay nagsimulang maging hindi palalabas nang ipanganak si Maggie. Lubos na niyang naiintindihan ang salitang daddy's duty na palaging binabanggit ni Gian at Carl sa kanya.

EVERY BEAT OF MY HEARTDonde viven las historias. Descúbrelo ahora