CHAPTER 34: Mr. LEE

349 27 8
                                    

"Anong itsura ko? Okay lang ba ako?" Nagulat si Nathan nang bigla siyang hilain ni Arylle pabalik sa gilid ng kotse.

"Bakit ba? Okay lang naman..."

"Tignan mong mabuti! Dali na Nathan! Okay lang ba ako? Mukha ba akong galing sa duty?" Nakahawak si Arylle sa manggas ng damit ni Nathan.

"Maganda ka pa rin sa paningin ko kahit anong itsura mo. Kahit na-erase na yang kilay mo, kahit burado na din ang lipstick at blush on mong pink...you are still pretty Arylle." Inayos ni Nathan ang buhok ng dalagang medyo magulo ang pagkakatali.

"Takpan mo ako! Dali!" Pagkarinig ng mga sinabi ni Nathan ay mabilis niyang nilabas ang make-up pouch niya.

"Hawakan mo to." Abot ni Arylle ng salamin kay Nathan.

"Eto pa." Pinahawak din nito sa binata ang make-up pouch at nagsimulang maglagay ng kaunting concealer at liquid foundation.

"Ano bang ginagawa mo? Nagugutom na ako eh!" Reklamo ni Nathan sa dalaga.

"Huwag kang magulo, ang hirap kayang pantayin ng kilay. Basta takpan mo na lang ako! Okay? Mabilis lang to." Nasa may kilay na siya.

"Arylle...gutom na ako. Ang tagal mo!" Napagalaw si Nathan, ganun na din ang hawak niyang salamin.

"Eto na! Lipstick na lang! Okay? Last na!" Sabi nito at mabilisang naglagay ng pink lipstick niya.

"Tsss! Kakain na nga lang, magmi-make up pa!" Maktol ni Nathan na bahagyang nauna sa dalaga.

"Hawakan mo ako Nathan! Dali!" Kurot nito sa tagiliran niya.

"Hawakan kita? Saan kita hahawakan Arylle? Saan banda?" Pabirong sabi niya sa dalaga sabay kindat at kagat niya sa labi niya.

"Ang green minded mo! Syempre sa kamay! Magholding hands tayo..." Bulong ni Arylle at siya na mismo ang humawak sa kamay ni Nathan. Sinakyan na lang siya ng binata, mukhang alam na niya ang dahilan kung bakit biglang nataranta si Arylle.

Benedict Chiu Hidalgo? Don't tell me...

Napapaisip ang binata kung magkakilala ba sila nito. Kakilala niya si Benedict, hindi lang dahil isa siyang malaking negosyante. Kundi isa siyang family friend. Ang mga magulang nila ay minsan ng naging magka-sosyo sa isang negosyo noon.

"Arylle!" Bati ni Benedict sa dalaga bago pa sila makapasok sa loob ng restaurant.

"Uy! Benedict!" Tila ninenerbyos na nakangiti ang itsura ni Arylle.

"How are you? Its been a long time...hindi mo ba ako ipapakilala sa kasama mo?" Nakatuon ang tingin ni Benedict kay Nathan na tahimik lang at inoobserbahan sila.

"Ah...si Nathan..." Kinakabahan na sabi nito kay Benedict.

"Ahmm...boyfriend ko." Piniga ni Arylle ang kamay ni Nathan para senyasang umayon na lamang ito.

"Oh! Wow! Small world Nathan...si Arylle pala ang girlfriend mo? Take good care of her bro! She is a catch! See you around..." Tapik ni Benedict kay Nathan.

"Arylle...you are gorgeous as ever! Pero mag-iingat ka dito kay Nathan ah...matinik to sa chix! Joke lang." Tumatawang sabi ni Benedict bago pumasok sa loob ng restaurant. Doon pa lang nakahinga ng maluwag ang dalaga.

Benedict Chiu Hidalgo is more than a dream come true for Arylle, way more than a prince charming. Every second spent with him was just so precious to her. She constantly get butterflies in her tummy and chills down on her back. One of the most happiest day in her life was being appreciated by his ultimate childhood crush Benedict. Wala na sigurong mas sasaya pa kapag yung crush mo lang dati eh naging boyfriend mo na. Yung pinapantasya mo lang dati, pero abot kamay mo na. He is Arryle's first boyfriend which lasted for six years. From third year highschool hanggang sa mag-college silang dalawa. But they eventually broke a year after graduating from college.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now