CHAPTER 30: Long And Difficult Journey

372 24 10
                                    

"C'mmon...let's go home Sam." After packing all her things, Drake edged his hand toward hers ever so slightly, until she felt his fingertips brush her hand.

"Thank you Drake. Thank you." Samantha hugged him tightly.

"You don't need to Sam. Hindi ko lang to ginagawa para sayo. I'm doing it for myself. Kung mas maaga ko lang nalaman ang mga nangyari, sana hindi mo hinarap ng mag-isa ang lahat ng mga pinagdaanan mo. Sana naalagaan kita. Siguro, I didn't fell inlove with other woman. Siguro, iba yung sitwasyon natin ngayon. I'm sorry Sam. I'm sorry. I felt like I betrayed and cheated on you for loving Arylle. Sorry kung wala ako nung mga panahon na kailangan mo ako. Sorry kung hinarap mo ng mag-isa yun." Hindi pa din matanggal sa isip ni Drake ang pagka-konsensya sa lahat ng mga nangyari.

Desidido at buo na ang loob niya. Kahit pa hati ang puso niya kay Arylle at Samantha, alam niyang kailangan siya ni Sam ngayon. Labag sa kalooban niya na masaktan si Arylle. Hindi niya alam kung kakayanin niya ang makitang umiiyak at nasasaktan ito. Pero kung titimbangin niya ang sitwasyon, mas higit siyang kailangan ng babaeng yakap-yakap niya ngayon.

I'm sorry Arylle...

Iyon ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip niya habang yakap-yakap si Samantha. Minsan, naiisip niya kung ano pa bang mga problemang darating sa kanya. Mga problemang darating na nagiging dahilan kung bakit hindi niya pwedeng mahalin si Arylle. Kahit isa-isa niyang solusyunan lahat ng balakid na pumipigil para magkasama sila, parang nagkakapatong-patong pa rin iyon. Imbes na mabawasan, mas lalong nadadagdagan.

"Let's go." Tinulungan niyang tumayo si Sam at hinaplos ang wig nito. Hindi niya pa rin lubos maisip ang lahat ng mga pinagdaanan ng dalaga habang nag-iisa.

He inhaled deeply before opening the door. Drake knew that Arylle might be waiting outside. He is holding Samantha's hand, it will be painful for Arylle. But he chose to be with Samantha. She needed him, and he felt guilty for all the years that Samantha was alone.

Arylle...

Hindi nga siya nagkamali. Naroon ang dalaga pag bukas niya ng pinto. Nakaupo ito sa sahig at nakasubsob ang mga palad sa mukha. Wala mang tunog ang iyak nito, kitang-kita ni Drake ang pagtaas at pagbaba ng balikat niya sa bawat paghikbi.

Napatingala si Arylle at nagtagal ang mga mata niya sa kamay ni Drake na nakahawak kay Samantha. Ngayon, alam na niya ang sagot sa mga katanungan kung bakit lumalayo si Drake sa kanya. Gusto niyang tanggapin na lang iyon at hayaan na lang silang dalawa. Pero parang pakiramdam niya kulang pa din ang sagot sa mga katanungan sa isip niya. Si Samantha lang ba talaga ang dahilan o may iba pa. Sinubukan niyang pakinggan ang pag-uusap ni Drake at Samantha sa loob ng kwarto, pero wala siyang marinig. Kung may tanging narinig man siya, iyon ang malalakas na daing ni Drake. Alam niya at sigurado siyang may nangyari sa kanila sa loob. Iyon ang daing ng isang taong nakikipagtalik. Durog na durog siya habang pinapakinggan ang mga malalakas na daing ni Drake, pero wala siyang lakas para tumayo sa kinauupuan niya. Umiyak na lang siya ng umiyak hanggang sa makita niya ang pagbukas ng pintuan.

I'm sorry for always hurting you. You don't deserve me. I don't deserve your love. Palagi na lang kitang pinaghihintay. I'm sorry. Sinusubukan ko ayusin lahat ng bagay para sa ating dalawa, but the circumstances are always stopping me to be with you Arylle...

Hinigpitan niya ang hawak niya kay Samantha at napapikit. Kinalma ang sarili, huminga ng malalim at lumumok para pigilin ang nagbabadyang luha sa mga mata niya.

"Drake..." Napatingin si Samantha sa kanya at sinubukang bumitiw sa kamay ni Drake. Mahal na mahal niya ito, pero alam niyang nahihirapan ang lalaking mahal niya dahil sa hiling at kalagayan niya ngayon.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now