CHAPTER 33: DABDA

366 21 6
                                    

Humihikab si Arylle habang patungo sa nurses quarter. Antok na antok na siya at pagod na pagod. Halos nakapikit na ang mga mata niya habang binubuksan ang pintuan.

"Aish! Parang zombie apocalypse ang shift na to!" Siya ang nahuli dahil may mga in-endorse pa siya sa morning shift.

"Yes off na ako!" Sigaw niya sabay bagsak ng pintuan nang magulat siya sa nakita niya.

Nathan is removing his scrubsuit infront of the locker. He is one of those men that exudes sexuality, intentionally or not. Arylle is aware of it and sends her into overdrive.

"Bastos! Magdamit ka nga! Bakit ka naghuhubad sa harapan ko!" Kunwari ay pumikit siya at nagtakip ng mata. Pero nakasilip naman ng bahagya.

Bakit ang pink talaga ng nipples niya? Mas pink pa sa nipples ko!

Doon agad dumapo ang mata ni Arylle. Hindi iyon ang unang beses niya na makita ang hulmadong katawan ni Nathan. Pero parang nahihiya siya sa sarili niya dahil hindi niya talaga mapigilang mapatingin sa katawan ng binata. Lahat naman silang magkakaibigan ay may magandang pangangatawan. Katawan na talagang makakapagpalunok sa kahit sinong babaeng makakita rito. Pero kung may spesyal man kay Nathan ay ang mala-rosas na kulay na utong nito.

Hindi alam ni Nathan na pumasok si Arylle sa loob ng doctor's quarter kung hindi pa ito sumigaw. Mali ang kwartong napasukan ni Arylle sa sobrang antok niya.

"Ano? Sinong bastos? Ikaw nga ang pumasok dito habang nagpapalit ako. Tapos ako pa yung bastos?" Sinarado ni Nathan ang locker at naglakad patungo kay Arylle. Wala itong damit sa itaas, tanging ang pang-ibabang scrubsuit na asul lang ang suot niya.

"Huy! Lumayo ka nga sa akin! Huwag kang lalapit! Babasagin ko ang itlog mo Nathan!"

"May patakip-takip ka pa ng mata...pero sinisilip mo naman pala ako. Tss! Manyak! Kababae mong tao-"

Agad na tinanggal ni Arylle ang kamay niya mula sa mata para itulak si Nathan palayo sa kanya.

"Sinong man-" Ang dalawang palad ni Arylle ang ay nasa dibdib na ni Nathan. Imbes na makapagpwersa siya para itulak ang binata, natigilan ito.

Nathan's hands were leaning on the door, his face is moving towards her, trapping Arylle's head. She wanted to move but they were too close. Just one move, their noses will touch.

"Ikaw...tignan mo nga yang kamay mo...nakahawak pa rin sa dibdib ko."

Mabilis na tinanggal ni Arylle ang kamay niya mula sa dibdib ni Nathan. Pero sumagi naman ito uli sa may tiyan ng binata at sa may maselang parte sa ibaba.

"Kita mo na...ang manyak mo!" Pang-aasar uli ni Nathan sa kanya.

"Ang kapal mo talaga! Hindi kita pinagnanasaan noh! Feeler!" Tatadyakan sana niya si Nathan pero mabilis na napigilan ng binata ang mga binti niya sa paggalaw. Inapakan niya ang dalawang paa ni Arylle para hindi ito makagalaw.

"Ano ba! Dun ka nga! Mamaya mahuli pa tayo ng girlfriend mo! Kalbuhin pa ako nun! May girlfriend ka na pero nilalandi mo pa ako! Babaero! Play-"

"Sinong playboy?" Bago pa maitulak ni Arylle si Nathan, nahawakan na nito ang dalawang kamay niya.

Arylle's both wrists were confined with his strong grip. They were pinned down on the door. She was cornered, not just by Nathan's hand and feet. But with his nose that touching her nose.

Grabe! Hindi lang pala pati nipples niya ang pink...pati lips niya. Ikaw na! Ako kailangan pa mag-lipstick para maging pink ang lips.

Her heart skipped a beat when she saw his chinky eyes narrowed more and looked directly into her eyes. She felt his hot breath through her lips. A shiver ran down through her spine as her chest was rising and falling with each deep breath.

EVERY BEAT OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon