CHAPTER 49: N-Seoul Tower

417 25 5
                                    

"Ang tagal-tagal mo magbihis. Eh bagay naman lahat ng damit sayo. Halika na! Maganda ka na Arylle." Katok ni Nathan sa kanya dahil halos mag-iisang oras na siyang nagbibihis.

"Wait lang! Pinapantay ko lang ang kilay ko! Kilay is life! Baka makasalubong tayo ng mga Oppa noh!" Si Arylle na nagbukas ng pinto para makapasok ang binata sa loob.

Arylle was always particular with her make-up, especially with her eyebrows. She loves to do Korean inspired make-up, always watching Korean make-up tutorial to perfect her so called artwork, her face. All her get ups was mostly based on Korean fashion trends. Korean clothes, make-ups, foods, places, artists, series, idols and all about Korea were her favorite thing. That is why Nathan brought her in her dreamland.

"Yeppuda!" Nathan embraced her from the back.

Translation: "Beautiful!"

"Chincha?" Napatigil si Arylle at sinalubong ang mukha ni Nathan habang nasa harap sila ng salamin.

Translation: "Talaga?"

"Dangsineul mannagi jeoneneun nae salmi eolmana gongheohanji mollasseoyo. Urineun unmyeongieyo. Nareul sesangeseo gajang haengbokan namjaro mandeureo jullaeyo? Nawa gyeolhonhae jullaeyo Arylle?" Nathan said it straightly with Korean accent.

Translation: "Before I met you, I never realized how empty my life was. We are meant to be together. Will you make me the happiest man alive? Will you marry me Arylle?"

"Ha? Uy! Nagnosebleed ako dun! Grabe ka naman! Hindi ko naintindihan! Itranslate mo! Ikaw na ang magaling mag-Hangeul! Porket nagka-jowa ka lang ng Koreana dati! Kaya ka marunong ng iba't-ibang lengwahe kasi iba't-ibang lahi ang naging jowa mo. Ano nga yung sinabi mo?" Reklamo ni Arylle nang tanggalin ni Nathan ang pagkakayakap sabay tawa sa dalaga.

"You have to learn more. Its for you to decode one day. You will decode what I said at the right time Arylle. Kapag ready ka na, you will surely understand what I said today. For now, halika na!" Sabay hila sa kanya ni Nathan nang makitang tapos na siya sa pagkikilay niya.

Gustong-gusto na niyang sabihin iyon kay Arylle kahit wala pa ito sa plano. Pero alam niyang hindi pa handa ang dalaga para doon. Hindi niya alam kung si Arylle ba o siya ang hindi pa handa, o kung ang pagkakataon. Alam niya na magiging kumplikado iyon, pero gaya ng lagi niyang pinapaalala sa sarili, handa siyang isuko ang lahat. Kasama na doon ang pagsuway sa Lolo niya at pagtalikod sa pamilya niya.

"Saan tayo pupunta ngayon?" Umangkla si Arylle sa binata at isinandal ang ulo sa may balikat nito.

"Saan mo ba gusto?"

"Kahit saan..."

"Wala namang lugar na kahit saan. Gusto mo isa-isahin natin yung list mo? Anong gusto mong unahin?"

"Alam mo, okay lang naman kahit saan. Actually, kahit naman di mo ako dinala dito, best Valentines ever pa rin. Best third monthsary pa rin. Its not the place Nathan...its you. Ikaw at ako. Kahit nga mag-movie marathon lang tayo ng magdamag sa apartment ko, masaya na ako dun. Siguro, iniisip mo na...kung dadalhin mo ako sa lugar na mga gusto ko o kaya naman bibilhin mo yung mga bagay na gusto ko, sobrang magiging masaya ako. Pero sa totoo lang, araw-araw na akong masaya. Basta kasama kita. Kaya huwag mo na gagawin yung one week na hindi mo ako kikibuin! Sa susunod magsi-suicide na ako kapag ginawa mo uli yun!" Mas lalong humigpit ang pagkaka-angkla ni Arylle sa braso ng binata.

"Saan mo nga gustong pumunta? Nilista ko kaya lahat ng gusto mong puntahan. Yung mga lugar kung saan shinoot yung mga favorite mong-" She stopped her by kissing him in the lips.

"Ang kulit mo din noh! Ikaw ang favorite ko! Ikaw lang Nathan! Wala akong pakialam kung makapunta ako sa mga lugar na yun! Ikaw lang...sapat na."

"Talaga lang? Kahit sa fan signing ng BTS? O kaya naman sa lugar kung saan shinu-shoot yung bagong Kdrama ni Lee Min Ho? Kim So Hyun? Alam mo ba na nagshu-shoot si Kim Won Bin ngayon para sa brand na-"

EVERY BEAT OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon