CHAPTER 14: Traumatized

446 22 6
                                    

"This is the only thing I can do for you Arylle." The back gate was metallic and can only be open with a fingerprint biometric scanner.

"Wala na akong access sa loob ng bahay niya. Its an iris access control system, mata lang ni Drake ang naka-register don. Siya lang ang pwedeng makapagbukas non. Hintayin mo na lang siyang dumating."

"Dok Nathan! Wait lang!" Napahawak si Arylle sa manggas ng damit ng binata. Nakaramdam siya ng kaunting kaba sa gagawin niya.

"Bakit?"

"Wala namang red laser light sa loob ng bahay ni Dok Drake diba?"

"Red laser light?" Kumunot ang noo ni Nathan.

"Yung...kapag natamaan ka, mahahati yung katawan mo." Hindi napigilan ni Nathan ang matawa sa reaksyon ng mukha ni Arylle. Magkahalong pagka-mangha at takot ang nararamdaman niya nang humakbang siya papasok ng bahay.

The high-tech security system and automated surveillance camera really alarms her. Countless CCTV's start to move directly from where she is standing.

"Kapapanood mo ng movie yan! Kung anu-anong nasa isip mo."

"Uy hindi ah! Tignan mo naman kasi...ano ba namang klaseng bahay to? Lahat electronic based? Ang gara, pero ang creepy. Ganito yung mga bahay ng mga taong involve sa mga illegal na bagay. Maraming gustong pumatay sa kanila." Pagpapaliwanag niya, hindi niya inakalang may ganoon talagang klaseng bahay. Kadalasan, sa mga pelikula lang niya nakikita yon.

"Hindi ganun si Drake. Tigilan mo yang iniisip mo."

"Hindi ba siya miyembro ng sindikato? Yung mga gangster? Diba sabi mo, sumasali siya sa mga underground fights? Illegal yon diba?"

"So ayaw mo ng ituloy to? Eh di tara na, iuuwi na kita. Takot ka pala kay Drake eh." Sinubukan niyang hawakan ang kamay ni Arylle at umasang sasama ito sa kanya.

"Hindi ah! Hindi ako natatakot sa kanya! Wala akong pakialam kung miyembro siya ng sindikato o kung-"

"He is not a member of any illegal work Arylle. Drake is a doctor and a businessman. He is Carl's business partner. Okay?" Pagtatanggol ni Nathan sa kaibigan niya.

"Thank you ah. Alam ko hindi mo naman dapat ginagawa to. Sorry kung inabala kita para dito." Nakokonsensya siya na humingi siya ng tulong sa binata. Pero wala namang ibang taong tutulong sa kanya kundi si Nathan lang.

"If you really want to know about Drake, this is the only way. Wala akong sagot sa mga tanong mo. Siya lang ang pwedeng makasagot nun. Sabi ko sayo diba, kung saan mo ako pwedeng magamit, gamitin mo lang ako. Anything for you Arylle..." Mas lalo pa siyang nakonsensya sa mga sinabi ng binata.

"Dok Nathan..." Hinila uli niya ang manggas ng binata.

"Just call me anytime, off naman ako ngayon eh. Kung gusto mo na magpasundo o kung sakaling paalisin ka ni Drake, tawagan mo lang ako. Susunduin kita."

"Goodluck Arylle." He gently squeezed her cheeks.

"Dok Nathan...salamat talaga."

"Andito lang ako lagi Arylle. Kahit anong mangyari ngayong araw na to, palagi lang akong nandito para sayo. I can always be a friend you can count on." Ang mga mata ni Nathan na handa siyang damayan.

She is not attracted to him romantically,  but there is something that draws her to him. Arylle is just having trust issue, but as day passes by, Nathan and her start to build a friendship. A bonding that she and Drake never had.

"Fighting!" Nathan and his jolly face whenever he imitate Arylle's favorite Hallyu Stars.

Kung ako yung main female character sa kwento, sino bang second lead male character ko? Si Dok Drake o si Dok Nathan ba? Tsss! Imagine pa more Arylle! Wala ka sa koreanovela. Totoong buhay to noh.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now