CHAPTER 6: Oncall

512 28 11
                                    

"Pabebe! Para sprain lang! Hindi naman yan fracture!" Saad ni Lorie habang paika-ikang naglalakad si Arylle na inaasikaso ang mga pasyenteng parating.

Kanina pa ito nagpaparinig sa kanya pero hindi na lang niya pinansin. Ginagawa na lang niya ang trabaho niya ng walang reklamo kahit nahihirapan siyang maglakad.

"Gaano na po katagal ang ubo nyo Lo?" Magiliw siyang makipag-usap sa mga pasyente kaya naman halos sa kanya lahat pumipila ang mga nagdadagsaang tao.

Mabilis din itong kumilos kahit pa paika-ika ito dahil sa paa niyang may sprain.

"Pahintay na lang po sa kabilang linya pagkatapos nito Lo. Kuhanan ko lang po kayo ng BP tapos pila na po tayo sa kabilang linya."

"Sana lahat ng nurse kagaya mo. May iniindang sakit pero nakangiti pa rin. Hindi lang mabait, maganda pa." Sabi ng Aleng kasunod ng matandang lalaking kinukuhanan niya ng blood pressure.

"Oo nga Mare! Hindi gaya nung nasa pangatlong linya, napaka-suplada! Kaya nga kahit mas mahaba ang linya dito kay Miss Ganda eh, dito na lang ako pumila. Okay lang sa akin ang maghintay, kesa naman sa masungitan." Tukoy nito kay Lorie na nasa ikatlong hanay.

Tulad nang unang araw ay napakadami uli ang nagsidagsaang mga tao. Abala ang lahat sa pag-aasikaso sa mga dumadating na residente ng Sibutu, hindi nila napansin na alas dose na pala ng tanghali.

"Let's take a break first." Sabi ni Nathan na natalaga bilang Team Leader ng Medical Mission.

Sumunod naman ang lahat sa kanya. Ang ibang mga tao ay nagsi-uwian muna samantalang ang karamihan ay nag-antay na lang kung kelan uli magre-resume ang pagtanggap nila ng mga pasyente.

"Ang epal talaga nung Arylle na yon! Miss Ganda daw? Akala mo naman kung kagandahan! Mas hamak naman na-"

"Aaaagh!" Hindi natapos ni Lorie ang sinasabi nang patirin siya ni Drake.

"Ay! Sorry! Napatid ka? Let me help you. " Sarkastiko niyang sabi habang itinatayo ang ICU nurse.

"Let me check it." Pabagksak nitong isinandal ang babae sa pader ng banyo.

"Oh! Feeling ko na-sprain ka. Sorry ha. Hindi ka kasi tumitingin sa dinadaanan mo eh. Ayan tuloy, napatid ka." Sarkastiko niya uling sabi sa nasisindak na babae.

"Sorry Dok! Hindi po kasi kita nakita." Ito pa mismo ang humingi ng paumanhin kay Drake.

"Lorie Ferrer Castro? Am I right?" Wala sigurong taong hindi masisindak sa mga talim ng titig ni Drake.

"Yes Dok." Nakayukong sabi nito.

"I know who you are. Ikaw pala yon. Dati pangalan mo lang ang naririnig ko eh. Now, I finally met you. Its good to see you Miss Lorie..."

"Dok?"

"The most toxic ICU nurse na kung magrecieve ng endorsement ay parang mangangain ng ka-endorse niyang nurse. Yung dapat ten to fifteen minutes na endorsement ay nagiging thirty minutes to one hour. Alam mo ba kung gaano kadaming pasyente ang kini-cater ng Emergency Room araw-araw Miss Lorie?" Namilog ang mga singkit na mata ni Drake.

"Dok?" Nanginginig na siya sa mga titig ng binata.

"Then you are detaining my nurses there in ICU for how many minutes? Minsan umaabot pa ng isang oras. Minsan sobra pa. You are just receiving one patient. And also, the nurse patient ratio in your area is one is to one. Why do you keep on asking for the things you can do there. Kaya nga may tinatawag tayong handover diba? At hindi lang yon, you keep on making gossips about the ER nurses. You keep on saying bad things infront of my nurses. Sa loob ng AMC, I tolerate it kasi wala namang nagre-report talaga sayo. Alam mo ba na, our Medical Director don't tolerate bullying inside the hospital premises? You know what the sanctions? Ha?" Nagpipigil pa siya sa lagay na yon pero takot na takot na si Lorie.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now