CHAPTER 44: Favorite Spot

419 24 9
                                    

"What? What is it Drake?" Alam ni Uno ang isinenyas ni Drake habang akay-akay si Nathan palabas ng kotse niya. Pero nagkukunwari ito at maang-maangan para asarin ang kaibigan.

"Get inside the car! You need to be with her hanggang sa makabalik ako. Mabilis lang ako. Ihahatid ko lang si Nathan sa loob."

"Ang OA mo, alam mo yun? Can you count us? Binabantayan namin siya dito sa labas, walang mang-aano sa kanya Drake."

"Uno! Get inside the fucking car!" He pointed a gun to his penis.

"Tsss! Fine! Eto na! Ang init ng ulo mo masyado! Akala mo naman kung may makakalapit pa kay Arylle sa dami namin." Pabagsak na isinarado ni Uno ang kotse.

"Diyan ka lang...huwag kang aalis sa tabi ni Arylle hanggang hindi pa ako nakakabalik." Bilin ni Drake bago pumasok sa loob ng building kung nasaan ang condo ni Nathan.

OA na kung OA, pero ayaw niyang paiwanan si Arylle mag-isa. Gusto niya ay may nakabantay sa dalaga sa loob ng kotse. Hindi pa din matanggal sa isipan niya ang nangyari sa bar dalawang buwan na ang nakakaraan. Magmula noon ay mas naging mahigpit ang pagbabantay ng grupo ni Uno kay Arylle. Panatag din si Drake na kasama nito lagi si Nathan. Nasasaktan man siya na nakikita silang magkasama, mas maigi na iyon. Kesa naman sa makita niyang umiiyak at naglalasing si Arylle dahil sa nangyari kanila. Wala siyang ibang gusto kundi ang makitang masaya ito, kahit hindi siya ang dahilan ng mga ngiti ni Arylle.

Walang malay si Nathan habang ipinapasok niya ang kaibigan sa loob ng condo niya. Mabuti na lang ay hindi pa din ito nagpapalit ng password. Kabisado iyon ni Drake, dahil bukod sa condo ni Gian, dito siya palaging tumatambay.

Umuuwi ka pa ba dito? Yung totoo Nathan?

Halatang walang tumatao sa condo niya. Mas madalas siyang matulog sa apartment ni Arylle kesa ang umuwi dito. Napansin iyon ni Drake dahil medyo maalikabok ang paligid. Ayaw na ayaw ni Nathan ng ganun, masyado itong OC pagdating sa paglilinis. Pero mula nang maging sila ni Arylle, halos hindi na siya nakakauwi sa condo niya. Kulang na lang ay mag-live in na sila ng dalaga sa sobrang possessive nito kay Nathan.

Inalis lang niya ang medyas at sapatos ni Nathan matapos niya itong inihiga sa kama. Hindi na niya ito kinumutan dahil alam niyang tatanggalin din iyon ng kaibigan. Nilakasan din niya ang aircon, alam na alam niyang mabilis itong mainitan.

"Lagot ka sa akin bukas! Kung maglalasing ka, huwag mo isasama yung girlfriend mo. Dahil pareho kayong bangag pagdating sa alak."

Pahakbang na si Drake nang hilain siya ni Nathan, "I love you bro! I love you!"

Iyon ang sinabi ni Nathan na bahagyang nagbukas ng mata niya.

"I don't want to hurt you...alam mo yun diba? Pero mahal na mahal ko si Arylle. Mahal na mahal ko siya. Gusto ko lang siyang maging masaya. Ayoko siyang nakikitang umiiyak. Mahal na mahal ko siya Drake." Huminga siya ng malalim saka binitawan ang kamay ng kaibigan. Muli siyang nakatulog at lumakas ang hilik.

"Alam ko...you don't need to be guilty. I'm the one who push both of you. Thank you for taking care of her. Alam ko kung gaano mo siya kamahal. At alam ko ding mahal na mahal ka niya Nathan. Just be patient with her. Maaalis din niya ang pagiging possessive niya. You just need to gain her trust." Inayos ni Drake ang unan ni Nathan.

Sa kanilang apat, si Gian ang pinaka-mature mag-isip. Si Nathan naman ang naturingang bunso. Madalas man silang magtalo ni Drake noon, alam niyang mahal na mahal siya ni Nathan. Hindi lang ito palasalita gaya ni Gian at Carl, hindi din ito palaging nagpapakita ng emosyon. Pero ang pagpapahalaga ni Nathan sa pagkakaibigan nila ay hindi mapapantayan ng kahit ano. Naalala pa niya nang minsang magkaroon siya ng problema sa isang underground fight noong nasa kolehiyo pa siya. Nakabakasyon lang si Nathan sa Pilipinas, pero hindi ito nag-atubiling tulungan siya. Kahit pa muntikan na siyang mapahamak ay pinuntahan pa rin niya si Drake. Nalagay ang buhay ni Nathan sa bingit ng kamatayan, pero hindi niya iyon ininda. Handa siyang ilagay ang buhay sa gitna ng kamatayan at kahit anong kapahamakan, matulungan lang noon si Drake.

EVERY BEAT OF MY HEARTKde žijí příběhy. Začni objevovat