CHAPTER 80: Like Father Like Daughter

542 45 26
                                    

Three years after.

COCOMELON...

Old MacDonald had a farm
Ee i ee i o
And on his farm he had some pigs
Ee i ee i o
With an oink-oink here
And an oink-oink there
Here an oink, there an oink
Everywhere an oink-oink
Old MacDonald had a farm
Ee i ee i o

"Daddy bumangon ka na diyan, aalis na ako. Dali na!" Niyugyog siya ng asawa ng magtakip siya ng unan.

Hindi niya alam kung sa boses ba ni Arylle siya nagising o sa lakas ng volume ng TV habang paulit-ulit na tumutugtog ang paboritong kanta ni Nathaniel at Nathalia.

Even his ringtone was from cocomelon's playlist. He even memorized all the songs and nursery rhymes hearing those songs everyday. Perks of having a two toddler.

"Eto na! Babangon na!" Bumuntong hininga siya dahil halos wala pa siyang tulog. He came from a night shift and still adjusting his body clock.

"Pinakain mo na ba sila?" Bumangon na siya dahil hindi tinigilan ni Arylle ang pagyugyog sa kanya.

"Hindi pa, kakadede lang nila...ikaw na magpakain sa kanila. Aalis na ako. Late na kaya ako. Ang tagal-tagal mo gumising eh." Reklamo ni Arylle habang nagkikilay.

"Hindi ba pwedeng next time ka na lang lumabas? Tsaka bakit ba ngayon mo pa sila pinagday off? Pwede namang bukas...wala pa kaya akong tulog." Nagtungo siya ng banyo para magsipilyo.

"Nagrereklamo ka? Ako ba nagreklamo nung dinaanan ka nila Dok Carl dito? Baka nakakalimutan mo...inumaga ka na ng uwi nun. Nakarinig ka ba sa akin? Ngayon lang kami lalabas uli nila Madelaine eh! Once a year lang mag-birthday si Nypmha, hindi pwedeng next time! Kanina pa kaya dapat ako umalis! Hinayaan na nga kitang matulog ng tatlong orasn, nagrereklamo ka pa. Binabawalan ba kita na lumabas ha? Sabi mo pa nun, walang babae dun sa party na yun. Tapos nalaman ko, class reunion pala! Kung makapag-"

"Hindi pantay ang kilay mo, oo na...ang dami mong sinabi eh." Lumapit siya para pahidin ang kaliwang kilay ni Arylle. Mas makapal kasi ang pagkakagawa nito kesa sa kanang kilay niya.

"May anak na tayo Arylle, why are you still paranoid with those women around me? Hmmm...?" Hinawakan niya ang baba nito sabay dampi ng halik.

"Pantay man ang kilay mo o hindi, maganda ka pa rin. Hindi man lumaki ang boobs mo kahit napuno ng gatas, sexy ka pa rin sa paningin ko. Stop thinking na titingin pa ako sa ibang babae. I'm too old for that."

"Okay na sana eh...boobs ko talaga ang nagdala eh! Bwisit ka! Sige na, aalis na ako. Huwag mong bubukulan yang si Nathalia ah! Kapag uwi ko may bukol uli yan, ikaw ang bubukulan ko!" Bilin ni Arylle sa kanya.

"Its a part of being a toddler, let her explore. You are so overprotective, Nathalia can handle it. Bukol lang yun. Let them explore the world so that they will be tough to face life's adversities. Gusto ko silang lumaki ng ganun. Strong and independent."

"Ewan ko sayo, nagpalusot ka pa eh! Strong and independent ka diyan, basta...umihi at tumae ka man, dapat kasama mo silang dalawa! Period!"

Nagmamadali si Arylle pero nakuha pa niyang halikan at bilinin ang kambal.

"Behave Nathalia, okay? Huwag mo papasakitin ang ulo ni Daddy. Yaya is not around...hmmm?" Bilin niya sa sa dalawang taong gulang na anak na babae.

"Ikaw din, huwag kang magkakalat ng pupu mo...kawawa naman si Daddy na maglilinis sayo. Hmmm?" Nathaniel was dancing with the tune of Cocomelon's baby shark when he suddenly stopped and make a strain face.

"Aish! Nathaniel...kasasabi lang ni Mommy eh, gumagawa ka na naman ba ng cake?" Naamoy na nila ang mabahong amoy nang tumigil ito sa pagsasayaw.

"Kita mo na, I told you na dapat may potty training na sila. Ini-spoiled mo kasi sila masyado." Reklamo niya sabay kuha kay Nathaniel, may dala na itong diaper.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now