CHAPTER 91: Till Death Do Us Part

778 40 12
                                    

Author's Note:
This chapter is dedicated to @TeresaMedallon. Thank you for always supporting me inside the Wattpad World and in real life. Who would have thought na magkakaroon tayo ng friendship na ganito ng dahil sa lockdown at sa wattpad. I hope to meet you soon in person. At dahil patay na patay ka kay Drake, may isang hirit pa bago ang Finale at Special Chapters.

P.S.
Akala ko ba forever CARL MAXWELL TAN ALCANTARA tayong dalawa😅. Akala ko first love never dies hahaha. Sabagay, ako din na-fall kay Drakey Boy.

Till Do Us Part
Song by Channel Aid and Madilyn (Song Cover by Justin Vasquez)

"A storm warning for New York City and the surrounding suburbs in New York, New Jersey and Connecticut. It will be expected that it will be the heaviest snowfall in year after-"

Drake was disappointed as he immediately turn off the television. This was the first time he invested an effort thinking a real date with Arylle. Sa haba ng pinagsamahan nila at dami ng pinagdaanan, ito pa lang ang unang beses na magkakaroon sila ng date. He planned it well, did the reservation in the most cozy and romantic restaurant in Manhattan, but unluckily snow storm was coming.

"Damn it!" Ibinato niya ang remote na siya namang pinulot ni Arylle.

"Ang lamig lamig pero ang init init ng ulo mo, chill ka lang..." Hinila siya ni Arylle sa sofa. Pareho pa rin silang nakasuot ng pares na pajama na niregalo ni Dana. Dalawang araw na ng magpasya ang pamilya ni Drake na bigyan muna sila ng pribadong oras bago bumalik ng Pilipinas.

"I planned this day to be perfect. Alam mo yun? Nakaka-badtrip! Ang dami ng araw na pwedeng magsnow storm, ngayon pa talaga! It will be suppose our first date but this fucking snow storm just ruin-"

Hinalikan siya ni Arylle sa labi para pakalmahin.

"Sino bang nagsabing ang araw na to ay hindi perfect?" Muling dumampi ang labi ni Arylle sa labi ni Drake.

"How would it be-"

Pero muli siyang hinalikan ni Arylle.

"Everyday is perfect kapag kasama kita Drake. I-date mo man ako o hindi."

"I just want to show you the beauty of New York, the sceneries and the nice places bago tayo bumalik ng Pilipinas. Gusto kitang ipasyal sa mga-"

Hindi na uli pinatapos ni Arylle ang sasabihin ng binata. Mabilis na namang dumampi ang labi niya doon.

"Alam mo Drake, wala ng gaganda pa sa tanawin na to. Sceneries, nice places...wala yung sinabi." Kinurot ni Arylle ng marahan ang magkabilang pisngi niya.

"Si Drake lang sapat na...wala ng mas gaganda pang tanawin sa kanya. Hmmm? Tigilan mo na yang pagmamaktol mo diyan. Hindi mo ako kailangang i-date o kaya maging romantic. Hindi ko alam kung talagang patay na patay lang talaga ako sayo..." Tinitigan niya si Drake ng mata sa mata.

"Pero with you, no need for romantic dates para kiligin ako. Masaya na ako at kuntento na ako na kasama kita. Kahit nasaan pa tayo. Kahit nga ang pagbabantay sayo habang tulog ka kinikilig ako eh. Mas lalo na yung gumigising ako ng katabi ka. Kaya tama na, hayaan mo na yang date date na yan. Hmmm..." Dumapi uli ang labi ni Arylle sa labi ng binata.

Sa pagkakataong iyon ay kumalma na si Drake at nawala na ang pagkainis niya.

"Uy! Kinilig siya! Galing kung bumanat noh? Kala mo ikaw lang ang may mga pangmalakasang banat?" Pang-aasar ni Arylle kay Drake.

"So banat lang pala yun?" Kunwaring pagsusuplado niya.

"Bakit ang pogi mo pa rin kahit nagsusungit ka na? How to be you po?" Kurot ni Arylle sa kanya. Sa tuwing tinititigan niya si Drake, hindi pa din siya makapaniwala na nasa harap na niya ngayon ang binata. Nahahawakan at nahahagkan.

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now