CHAPTER 70: You Are Not Innocent

401 35 5
                                    

"Hey..." Hinaplos siya ni Nathan sa noo habang nakasandal siya sa braso ng binata.

"Having a bad dream again?" He smiled at Arylle while continously caressing her forehead and fixing her hair. They were lying on the sofa of her house.

Arylle hugged him tightly, the fear on her face was obvious. She also put her head against his chest, trying to listen to Nathan's heartbeat.

"Anong ginagawa mo? Para kang joke diyan." Natatawang sabi ni Nathan sa kanya sabay halik sa ulo niya.

Ipinikit ni Arylle ang mata niya at iminulat uli habang hawak niya ang magkabilang pisngi ni Nathan.

"What?" Nagtatakang tanong sa kanya ng binata, lalo na ng kinurot-kurot ni Arylle ang pisngi niya.

"Kiss mo nga ako! Dali!" Utos sa kanya ng dalaga na agad namang tinugunan ni Nathan.

He gave her a quick kiss on the lips.

"Isa pa nga!" Utos uli ni Arylle.

"Aish! Ang lakas talaga ng trip mo...what's with your dream? Did I die there again? Kapapanood mo yan eh, kung anu-anong napapanaginipan mo." Reklamo ni Nathan sabay tanggal ng kamay ni Arylle sa magkabilang pisngi niya. Siya naman ang humawak sa pisngi ng dalaga, tulad ng utos ni Arylle, hinalikan niya uli ito.

That soft, slow and reassuring kiss of Nathan was Arylle's safe zone and comfort. Everytime they argue with smallest and most serious things, that kiss always calm her down.

"I love you..." He said softly after finishing her lips and went straightly to Arylle's forehead but she went back to his lips and bite it.

"Nagugutom lang? Pati lips ko hindi mo pinatawad?" Kinagat din ni Nathan ang labi ni Arylle bago uli pinasandal sa braso niya.

"Mahal kita! Mahal na mahal kita! Mahal na mahal kita Nathan! Sobra!"

Nagulat si Nathan sa pag-iyak ni Arylle sabay yakap sa kanya ng mahigpit. Yakap na tila ayaw siyang pakawalan.

"Naiihi ako..." Bulong ni Nathan sa kanya habang hinahaplos nito ang likuran ng dalaga.

"Ayoko! Dito ka lang!" Kung kanina ay braso lamang ng dalaga ang nakayakap sa binata, ngayon ay pati ang binti at hita na niya.

"Tigilan mo na kasi kakanood mo ng nga tragic koreanovela! Bakit ba kasi inulit mo pa yung Uncontrollably Fond na yan! Eh ilang beses mo ng napanood yun! Kita mo na...ilang araw ka ng nananaginip ng may namamatay. Paiihin mo na nga ako, puputok na ang pantog ko eh." Pilit niyang tinatanggal ang binti ng dalaga na nakapatong sa may tiyan niya.

"Eh kasi naman eh! Bakit ba namatay si Kim Woo Bin dun! Bawal mamatay ang mga gwapo! Aish!"

"Tsss! Arylle naman! Iihian kita!"

"Eh di ihian mo ako! Basta dito ka lang! Huwag kang aalis sa tabi ko!"

"Ang OA mo! Dali na! Ihing-ihi na ako eh!"

Para silang mga batang naghaharutan sa sofa. Kiniliti ni Nathan ang dalaga para makawala sa pagkakayakap nito sa kanya. Nang makawala siya, agad siyang tumakbo sa banyo. Ni hindi na niya nakuha pang magsara ng pintuan.
Napabangon din si Arylle at sinundan ang binata.

"Pasilip naman!" Biro ng dalaga kay Nathan.

"Bawal! Baka kagatin ka nito. Saka na, sa araw ng honeymoon natin."

"Aish! Binatang Pilipino lang? Diba dapat ako yung-"

"Hindi ka naman dalagang Pilipina eh! Dalagang pretending ka..."

EVERY BEAT OF MY HEARTOnde as histórias ganham vida. Descobre agora