CHAPTER 55: Will You Marry Me?

463 35 8
                                    

Chill Arylle! Chill...si Drake lang to!

Natulala siya sa tanong ng binata, parang nawalan siya bigla ng boses.

Shet! Ano ba? Makisama ka nga! Mukha kang tanga! Stop! Aish!

Para siyang tanga na nakikipag-usap sa puso niyang ayaw tumigil sa pagtibok ng mabibilis. Pakiramdam niya, luluwa na ang puso niya sa lakas nito. Yumuko ito at huminga ng malalalim.

"C'mmon! Let's go back to work." Binitawan siya ni Drake pero paika-ikang sumunod si Arylle sa kanya. Noong una ay hindi iyon napansin ng binata, pero nang lingunin niya ito, nakita niya kung gaano kalayo ang agwat nila. Kitang-kita niya ang reaksyon ng mukha ni Arylle. Nasasaktan ito at pinipilit na maglakad.

Mabilis niya itong binalikan, nagulat na lang si Arylle nang lumuhod ang binata sa harapan niya.

"Sit here..." Marahan niyang hinatak ang dalaga at pinaupo sa balikat niya. Pinahawak din niya ang dalaga sa may ulo niya saka hinubad ang sapatos ng dalaga.

"Kita mo na, ayan tuloy..." Pagkatapos niya makita ang kaliwang paa ni Arylle ay binalik din niya ng marahan ang medyas at sapatos nito. Pinatayo niya ang dalaga para makatayo din siya.

"Uy! Kaya kong maglakad! Okay lang!"

Nabuhat na siya ni Drake bago pa siya makatanggi.

"Ibaba mo ako! Nakakahiya! Mamaya anong isipin nila...ma-tsismis pa tayo."

"Ano bang iisipin nila?"

"Baka ano...alam mo na, baka ma-issue tayo."

"Wala silang iisipin, ang OA mo Arylle...alam mo yun? Kahit naman kunwari si Drew o kung sino mang lalaki ang makakita sayo na iika-iika ka pagkatapos mong umakyat at mahulog...ganito din ang gagawin. Masyado kang guilty eh!"

"Anong guilty? Bakit ako magi-guilty? Mukha mo Drake!"

"Ewan ko...bakit ka nga ba magi-guilty? May dapat ka bang ika-guilty...?" Those seductive and devilish stare of Drake.

"Wala! Wala noh! Wala kaya! Bakit naman ako magi-guilty! As if may feelings pa ako sayo! Hello! Over my dead-"

"Flat chested body." Halos maubo si Drake sa sinabi niya nang putulin niya ang sinasabi ni Arylle.

"Hoy! Hindi ako flat chested noh! Maka-flat chested ka naman! Porke malaki ang boobs ng Samantha na yan! Kung makalait ka!"

"Asus! Parang pimples lang kaya yang ano mo!" Tuwang-tuwa siya habang nakikita na nagngingitngit si Arylle sa inis.

"Pimples talaga? Sobrang liit naman nun! Tang-ina mo Drake! Bwisit ka talaga kahit kelan!"

"Sige gawin nating pigsa para mas malaki ng konte." Hindi niya mapigilang humalakhak ng malakas.

"Ewan ko sayo! Ibaba mo na nga lang ako!"

"Huwag ka na maingay diyan! Ang lakas-lakas ng bunganga mo Arylle. Para kang nakalulon ng speaker, alam mo yun?"

Nanahimik na siya dahil pinagtitinginan sila ng mga taong nakakasalubong nila.

"Saan ba tayo pupunta?"

"Just keep your mouth shut Arylle. Okay? Ang dami mong talak eh."

Pamilyar ang daan na iyon sa kanya. Iyon ang X-ray Department na nakabukod sa ER. Madalas mga kilalang personalidad at mga VIP patients ang dinadala doon. Lagi kasing puno ang X-ray Department ng ER.

"Pwede naman don sa ER ah...feeling ko naman sprain lang to. Oncall lang kaya ang X-ray Technician dito. Malamang walang sasagot sayo ng ganitong-"

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now