CHAPTER 63: Man Of Her Dreams

367 30 4
                                    

"Drake!" Nagmamadaling takbo ni Uno papasok ng boxing gym kung saan papunta ang kaibigan. Pero may kausap ito sa telepono at hindi siya pinansin.

"Drake!" Sigaw nito sa kanya sabay sunod sa locker room.

"Shhhh..." Senyas sa kanya ni Drake sabay pindot ng loudspeaker ng telepono niya.

They heard Arylle's voice on the other line. Drake started to tightened his grip on the boxing gloves he's holding. He was furios and nervous at the same time. He could kill anyone just to keep her safe.

"Malapit na akong mairita sa boses ng babaeng to Drake...konti na lang, gigilitan ko na siya sa-"

"Don't touch her! Who the hell are you? Huwag mong idamay si Arylle. Just tell me what you want...ibibigay ko sayo kahit ano." Pinigilan ni Drake na magbitaw ng hindi magagandang salita. He doesn't want to provoke Arylle's abductor.

Fuck you! Sino ka bang gago ka! Mahuhuli din kita! I will catch and kill you soon!

The culprit is using some kind of a voice changer device, he couldn't recognized who it was. When he first received a call from those bastards, it was a woman's voice. They used Samantha's name to hid their real identity.

"Listen to me Drake...if you want Arylle alive, come and rescue her by yourself. No butlers, no police. I know where you are, you are in the locker room of your favorite boxing gym...right? Alam ko ang lahat ng galaw mo. I can see how mad you are right now. Alam ko din kung ano ang pinapagawa mo kay Uno. Stop tracking me kung gusto mo pa makita ng buhay ang babaeng to." Muli ay narinig na naman nila ang pagsigaw ng dalaga. Tila hinampas ito ng isang latigo. Gigil na gigil si Drake, gusto niyang magalit pero pinigilan niya ang sarili. Alam niyang kung papadala siya sa emosyon niya, mas lalo lang masasaktan ang dalaga.

Dalawang buwan na lang ay ikakasal na si Arylle at Nathan. Nagdadalawang isip siya kung paano ba niya ipapaliwanag sa kaibigan ang nangyari sa dalaga. Gusto din niyang kagalitan si Uno, pero wala na siyang panahon pa para doon. Kailangan niyang mailigtas ang babaeng pinakamamahal niya sa kahit anong paraan. Hindi siya papayag na mapahamak ito ng dahil sa taong may malaking galit sa kanya. Walang kapatawaran kapag may nangyaring masama kay Arylle. Sigurado siyang makakapatay siya sa oras na malaman niya kung sino ba talaga ang taong ilang beses na nagtangka sa buhay ni Arylle.

"Bago ko makalimutan, just bring yourself Drake...no guns...no knives...try to bring one of those and I will kill her bago ka pa makarating dito. I will send you the address. Uulitin ko, no butlers and police. Nakikita ko ang bawat galaw mo, don't try to make a wrong move." Babala sa kanya ng taong nasa kabilang linya. Kasunod ng mga salitang iyon ay pagtunog ng isang timer.

"Bilisan mo ha. Time is ticking Drake...the bomb on Arylle's body will explode in three hours..." That was the last line of the abductor before hanging up the phone.

"Drake..." Pangungulit ni Uno sa kanya pero hindi niya ito pinansin. Kahinaan niya ang kaligtasan ni Arylle. Wala mang kasiguruhan kung paano niya malulusutan ang panganib na nagbabadya, hindi na iyon importante pa. Kung kapalit ng buhay niya ay ang kaligtasan ng babaeng pinakamamahal niya, handa siyang ibigay ang kahit ano. Hindi siya natatakot mamatay.

"Stay here, huwag mo kong susundan Uno. Please...don't make any reckless move. I need Arylle alive."

"Pero Drake! That man can kill you. Sigurado ako, marami sila...hindi mo sila kakayanin. You will die there!"

"Then so be it! Wala akong pakialam! I just need to save Arylle. That's all. I already transferred the last payment in your account. Thank you sa lahat Uno. Don't blame yourself. Just kill Jill for me. Sigurado ako, she was the one who betrayed us..."

EVERY BEAT OF MY HEARTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon