CHAPTER 78: Be Careful What You Wish For

446 45 16
                                    

"What was that for?" Napaatras si Drake sa lakas ng pagkakasampal ni Arylle sa kanya. Parang kahapon lang ay masaya silang magkasama, gulat na gulat siya sa ginawa ng dalagang umiiyak.

"Kulang pa yan Drake! Bakit ka nagsinungaling sa akin? Bakit kailangan mong itago? Para makuha mo ako? Para pagsamantalahan mo uli? Para tuluyan akong mahulog sayo? Anong klaseng kaibigan ka? Ha? Hindi mo ba naisip na-"

"Pagsamantalahan? Kelan kita pinagsamantalahan Arylle? Yun ba talaga ang tingin mo sa akin?"

"Yung nangyari sa atin...anong tawag mo dun? Hindi ba pananamantala yun? Sinamantala mo kasi-"

"Ako lang ba ang may gusto nun? Ha? Ako lang ba Arylle? Tell me, ako lang ba ang may gusto sa ginawa natin?"

Hindi makasagot ang dalaga sa tanong na iyon. Alam niyang nadala talaga siya ng gabing iyon. Lasing na lasing siya at sobrang lungkot.

"I make love with you Arylle...I did it out of love." Pigil ang luha ni Drake, gustong-gusto niyang maiyak pero ayaw na niyang ipakita pa ito sa dalaga.

"Hindi dahil pinagsamantalahan ko yung kahinaan mo. Mahal na mahal kita and that was love. Alam ko sayo, that was just a plain sex. Pero yung sabihan mo ako ng pinagsamantalahan kita...I cannot accept that. Dahil wala akong ibang ginawa kundi ang alagaan at protektahan ka. Siguro mali ako na nagpadala ako, I'm sorry. But I never lied to you, hindi ko lang agad nasabi sayo dahil natatakot ako. Aminado naman ako dun. Natatakot ako na mawala kung anong meron tayo. Natatakot akong-"

"Walang tayo Drake, ipapaalala ko lang sayo...walang tayo. Kung anuman yung nasa isip mo na meron tayo, ngayon pa lang tigilan mo na yan. Hindi porket may nangyari sa atin, may relasyon na tayo." Matatalim ang bawat bitaw ni Arylle ng mga salita. Ni hindi niya pinagbigyan si Drake ng pagkakataon na makapagpaliwanag.

Plano naman talaga niyang sabihin kay Arylle ang tungkol kay Nathan, naunahan lang siya ng takot na tuluyan ng mawala sa kanya ulit si Arylle. Alam niyang mali na angkinin ang isang taong hindi naman sa kanya, pero mas namayani ang kagustuhan niyang makasama ito kahit panandalian lang. Sigurado siya na kapag nagkita uli sila ni Nathan, wala ng ibang makikita ang dalaga kundi ang kaibigan.

"Tell me Arylle...is loving you too much gave you the right para saktan ako ng sobra-sobra? Dahil lang ba alam mong mahal na mahal kita at alam mong hindi ako manunumbat kahit anong sabihin mo. You can get mad at me all you want, pero sana naman...kindly choose your words. Sobrang sakit mo magsalita, alam mo yun? Ni hindi mo man lang iniisip yung mararamdaman ko. You are always thinking how hurt you are sa pagkawala ni Nathan. Ako ba...kahit ba minsan naisip mo kung anong nararamdaman ko? Naisip mo ba kung gaano ako nasaktan? Natanong mo ba sa sarili mo kahit minsan na baka sumosobra ka na? Tao lang din ako Arylle, kung nasasaktan ka, ako rin."

That was the first time Drake talked back with her badmouth and curses. Nagulat ang dalaga, totoo lahat ang sinabi ni Drake. She was being too much mula nang araw na akala niya ay nawala na si Nathan sa kanya. Arylle even wished that Drake was the one dead, not Nathan. Hindi niya mabilang kung ilang beses niya bang nasabi iyon sa binata.

"Sana ikaw na lang ang namatay, yun ang pinakamabigat at pinakamasakit na sinabi mo sa akin. Hindi mo alam kung gaano kadurog nun. And yes, I wish I was the one who died. Words has its own power Arylle, be careful what you wish for. I want to live long to be with you, but you want me dead. Funny, right?" Pekeng ngiti niya habang namumula na ang mata sa nangingilid na luha. Lumulunok na lang ito para humugot ng lakas na pigilan ang luha niyang konti na lang ay papatak na.

"Sorry...nabigla lang ako kaya-"

"No, its okay. You have all the right to get mad with me. Huwag ka mag-alala, I will never ever bother you Arylle. This will be the last time na magpapakita ako sayo. I will be good as dead, malayong-malayo sayo. Malayo sayo at kay Nathan. I will never appear infront of you ever again. That's a promise. Kung sakali mang makasalubong kita, huwag ka mag-alala...iiwas ako. Kahit saang parte man tayo ng mundo magkita, iiwas ako sayo. Clarissa was dead, my business here is finish. Yun lang naman talaga ang gusto kong gawin, to catch that fucking killer."

EVERY BEAT OF MY HEARTWhere stories live. Discover now