Chapter One

2.7K 62 6
                                    

Indian

"Hoy pahingi nga. " untag ko sa katabi ko pero hindi pa rin siya tumitingin sa akin. Aba! Famous.

"Hoy, sabing pahingi eh. "

"Wag kang magulo, sa akin 'to eh. " sabay iwas niya ng piattos.

"Anong sayo? Akong bumili niyan eh!"

"Akong nagbitbit kaya automatically, akin na ito. Bleh. " tapos dinilaan niya pa ako. Umusok naman agad ang ilong ko.

"Hoy Dragon, kanina ka pa ah. Dinaig mo pa ang naglilihing buntis, ang dami mo ng kinain. Selfish ka. " sermon ko sakanya.

"Selfish? Sino? Ako? Ayos lang, basta wag kang hihingi. Hahaha."

Isa lang ang narealize ko, sana pala ay hindi na natuto itong boypren ko na mag-Tagalog dahil ngayon ay nababara at nasasagot na niya ako. Putek. I want to reverse him in psychologist.

"Maiba nga ako, bakit ba iyan ang pinapanood mo? Para kang bata. Siguro crush mo si Jake no?" pang-aasar ko. Kasi tignan niyo naman, nanonood na naman ng Adventure Time.

"Dope. Hindi ah, nalaktawan ko kasi ang childhood stage ko eh. " paliwanag naman niya.

"Huh?"

"Wala, sabi ko trip ko lang. Maganda kaya. So just sit there and enjoy the show. "

"Akatok. Haaaay naku. Asaan na si Ana? " tanong ko.

"Andito lang yun or naglilibot-libot sa kwarto. Don't worry about her, mas magaling pa yun kesa sayo. Hahaha. "

Aba'y hindi 'to maaari! Ako na lang palagi ang talunan dito ah.

"Bakit ba kasi lagi mo akong binubully?"

"Kasi nga marunong na akong managalog. Hindi kita nababawian dati eh, bumabawi lang ngayon. Hahaha. "

"Tsk. " tumahimik na lang ako.

"Binubully kita but I promise that I'll never hurt you." saka ay banat niya. Siyempre, kung ganyan ba naman ang usapan eh di kailangan ko na namang ihanda ang aking anirola. Kilig agad. Hahaha.

"Hahaha. Ganyan ah. So bibigyan mo na ako?"

"Hindi pa rin. Hahaha. Kuhanin mo na lang yung paper bag sa kwarto ko. Wag mo pang bubuksan ah, dito mo buksan. Dali. " sabi niya na seryosong nanonood.

"Anong mayroon dun? Mamaya may figurine ah, i-kakame-wave talaga kita. " ngumisi naman siya.

"Wala. Dali na. " utos niya saka tumayo na ako. Obviously, nandito ako ngayon sa inuupahan niya na kapitbahay lang namin. Walang kaso yun kila Nanay at Tatay dahil mabait naman ang Dragon na ito at may tiwala ako sakanya. At ni minsan ay hindi niya ako binastos dahil sa kanya na nanggaling, wala akong MAIPAGMAMALAKI kundi ang pagmamahal lang niya. Asteg niya no? Ang sarap batukan ng 20 kilos na hanger!

So ayun nga, pumunta na ako sa kwarto niya saka hinanap ko yung paper bag na sinasabi niya. Ang linis-linis talaga ng kwarto nun, baklush kaya ang boyfriend ko? Hahaha.

Bang! Nahanap ko rin. Nasa gilid ng salamin.

Inalug-alog ko pa yung paper bag nang sandaling makuha ko dahil baka mamaya kung anu-ano ang laman nito. May tililing kasi ang Dragon na iyon minsan at baka ako na naman ang pagtripan. Agad akong bumaba.

"Hoy. Ito na oh. "

"Edi buksan mo na. " utos niya. Pinatay niya na ang telebisyon dahil tapos na ang pinapanooran niya saka humarap na sa direksiyon ko habang ngumangatngat pa rin ng ipinagdadamot niyang piattos.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now