Chapter Twenty-Five

497 25 1
                                    

Show

" Hahaha. You have no idea. "

Si Jordan may kasamang babae?!

Si Jordan ba 'to?

Unti-unti kong sinipat ang lalakeng kasama ng babaeng ito. Kasi baka naman nagkakamali lang ako dahil madilim.

Lumapit ako.

Pero unti-unti na namang sinasaksak ang puso ko nang mapagtantong siya nga iyon.

Para na namang nagflashback yung panggagago niya sa akin noon.

Unti-unti na namang umaatake yung sakit.

Heto na naman at nahuli ko siya.

Ito na naman yung part na iiyak na ako.

" Ana. ." sabi niya nang makita ako. His eyes widened. Pero pagkatapos nun, bumalik ang normal na expression niya.

" A. .a. . ano 'to? " nauutal na sabi ko. Parang may bumibikig sa aking lalamunan. Kaunti na lang. .

" Who's this girl? " singit nung babae.

" Veth, this is Ana, my company's strategic adviser. Ana, this is Veth, my girl for this night. " sabi niya pa habang nakangiti.

Akala ko ba nililigawan niya ako?

Akala ko ba mahal niya ako?

Kusa na lamang napaangat ang aking kamay at nasapo nito ang pisngi niya.

" What the--?!" sabi nung babae pero dinuro ko siya.

" Wag mo akong ma-what the, what the rito masasapak kita! " sigaw ko kaya kumaripas ng takbo yung babae niya. Hinarap ko na naman si Jordan.

Kaunti na lang. .

" Sinayang mo, Jordan. " nahihirapang sabi ko.

Hindi dapat ako bumigay hangga't hindi ko pa nailalabas ang hinanakit ko.

Lumapit pa ako sakanya.

" What's your problem?" hindi nakasigaw pero madiin na sabi niya sa akin. Nalanghap ko ang amoy ng alak sa bibig niya.

So ibig sabihin hindi talaga siya nagpunta sa Skylar? Ibig sabihin sa ilang oras na yun umiinom siya habang ako ay umaasang siya'y darating? Ibig sabihin sa ilang oras na paghihintay ko sakanya eh umaasa ako sa wala?

Then this is bullshit!

Tumulo na yung luha ko. Hindi ko na napigilan. Kung dati-rati eh nakakaya ko pang pigilan, ngayon , dahil sa paulit-ulit na sakit ay kusa nang kumakawala ang mga ito.

" Hinintay kita, Jordan. Kahit gabi na, hinintay kita. Excited pa ako. Geez. Kahit na hindi ka makapunta ngayon ay maiintindihan ko. Sabi ko kahit bukas na lang. . But here you are, screwing all things. Now I have my decision. " sabi ko at pinunasan ang aking mukha. Tumahimik siya at hinihintay ang susunod kong sasabihin.

" I will never let you break my heart again and again. I'll never want you back in my life. Salamat na lang kasi dahil sa'yo may napatunayan ako." tahimik lang siyang nakikinig at nakatingin sa akin.

" Never trust people twice. Lalo na yung dati nang nanggago sayo. Tama yung sinabi ko dati, kapag nagawa mo na, may chance na mauulit mo yung gawin. Naulit mo nga, 'grats. " sabi ko at umalis na.

Umalis akong luhaan. Wala na akong pakialam kung pagtitinginan ako ng mga tao sa labas.

I should let it out, because sooner or later, hindi ko na kakayanin.

Agad akong pumara ng taxi at sumakay roon.

" Ayos lang po kayo, Ma'am? " sabi nung Manong driver nang makita ang estado ko. Bahagya lang akong nangiti.

Don't English Me! (Season II)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz