Chapter Two

1.3K 47 1
                                    

MVP

"Tay, imposible naman pong hindi kayo makakuha ng player niyo? " si Tatay kasi, kanina pa namomroblema sa team niya. May liga na naman kasi at kalaban nila ang kabilang compound at mga outsiders.

"Marami namang nag-tatry-out pero alangan namang kunin ko agad. Eh gusto ko yung expert agad. Instant ba para hindi na ako mahirapan. Next week na yun."

Nandito kami ngayon sa sala. Kasama si Nanay at Jordan. Nanonood kami kanina pero ngayon ay nag-uusap kami para sa nalalapit na liga.

"TAMA! Bakit pa ba tayo namomroblema? Eh itong si Jordan na lang. " napasigaw na sabi ni Tatay. Hindi siya excited ah.

Tinitigan ko si Dragon na nakahawak sa kamay ko. Hindi niya siguro narinig dahil pinaglalaruan na naman yung phone ko. Nagsi-COC. Bullshocker!

"Hoy. Tinatanong ka ni Tatay kung okay daw bang maging player ka niya sa basketball. " untag ko.

"Wha-what? Basketball?!" napalakas na sabi niya. Aba'y nagkukulikol ba 'to?  Bangag ata.

[Nagkukulikol- nagtatanggal ng dumi sa tenga.]

"Oo, wag mong sabihing hindi ka marunong magbasketball?" natatawang asar ko.

"Anong hindi marunong?! M-MVP ako sa California no! Kahit itanong mo pa. " nauutal na sabi niya. Siguro natatalo na to sa COC kaya nauutal. Hahaha.

"Ahh ganun ba? Sige tay, pasukatan niyo na yan ng jersey. " sabi ko.

"Anong gusto mong jersey number hijo?"

"Eighteen, Tito Pops." sabi niya.

"Eighteen kasi yan yung bilang ng mga naidate niya. " nakasimangot na dagdag sabi ko.

"Silly. Birthday mo yun no. Selos agad. "

Pansin niyo ba? Tahimik ang nanay ko? Tahimik kasi nagpa-flappy bird siya! Yun kasing si Steph, ipinasa niya sa phone ni Nanay yung laro. Ayan tuloy naadik. Hindi na makausap. Pero mabuti na rin yun para walang talak nang talak. Hahahaha. Nakahinga yung tenga ko.

"Oh sige. Next week na yun. Maghanda ka na ah. Malakas yung mga kalaban natin."

"Don't worry. Kahit hindi na po ako magpractice, kayang-kaya ko sila." pagmamayabang niya.

"Aba! Mayabang ka ah. Siguraduhin mo lang ah, gagawan kita ng maraming banner. "

May tiwala naman ako kay Jordan. Kapag titignan mo, parang magaling talaga siyang magbasketball. Kung hindi ko nga siya boyfriend eh pagkakamalan ko siyang NBA player. Feeling ano? Hahaha.

Nasisiguro ko na maiuuwi uli ng team namin ang trophy.

-------------------

"Saan ka pupunta? Napapadalas na yang pag-alis mo ah?" nakapameywang na tanong ko.

"I have some works to do. Makulit kasi si Daddy. Pinapatapos niya na. Pabayaan mo, this week lang ito, baby." pagpapaliwanag niya.

"Baka hindi ka makapaglaro niyan sa liga ah. Puro trabaho." sermon ko ulit.

"Darating ako. I promise. " nakangiting sabi niya.

"Galingan mo ah. Ichi-cheer talaga kita. "

"Oo naman. Para sayo lahat ng points ko. "

-------------------

Someone's POV

  Naglalakad ako dito sa park na may whole court, malayong compound na ito sa amin.Natigilan ako nang makita ko siya.

Don't English Me! (Season II)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant