Chapter Forty-Four

134 12 3
                                    

Dee

Pagkalipas ng isang buwan. .

" Ana! "

" Oh? " walang gana na sabi ko.

" Hindi ka na babalik dun sa loob? "

" Maya-maya siguro. Andaming tao eh, saka isa pa wala pa ako sa trip na makihalubilo. " sabi ko sabay lagok ko ng iced tea.

" Okay, sunod ka na roon pag nasa mood ka na ah. Madaming pagkain dun. "

" Key. " pagtango ko na lang kay Thalia.

Nasa party kasi kami ngayon. Birthday ni Glint. Oo nga't mga kaibigan namin ang mostly nandito pero wala pa talaga ako sa mood na makipag-usap.

May malalim kasi akong dahilan.

Gusto mo bang malaman?

Baka malunod ka? Hahaha!

Kasi naiinis ako roon sa pinanood kong Kdrama kaninang umaga. Ilang gabi kong pinagpuyatan tapos hindi pala sila nagkatuluyan sa huli! Wuhooo.

Kaya tuloy badtrip ako ngayon. Ambabaw no? Hahaha. Lampake. Basta badtrip ako.

Sa katunayan, ni hindi ko nga kanina binigyang pansin ang litsong nakahain sa mesa. Yung tipong parang inaakit na ako nung baboy na yun para kainin siya kaso walang epek kasi nga wala ako sa mood.

Pero siguro mamaya eh babalik din ako sa dating ako at humanda na sila dahil empty stomach ako ngayon. Baka maubos ko maski yung mga nakadisplay na bulaklak sa mga mesa. Wahahaha!

Maganda yung bahay nitong si Thalia at Glint. Sa katunayan nga nasa gilid ako ngayon. May fountain kasi rito na may mga ilaw. Saka sa gilid ako nakaupo. Napakarefreshing. Tapos mag-isa ko lang dito kasi nga ang venue eh sa loob ng bahay nila.

Nitong mga nakaraang araw, alam ko na may mga improvement sa utak ko. I mean, hindi ako baliw pero yung mga ibang memories, kusang bumabalik. Ilang Linggo rin akong nag-unwind at siguro two weeks from now eh babalik na ako sa trabaho ko. And I'm quite happy for that.

Biglang nag-vibrate ang aking phone.


Calling : Alice :)

Ibinaba ko ang basong hawak ko at agad itong sinagot.

" Hi, Alice. " masayang pagbati ko.

" Hello, Ate Ana. Are you with my brother? " medyo nagulumihan naman ako sa sinabi niya kaya hindi ako agad nakasagot.

Sino ba ang tinutukoy niya? Si Jordan o si Craig? Huhu.

" Oh, my bad. I'm referring to bro Jordan. Are you with him? " sabi niya na parang nabasa ang isip ko.

" Nope. I'm here at the birthday party of my friend. I'm sure he was invited but I haven't seen him yet. "

" Oh. Is that so? Okay, thank you. Take care, Ate Ana. Love yah. " sweet na sabi niya saka inend na ang call.

Ang sweet-sweet talaga ng batang yun. Haynaku. Napakacute.

Pero asan nga ba ang Dragon na yun? Lately kasi, medyo hindi ko na siya nakakasama. Madalang na rin kami magtext at magtawagan. Ni mabibilang na lang sa kamay yung pagbisita niya sa bahay.

Nagsawa na kaya siya dahil hindi ko pa siya naaalala?

Well, bahala siya. It's his lost.

Wushuuu!

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now