Chapter Thirty-Four

604 26 9
                                    

Sedoc

Kaunti lang na oras ang naitulog ko dahil iniisip ko pa rin kung sino nga ang lalakeng iyon na nasa tapat ng bahay namin.

Apat lang ang pagpipilian eh.

a.) Isang magnanakaw na pilit pinupuntirya ang wall clock namin.

b.) Mahiyaing taga-survey.

c.) Si Jordan or

d.) Mamaw

Agad kong inerase ang letter d. Lagot, pati yata mga engkanto eh naakit sa angkin kong kagandahan. Echos! Haha.

Bahala na!

-------------

Nakakainis.

Kahit na pilitin kong matulog, hindi pa rin pumipikit ang mga mata ko!

Ilang beses ko nang pinakinggan ang kantang watch me nene pero wala pa rin.

Na-Katy Perry ako!

I'm wide awake! Hahaha.

Siguro dahil ito sa ininom kong 92 in 1 na kape. Namangha kasi ako. Kung yung 3 in 1 eh kape, asukal at cream lang ang laman, ano pa kaya ang laman ng isang 92 in 1 na kape?

May roast beef powder ba? Ginseng? Iron? Titanium? Nickel? O gold? Hahaha. Tanong mo sa undin!

At alas-dos na nang madaling araw.

Bangag.

Kaya para maibsan ang pagkabangag at pagkaboring ay nagbukas na lamang ako ng Messenger.

Agad kong tinignan ang gamit niyang account. Minsan lang ginagamit ni Dragon ang totoo niyang account kasi baka i-hack eh maraming mabunyag. Kaya to play it safe, gumawa na lamang kami ng iba naming account.

Nang makita ko kung sino pang mga naka-online sa oras na ito ay nagtaka ako.

° Active now

Yan ang nakasulat sa gilid ng pangalan niya na labis ko namang ipinagtaka.

Bakit kaya online 'tong Dragon na ito? Eh bibihira lang 'tong online eh. Once in a full moon lang.

Agad akong tumipa sa aking phone at chinat siya.

Drapey :

Oy bakit gising ka pa?

Maya-maya eh naseen niya agad kaya naghintay ako sa reply niya.

Pero naknaman ng dingding! Hindi man lang siya nag-type! Sineen lang ng kumag.

Drapey :

Wow. Seen. Papanseen.

Tula ko--este sabi ko. Tapos nakita ko na naman na sineen niya. Pero muli, hindi na naman niya ako nireplyan.

Seen- apat na letra pero nakakasakit sa balun-balunan at ngalangala. Haaaay.

Pero napawi naman ang pagdradrama ko nang magmessage siya.

Dragoli:

Who are you?

Dragoli ang pangalan niya kasi Dragon plus Oliver equals Dragoli. Siya ang nakaisip niyan. Antanga niya no? Hahaha.

Pero ansabe?! Who are you?!

Drapey:

Bangag? Ilang knorr cubes nahithit natin ah?

Dragoli:

I don't know you.

Mabilis na sabi na naman niya.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now