Chapter Forty-Three

239 12 1
                                    

Lily

Sabi ni Ate Hail, huwag muna raw akong pumasok sa trabaho ko habang di pa naibabalik ang aking memorya. Kung di ba naman tuleg eh paano ako papasok sa pinagtatrabahuan ko kung di ko matandaan kung saan ako nagtatrabaho? Hahaha.

Nung tinanong ko naman sakanya kung saan ako nagtatrabaho eh sabi niya lang naman eh sa kompanya. Malay ko ba kung anong kompanya iyan. Kompanya ng napkin o kompanya ng paputok. Wateber. Basta alam kong masipag ako dahil may trabaho pala ako.

Narito ako ngayon sa Flower Shop. Sabi ni Ate, sa akin daw itong shop na ito ngunit dahil nga hindi ko matandaan, humanga ako sa sarili ko dahil nature lover pala ang lola niyo. Hahaha! Wala kasi sa mukha ko. Nakakapanibago.

Ako muna raw uli ang magma-manage nito hanggang sa maalala ko na lahat at para naman daw di na ako mastress sa kakaisip ng mga bagay-bagay. Umaagree naman ako kasi nakakatanggal stress ang pagtatanggal ng tinik ng mga rosas. Duguan na nga kamay ko eh, tears of joy kumbaga. Joke.

Nakakarelax dito. At napansin ko rin na magaling ako pagdating sa flower arrangement.

Hindi kaya sa funeraria talaga ako nagtatrabaho?

Watalayp. At least kapag sakaling hindi maganda yung pag-aarrange ko eh di na magrereklamo yung patay, wala nang aangal. Ar ay pi.

Kagabi nga ay hinatid ako ni Jordan sa bahay namin. Pinakain siya nila Nanay kasi di pa raw talaga siya kumakain dahil nga sa kakahanap sa akin.

Asows, mga galawang ganyan.

Pinagalitan nga ako ni Nanay at pinapatapon na itong cellphone ko kasi may load naman daw ako kaso simpleng reply lang hindi ko magawa. Highblood talaga oh. Di ba pwedeng tinamad yung mga daliri ko na magtype at wala na ba akong karapatang magkaroon ng athritis sa kamay?

Katarungan para kay Ana Franco!

Yung Jordan naman na iyon eh tinatawanan lang ako. Nabuwisit nga ako sakanya eh kaya pagkatapos kumain eh pinaalis ko na siya. Bayaan niyo, nireregla na yun, kaya niya nang umuwi mag-isa. Hahaha.

Narinig ko ang pag-ingit ng pintuang salamin kaya nagtaas ako ng mukha.

" Yes, Ma'am? What can I-- parang kilala kita ah. " paninita ko.

" Hi, Ate Ana. " nakangiting sabi niya. Lumukot ang mukha ko at kalauna'y bumalik sa normal na ayos nito.

" Ikaw yung nasa hospital din, tama ba? "

" Yes, Ate. How are you?"

Tinuro ko sakanya ang stool na nasa harapan ko at sinenyasan siyang umupo.

" I'm fine. Getting well. Ahm what's my relation to you? I'm just curious. Di ko kasi matandaan eh. " straight na tanong ko na sakanya. Kaysa naman magpatumpik-tumpik pa, boom karakaraka.

" I'm the baby sis of your boyfriend. "

She is beautiful. Ganda pala ng lahi ng boyfriend ko 'kuno'.

" Ah. What can I do for you? You want flowers? " alok ko sakanya.

" Yeah, I like to have blue lilies on our garden. Can you help me plant them, Ate Ana? " pangungusap niya.

Aba, hardinera na rin pala ako. Matindi. Pero sabagay, nakakawalang stress naman eh saka siguro malaki naman ang talent fee ko rito. Kakagat na lang ako.

Saka nacurious ako kung saan ba nakatira ang Jordan na yun. At kung sino ang mga nakatira sa bahay nila.

" Sure. Maya na lang pag-out ko rito. Kailangan ko pa kasing makabenta. Maybe 5:00 pm? Okay lang? "

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now