Chapter Forty

608 26 8
                                    

Meralco

Nang maitapat ko na ang kotse ko sakanilang dalawa ay napatingin sa akin si Craig. Magha-Hi na sana ako kaso. .

Napatingin din sa akin ang girlfriend niyang sinasa----

" What the hell?! " palatak ko.

Nagulat siya sa akin at sa biglang pagsigaw ko.

Hindi ako makapaniwala. Muntik ko na ngang matapakan ang accelerator ng kotse ko imbes na umistop.

Potek.

How did it happened?!

" Hey there. " nakangiting sabi ni Craig.

" Hop in. I think we need to talk. " sabi ko sakanilang dalawa.

Nakatungo lang yung babae habang hinawakan siya ni Craig sa braso at iginiya sa kotse ko.

Habang nasa biyahe kami ay tanging si Craig lang ang nagdadaldal.

" I wanna tour her everywhere. Maybe next month we'll go to States to. . "

" Craig, pwedeng mamaya na lang tayo mag-usap kapag nakababa na tayo? " malumanay na sabi ko sakanya. Napatigil naman siya.

" Hoops, sorry. " sabi niya na wala pa ring kamalay-malay sa awkwardness na nangyayari between me and this girl.

-------------------

" What's this? A park? Wala namang makakainan dito. We could have visit a restau or something. " reklamo ni Craig.

" Hindi tayo kakain, Craig. We have an issue to settle here kaya ko kayo dinala dito. " kalmadong sabi ko.

Gosh, she's guilty. She can't even look at me.

" Bakit sa lahat pa ng babae, siya pa, Craig? " iyan ang paunang tanong ko na nakapagpatigil sakanya.

" Ahm. . because it's normal? " nakakunot-noong sabi niya.

" It's not normal, Craig. Look at her then look at yourself. " tinignan naman niya ang katabi niya then turn his gaze towards me.

" Ana, I don't know what you're talking about but at least we could have a formal introduction here, right? Remember those days nang sinabi ko sayo na may hinahanap akong mahalagang babae sa akin. Look at this person beside me, Ana. Nahanap ko na siya and that makes me very happy. " saka siya ngumiti.

Tinignan ko ang babaeng katabi niya. Hindi ako makapaniwala. Kailangan kong sabihin ito. .

" Alice. . " pagbanggit ko.

Oo. Si Alice nga. Si Alice na kapatid ni Jordan. Ngayon alam ko na ito talaga ang prinoproblema ni Jordan noong nagdaang gabi.

" Kilala mo siya? " biglang singit ni Craig.

" Can't you see? Menor de edad siya ,Craig. Why did you make her your girl? " medyo tumaas na rin ang boses ko.


But this time, silang dalawa na ang nakatitig sa akin and they are giving me this strange look.

" My girl? What? That's insane. Bawal magkaroon ng relasyon ang dalawang magkapatid, Ana. Are you out of your mind? " sabi niya.

Haaaaaay. Akala ko pa naman may rela-----

" WHAT?! MAGKAPATID?! " nakasigaw na naman na sabi ko.

" Yes. She's my long-lost baby sis. "

And this time, ako ang hindi makapagsalita.

" I'm sorry, Ate Ana. " biglang sabi ni Alice na nahimigan ko naman ng sincerity.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now