Chapter Thirty

816 33 7
                                    

Armo

" Hoy. " sabi niya habang nakangiti.

" Hoy. " sabi ko rin at ginantihan ang ngiti niya.

" Kurutin mo nga--- Ouch! " daing niya. Napatawa ako. Inunahan ko na siya, alam ko na yang sasabihin niya eh. Kurutin ko raw siya para makasiguro kung nananaginip siya. At dahil accelerated ako, hindi pa man niya natatapos ang kanyang sasabihin eh kinurot ko na siya.

Hampasin ko kaya 'to ng tubo? Ewan ko na lang kung hindi pa 'to magising sa katotohanan.

" Hahahaha. Arte mo eh. " pang-aasar ko. Sumimangot lang siya at lalo niyang ikinaguwapo iyon. Damyu, Jordan. Damyu.

" Anong oras na? " tanong ko.

Tinignan niya ang kanyang pambisig na relo at sinipat ang oras mula roon.

" It's five in the morning and we haven't sleep yet. But to hell with the time. I'm enjoying it. " sabi niya at hinawakan ang kamay ko.

Alam niyo kung nasaan kami?

Hindi?

Nandito kami sa bahay ni Elsa, yung bida sa Frozen. Debut niya kasi ngayon eh. Kasama ako sa eighteen ice water. Grabe! Ang lamig pala! Mabuti na lang nagdala ako ng lamaw.

[ Lamaw- mainit na tubig. ]

Ayun, binuhos ko sa sahig ng bahay niya. Ala eh gumuho! Kaya kinick-out niya ako palabas ng kanyang bahay. Pero ako naman eh hindi papayag na aapihin lang kaya ang ginawa ko eh kinidnap ko siya. Tinalian ko ang kamay niya at inilagay sa kumukulong tubig at pinakuluan. Ayun, wala ng epek ang powers niya.

Joke lang. Hahaha.

Nilakad lang naman namin mula sa kanto nila hanggang makarating kami sa kanto namin. Kung i-eestimate mo, mga sampung poste. Pero sabi nga ni Dragon,

" But to hell with the time. I'm enjoying it. "

And that's true kasi hindi ko naramdamang sumakit ang paa ko. Ni hindi ko nga ramdam na may paa pa ako. Parang mamaw lang. Hahaha. Ni hindi ko nga ramdam ang pagod dahil usap lang kami nang usap ng kung anu-anong bagay. Pati nga yung buhok ni Rapunzel napakialamanan na namin, kung may dandruff ba siya o ilan ang populasyon ng kuto niya. Pati nga yata yung Yamashita's Treasure nadect na namin kung nasaan.

But we didn't get bored. Maybe because talking with each other is a joy and a special moment for us. Wew. Haha. Gumaganern! Ayep! Hahaha.

" Oy nga pala. Nakausap mo na ba yung Daddy mo? " tanong ko sakaniya.

" Hmn. Yeah. Pero tungkol lang sa business. Other than that, nope. " at humigpit ang hawak niya sa kamay ko.

" Hindi talaga kayo close no? "

" What would you expect? Hindi siya naging mabuting ama sa akin. " sabi niya.

" Baka naman may explanation siya, maybe all you need is a little time and a little heart to heart talk. "

" Impossible. Kung gusto niya akong kausapin, matagal niya na sanang ginawa. I won't make my move coz I'm not the one who's at fault. "

" Buko talaga oh. " mahinang sabi ko. Coconut silang dalawa ng Daddy niya kasi ang taas ng pride nila , cannot be reach.

" Anong buko? " tanong niya.

" Ah wala. Sabi ko paano kung mabuko tayong may relasyon na? " tanong ko sakanya.

" Oh anong problema dun? "

" Hindi ka ba mabo-bother? "

" Why? " tanong niya uli.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now