Chapter Twenty-Eight

661 26 13
                                    

Affected

" So suko ka na? " tanong niya.

" Neva! "

" Hahaha. Sige iwanan na kita, may date pa ako eh. "

" Utot mo! Ang gabi-gabi na kaya. Hahaha. " sagot ko sakanya. Nandito lang kami sa kotse ko, nasiraan kasi siya. Mabuti nga. Hahaha.

" But that's true. If you want, let's wait here. Gimme five minutes. " pagmamayabang niya pa.

Aba! Anong category nitong story namin, fantasy? Anong klase yang babae niya? Mangkukulam at agad-agad makakarating rito? Heady-waw!

" Tagay pa. " alok ko sakanya sabay taas ng mineral bottle. Hawak-hawak niya ang maliit na yelo sa gilid ng ulo niya. Nagkabukol kasi siya ng maliit doon. Agad ko siyang itinakbo sa hospital at sabi ng Doctor na sign daw yun na may cancer siya at ilang araw na lang ang ilalagi niya rito sa mundo.




JOKE! Hahahaha.

Ang totoo niyan, naitulak ko siya nang malakas kaya naumpog siya sa kotse ko kanina. Eh sabihan ba naman akong flat?! Nakakasakit kaya yun sa suso--este sa puso! Tss. Kaya ayun. Hahahaha. Galit na naman siya sa akin.

" Bakit ka nambababae? Unfaithful ka sa akin. " sabi ko kunwari na nagtatampo.

" Hindi naman tayo. Kaya hindi ako unfaithful sa'yo. "

" Agawch! Direct to the point ka masiyado, di ka man lang nagpaligoy! Tss. Ikaw kasi eh, pakipot ka pa. Kung sinagot mo na ako edi wow. "

" I'm mad. Y'need to exert effort. " dagdag niya pa saka napangisi.

" Effort? Shutang-- hindi pa ba effort yung ginagawa ko? Nakailang punit kaya ako ng sticky note at nakaubos ng sandaang pilot! "

" That's not enough. "

" Che! Enough---"

May kumatok sa bintana ng kotse ko sa tapat niya. Panira naman 'to.

" See? Not just in five minutes. Hahaha. Bye, Ana. Thanks for this. " pagtukoy niya sa bukol niya. Napaismid na lang ako.

May date nga ang damuho at iniwanan ako. Naiinis ako at siyempre, nagchechelos. Nakakapansakit ng loob.

Anong klaseng date kaya ang gagawin nila eh gabing-gabi na?! Just by thinking 'bout that drives me crazy.

------------

Sinubukan kong matulog kagabi pero tenenen, hindi ko nakaya. Kaya ang lagay eh Anapanda ako ngayon. Nangitim ng bahagya ang ilalim ng mga mata ko. Parang Panda lang. Hahaha.

Hindi talaga ako mapakali kagabi. Iniisip ko kung anong ginagawa nila. Baka nagchechenelenchurva na sila! Hoo! Buwisit.

Hindi ko na talaga nagugustuhan ang ginagawa ng Dragon na iyon sa buhay niya. Hindi ko na nagugustuhan ang pagiging pakeeps niya.

Kung kaya niyang mambabae, kaya ko rin.

Hindi mambabae ah!

Manlalalalake ako! Akala niya. Tss.

---------------

" Good morning, Ma'am. Siya ba yun ha? " usisa ni Trix nang makapasok kami sa office ko.

" Wag ka ngang maingay. " suway ko sakanya. Sa totoo lang, may dala akong lalake ngayon. Matangkad at guwapo. Puwede na nga sanang maging model kaso may itinatagong sekreto. At ako lang ang nakakaalam nun. Hahaha!

Bleh!

Mali!

Kung iniisip mong bakla siya, you're wrong! Hahaha.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now