Chapter Thirteen

1K 34 11
                                    

Finally

" Ano?! Sinabi mo yun?! Eh di parang inamin mo na rin na hindi ka pa naka-move on!" sigaw ni Steph na muntik nang ikinabasag ng eardrums ko.

" Teka nga kasi, mas maganda naman kasi yun kaysa naman maging awkward kami sa isa't-isa matapos kong ibigay yung singsing na ibinigay niya sa akin dati di ba? " paliwanag ko naman saka binuksan ang isang plastic ng kisses.

" Sabagay. Pero seryoso? Tinanong niya ang pangalan mo? Hahaha. Mga the moves nung lalake na yun eh kakaiba rin no? " naalala ko na naman yung kagabi. Kung hindi lang talaga ako nagmamadali eh binatukan ko na siya. But that was so barbaric of me, right?

" Pero totoo ba, Ana?"

" Ang alin?"

" Na pinapakawalan mo na siya?" natigil ako sa pagnguya ng tsokolate. Ibinigay ko naman na sakanya ang singsing. Pero. .

" Oo. " sagot ko na lamang.

" Paano kapag mahal ka na nga niya talaga at hindi na yun kasama sa plano niya dati?" tanong niya na nakapagpaisip sa akin.

" Wala na, Steph. What's done is done. Sinaktan niya pa rin ako and that changed every single thing in me. Saka andiyan na si Leandro. Hindi naman ako ganun kasama na gagawin siyang panrebound lang. Mahal ko na rin siya and in order for us to take it into the next level, kailangan ko nang putulin ang katiting na ugnayan namin ng damuhong iyon."

"As if you can resist that."

"Kaya ko."

" Wag kang magsasalita ng patapos. Sabi mo nga, lahat ng bagay o tao, nagbabago. "

"Kailan ko sinabi yan?" natatawang sabi ko.

" Dati pa, yung may mga pamatay quotes ka pa. Hahaha. " tapos nagtawanan kami.

But the question still embarked on my mind.

She has a point, what if?

--------------

"Good morning, Ma'am. " bati sa akin ng mga empleyado roon kapag nadadaanan nila ako. I smiled at them and greet them back.

Nagdiretso na agad ako sa aking office dahil alam kong may piles of paper na kailangan kong pag-aralan. Yun yung ipinapabasa at pinapaaral sa akin ni Mr. Oliver (Daddy ni Jordan).

(SFABASGC-Mod 1)
STRATEGIES FOR A BETTER AND SUCCESSFUL GROWING COMPANY- MODULE I

Ito yung i-eexplain ko sa damuhong nasa kabila ng room na ito na pilihim at saglit-saglit na sumusulyap sa kinaroroonan ko at bahagya pang nangingiti. Akasungap ya amo?

(Akasungap ya amo- naka-drugs yata 'to?)

Binalewala ko na lamang siya at sumandal sa aking swivel chair at inumpisahang basahin ang makapal na module.

Naka-tatlong oras na yata ako sa pagbabasa at hindi ko pa nakakalahati ang libro. Kinusot ko ang aking mata at saka isinuot ang eyeglasses ko. Dahil sa pagiging workaholic sa ibang bansa, dahil sa kababasa ng sandamakmak na documents, nanlalabo na ang aking mga mata. Mabuti na lang at nagpacheck-up agad ako sa isang eye specialist at nagpagawa na rin ako ng eyeglasses.

" You look cute with those eyeglasses, babe. Wear it everyday."

Mula sa pagbabasa ay narinig ko ang boses ni Leandro sa utak ko. Sabi niya kasi nadadagdagan ang ganda at appeal ko kapag isinusuot ko ang salaming ito. Haha. Parang ewan ay.

" To be honest and humble all the time. ." pagbasa ko sa isa sa mga nakalagay sa module na iyon.

I grinned. Humble, he can be. But honest? I doubt it.

Don't English Me! (Season II)Where stories live. Discover now